“Sinikmura”

Sabi sa kanta ni Juris…“Pansin mo ba ang pagbabago…?       

Palagay ko, shabug lang ang ‘di makakapansin.

Kung dati paggising mo sa umaga may mainit na kape at mainit na pandesal ka pang matitikman sa hapag-kainan, ngayon ang ulo mo na lang ang mainit, dahil umagang-umaga wala kang makain, ang lupit!

Kung dati half rice lang ang inoorder mo sa Canteen, ngayon kung puede, 1/4 na lang?

Kung dati nakakakain pa tayo ng “Jo-bee Langhap Sarap”, ngayon puro na lang “Maggi Magic Sarap?”, samahan mo na lang ng toyo at ketchup, ayos, kahit papa’no may ulam ka na.

Kung dati nakakapag-tricicad o tricycle pa tayo papuntang trabaho, ngayon maglalakad na lang k’se sayang din ang pamasahe – pambili mo na lang ng baong kendi.

Kung dati nakakapag-Malling ka pa, shopping, o kain sa paborito mong Resto, ngayon nganga ka na lang, sabay lagok sa baon mong tubig, k’se pati Mineral water, can’t afford ka na rin!

Kung dati ‘yung 1K budget mo sa grocery pang-snacks ay dalawang bitbit pa ang madadala mo pauwi, ngayon isa na lang?

Kung dati, pag bumibili ka may sukli ka pang kendi na makukuha, ngayon kamot-ulo na lang k’se kahit kendi wrapper wala na ring forever? Lol.

Kung dati nakakapag-merienda ka pa ng tinapay, ngayon, tiyaga ka na lang sa sariling diskarte? Diskarteng patingin-tingin sa mga masasarap na tinapay ng Julie’s Bakeshop sabay lunok-laway. At konting lagok ulit sa baon mong tubig, tapos ang problema ng sikmura mo.

Kung dati ang pinuproblema mo ang bugas ra sa imong nawong, karon, ang bugas na mismo na makaon! Pirting mahala. Bukbokon pa! Haha.

At habang patuloy akong nagsusulat, patuloy pa rin akong nakikinig sa kanta ni Juris.

“Di lang ikaw. Di lang ikaw ang nahihirapan.

Di lang ikaw. Di lang ikaw ang nababahala…”

“Totoo…” hindi lang ako ang nahihirapan. Hindi lang ako ang nababahala. Lahat tayo, damay sa hirap ngayon ng buhay. Pati mga alaga nating pusa, aso, bao, damay rin. Hindi na ‘to kung ano’ng kulay ang sinusuportahan o pinaniniwalaan mo. Bughaw? Dilaw? Pula? o Puti?

Iisa lang ang kulay natin – Kayumanggi!

Gaya ng iisa lang ang buhay natin para hindi pa natin maalagaan? 

Wasto at tamang pagkain sana sa ating hapag-kainan, pero paano mangyayari ‘yun kung presyo’y nagmamahalan? (Buti pa sa presyo may forever – forever mahal).

Wala na ‘atang mura sa panahong ‘to, ‘yung galing na lang sa bibig ng Mahal na Presidente! hehe!

Well, gaano man kahirap mga buhay natin, tayong mga Pinoy ay hinding-hindi mahihirapang tumawa. Isa ‘yan sa mga tatak natin na positibo,  kahit negatibo ang kasalukuyang kinasasadlakan o ang buhay ay nasa paanan ng kalbaryo.

Lagi tayong handa – sa hirap at ginhawa. Sa lungkot at saya. Sa kung ano meron dati na wala ngayon?

Well again. Meron pa ring #indayluwag na mas pipiliin pang tumawa kasama kayo kesa seryosohin ang pagtaas ng mga…kilay niya! Haha! K’se pati ba naman kending White Rabbit, lumiit!

Mapapansin mo na talaga ang pagbabago. Hindi na maitatago. Hindi na made-dedma. May pakialam ka man o wala, ang hagupit nito ay damang dama.

Ang hindi ko lang alam ay kung hanggang kelan natin ‘to masisikmura?  Hanggang kelan natin lulunukin ang pagbabagong ‘to?

Bugbog sarado na tayo, ‘di po ba?

About Nomatterwhat143

Analyst ang aking propesyon. Pag bagot, walang magawa, nagsusulat. Dati nung maliit pa ako, pinapalo. Ngayon pina-follow (hehe!) Kung hindi ako nagsusulat, nakikinig ng musik. Minsan naman wala lang imik. Tahimik. Mata'y ipipikit. Matutulog. Pag gising, magkakape. Pag walang kape, okay lang basta tayo'y mug-KAPEling hehe! Corny? Yun ako. 🙂 Page owner/Admin din ako ng https://www.facebook.com/iloveannemurray/; https://www.facebook.com/nomatterwhat143/. https://www.facebook.com/indayluwag/. IG:indayluwag420