Sino Ba Dapat?

(Photo Credit: annakharenina.wordpress.com))

Please be advised that this article might not be too helpful for you.

Many voters are on the hunt for the next captain of the ship PILIPINAS, the event happens only once every six years. So one must be thorough with his choosing. The next captain for a mediocre like me should have the following qualities.

From google pic
(Photo Credit: annakharenina.wordpress.com)

Tuwad na pamumuno este tuwid na pamumuno. Isang pinuno na kayang tingnan ang mali ng mga nanalong di nya ka alyansa, ka party, at kakusa. Na may aksyon kaagad gaya ng house arrest, hospital arrest kahit na hindi pa napapatunayan ang mga kaso, ganito dapat ang bagong presidente marunong manuro ng kasalanan ng iba na hindi nya kaalyado.

May pagdidiliman, este paninindigan. Isang pinuno na marunong magtago sa panahon ng kagipitan, agad na nakaka alis ng bansa kapag may disisyong hindi nagawa ng mabuti. Agad na nakakakita ng taong kanyang mapagbabalingan nga kamilian ng kayang pinuno, ikanga huwag aminin ang lahat ng kamalian kapag nasa pwesto pa, ganito dapat.

Economics wise. Dapat alam niya ang laki ng tulong ng ibang bansa at di dapat ito mapunta sa mga dapat tulongan, marunong dapat magtabi ng salapi para sa eleksyon na darating. Dapata na magpagawa ng mga pabahay na gawa sa kahoy upang ang mga taong maninirahan dito ay mananatiling naka nganga sa pamahalaan, ikanga don’t teach them how to fish give them fish, that they may of use to you forever.

Military Wise, dapat alam nya hindi sya ang mananagut sa lahat ng kapalpakan sa militar, kung hindi ang pinuno mismo ng militar yung tinawag na commander-in-chief. At mas mabuti ang PNP kisa sa militar dahil pwedi silang gawing body guard, diba best friend forever.

Terror friendly. Dapat na nakikipag usap ng mapayapa sa mga terorista, upang maibigay ang lahat ng kanilang mga hiling. Para wala ng mambobomba pa dahil ubos na yung mga dapat bombahin.

Tapat Dapat (Honest sa Ingles), kaya niyang itago ang kanyang mga bagsak na grado sa lahat ng mga tao, dahal alam niyang mayayari ang gurong bumagsak sa kanya at kaya niyang payamanin ang ekonomiya ng bansa, dahil ekonomista ang dating kanyang pinalitan at ang kanyang magiging manok ay mayayari, dahil sa kanyang kabobohan.
May malinis na hintuturo, kaya niyang gamitin ang kayang hintuturo upang ituro ang mga taong naging dahilan ng kalamidad. Dahil alam niyang handa siya sa lahat ng kalamidad ng kalikasan at takbo ng mga ito.

Best Actor/Actress. Dapat marunong magkasakit sa panahon ng kagipitan at kamalian upang maibaling sa iba ang mga maiinit na isyu na nakaka panot at nakaka puti na ng buhok sa ilong.

Extensive and Comprehesive Memory, dapat sana itong mauna (palpak naman), upang kayang balikan ang mga kamalian ng dating administrasyon, at magamit ito upang bumango at mawala ang mga isyong kakabit ng kanyang palpak na pamumuno.

Approachable, (madaling lapitan), yung alam niyang hindi dapat makipag diyalogo sa hindi kaalyado dahil ang basihan ng pagtulong ay apelyedo. Halimbawa,” Ang Romualdez ay Romualdez ang Aquino ay Aquino.”

Clear Eyesight, na kahit halatang halat na eh hindi parin nakikita, kailangan ito upang maitaguyod ang kanyang kamalian at kamalian ng kanyang mga kaalyado, baka kasi maubos lahat pag naghigpit. Halimbawa, “no those are different bodies, we have someone who roam around the street and placed the bodies in the right place”

Friendly to Govt. Employees, marunong tumingin sa lahat na taong hindi magiging sagabal sa kanyang pamumuno dahil hindi sila gumagawa ng batas, at may puso sa mga taong gumagawa ng batas dahil kaalyado at magagamit sila sa lahat ng pagkakataon parang GSIS kung baga. Halimbawa, “reporter: sang-ayon kaba sa mga hinihiling ng mga public school teachers para pang taas sahod na kanilang hinihiling? FP: malaki na sahod nila, dapat mag trabaho nalang sila ng mabuti, hindi puro rally.”

OFW Friendly, dapat alam na ang buhay ng mga OFW ay pang suicide yan, kaya walang dapat na ipag-aalala kahit anong bala man ang makikita sa kanilang bagahi dahil buwis buhay yang mga yan at sampung OFW lang naman araw-araw ang may bala sa bag ok na yan dahil isolated incident lang naman ang mga nakukulong dito, hindi rin naman siya OFW, at kung may mawala mang OFW eh marami panamang susunod. It ang katangiang ang gusto kung maging pangulo, yung mismong ang kanyang bayang pinanggagalingan ay hindi niya makontrol, dahil alam niyang ang barkong ito ay hindi na dapat ayusin. Nasa loob kasi ang sira. Ikaw anong mga katangian ng susunod na kapitan ng barko ang gusto mo?

About crisostomoibarra