Singleness…

(Photo Credit : Microcosmpublishing)
(Photo Credit : Microcosmpublishing)

“May girl friend ka na ba?” “May asawa ka na?” “Bakit wala pa?” “Pero may nililigawan ka na?” “Bakit wala kang nililigawan?”

Kadaming tanong, sunod-sunod pa. Hangga’t hindi kuntento sa isinasagot mo, tatanungin ka nang tatanungin. Hindi ba puwedeng isang tanong na lang? “Bakit single ka pa?”

Sa mundong napalilibutan ka ng mga matatawag na ‘may kapareha’ o ‘may karelasyon’, parang hindi ka ‘in’ na mapabilang sa kanila. Parang big deal ang iyong pagiging mag-isa. Yung wala kang kasama, wala kang kamay na hinahawakan at kasalikop ng iyong kamay sa paglalakad mo sa matataong lugar, wala kang katext lalo na sa gabi, walang tumatawag sa’yo o wala kang tinatawagan. Wala kang kasamang pumupunta ng mall, at wala kang ipinapakilala sa mga kabarkada mo. Higit sa lahat, walang pangalan ang bukambibig mo sa bawat kuwento.

Hindi naman masama ang maging single. Ang masama, ay yung pakiramdam na single ka. Di naman maiiwasan na maramdaman yun. Hindi ko din naman sinasabi na malungkot mag-isa. It’s a matter of choice. Puwede ka rin namang maging masaya kahit single ka. Pero hindi kasing saya kapag may kapareha ka.

Kapareha. Partner. Girlfriend/boyfriend. Jowa. Asawa. Kahit anong gusto mong itawag, nasasaiyo o nasasainyo na yun. Oo, masaya. Maligaya. Yun bang parang bawat hakbang ng mga paa ninyo ay parang tumatapak kayo sa ulap na magkasama. Masaya na magkasama na parang kayong dalawa lang ang tao sa ginagalawan ninyo, na kung tutuusin ay nasa gitna kayo ng Divisoria, nakikipagbalyahan at nakikipagsiksikan.

Pero hindi naman assurance na porke ‘in a relationship ka ngayon’ ay excempted ka na para masaktan. Kung sabihin nga, mas masakit masaktan kapag nasa relasyon ka, kumpara sa masaktan ka nang nag-iisa ka lang.

May mahal ka. May minamahal ka. Kaya natural lang na masaktan ka. Ako na nagsasabi, kung gaano katindi ang pagmamahal mo sa isang tao, ganoon din kasakit kapag nasaktan ka. Kaya tiisin mo. Kung ayaw mong tiisin, ‘wag kang magmahal.

Puwede pa rin namang maging masaya kahit single. Puwede ka ring magmahal. Kung gusto mo,  hindi lang isa kundi sa marami pa. ‘Wag mag-isip na maging two-timer o three-timer o kaht many-timer pa. O ang maging playboy/playgirl. Ang tinutukoy ko ay ang pagmamahal sa kaibigan at pamilya. Sa panahon ng pag-iisa, sila ang dahilan para maging masaya ka.

Oo, isang taon nang hindi nakalagay ang “in a relationship with ….” sa status ko. Okay naman ako ngayon. At yun ang mas mahalaga.. I have enough time para magmahal nang mas marami pa at hindi lang sa isa..

…Pero iba pa rin na may itinatangi ka at binibigyan ng espesyal na pagmamahal at kasama sa masasayang oras na nagkakaroon ka…na hindi mapapantayan ng kahit gaanong kadami ng iyong minamahal…

Sana lang, ang dumating sa buhay ko ay iyung hindi pang-panandalian lang, kundi iyung panghabambuhay na.

1 Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.