Small plants na nakalagay sa recycled materials, libreng ibinibigay sa Cavite

Image from Rappler via Facebook

Nakabili ka na ba sa isang ‘honesty store?’

Ito ay isang tindahan na walang tagabantay. Ang mga bibili dito ay may kalayaan upang kunin ang kahit anong gusto nilang bilhin at iiwan na lang ang perang ibinayad sa isang lalagyan.

Ang honesty store ay naniniwala sa katapatan ng isang tao, kaya’t nakadepende na lang sa mga mamimili kung talaga ngang sila’y magiging tapat at mag-iiwan ng tamang bayad.

Samantala, kamakailan lang ay lumabas ang balita tungkol sa kilo-kilong mga mangga sa Ilocos Sur na libreng ibinibigay lang dahil na rin sa sobra-sobrang supply nito.

Ganitong mga eksena ang naging tema ng isang stall sa Anabu Coastal sa Imus, Cavite kung saan matatagpuan ang mga maliliit na halaman na ipinapamigay lang nang libre.

Image from Rappler via Facebook

Isang post ngayon ng Rappler tungkol sa mga libreng halaman na ipinamimigay ang pumupukaw sa atensyon ng maraming netizens dahil sa magandang mensahe na ipinaparating nito.

Ang mga maliliit na halaman na ito tulad ng oregano, basil, kalanchoe, sili, at iba pang klase ay nakalagay sa recycled plastic bottles.

Ayon sa karatula na nakalagay sa stall, kung kukuha ng halaman ay kailangan lang magpaalam sa guard or janitor. Ang hindi umano magpaalam ay ituturing na magnanakaw.

Makikita ang iba pa ng larawan sa Facebook page ng Kostal Market Anabu; patunay na totoo ngang may ganitong magandang pagbabahagi.

Imahe mula sa Kostal Market Anabu facebook page

Sa comment ng isang netizen sa post ng Rappler: This is real. Dito ko everyday sumasakay. Actually, wala masyado pumapansin. Pero minsan napapansin ko, nababawasan then nirereplenish din ng kung sino. Kudos sa nakaisip nito!


Image from Rappler via Facebook

Napansin din ng ibang netizen na mas maigi umano kung may ibibigay din na donasyon ang mga taong kukuha ng halaman para na rin sa sikap ng mga tao na nagtanim nito.

Dapat magdonate din kahit barya lang kasi you need time to work on that apart from kumakain din sila.

Wow, great job. Puwede rin po ba donate or swap para hindi kayo maubusan. At sana sa mga kukuha be responsible at sana pag napalago n’yo ibahagi n’yo rin. Mabuhay po!

Ayon naman sa Green Thumb group na nakakita ng post:

Kung sino man ang tao sa likod ng proyektong ito, mabuhay po kayo! Kung lahat ay magkakaron ng ganitong initiative pwede nating pitasin ang mga halamang gamot, gulay at prutas sa ating sariling garden.


Imahe mula sa Kostal Market Anabu facebook page

Tunay ngang ang mga Filipino ay kilala sa ganitong klaseng act of kindness at katapatan. At nakakabilib rin ang kakayahan natin na maging mapagbigay kahit na sa mga maliliit at simpleng bagay.

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.