Single But Happy

keep-calm-and-say-single-but-happyPara sa single na namomroblema sa love life niya. Alam mo awang-awa ako sa estado ng utak at pag-iisip mo.

Kung pwede ko lang sana ibahagi sa iyo ang pag-iisip ko, matagal ko nang na i-share ito sa iyo.

Ako ay single din kagaya mo, pero ni minsan sa buhay ko, hindi ko ipinagkait sa sarili ko ang karapatan na lumigaya.

Hindi ko hinayaan na mamroblema ako dahil lang sa ako ay single.

Hindi ko rin hinayaan na kumunot ang noo ko o makaramdam ako ng inggit sa mga lovers in Paris diyan na naghaharutan.

Mga magnobyong nag-HHWW o Holding Hands While Walking .

Sa halip na kainggitan ko ang mga sing-irog na naglalampungan ay ako pa mismo ang unang kinikilig sa kanila.

Sa tuwing nakakita nga ako ng mga mag-syota na sweet at nagsusubuan habang kumakain napapa-smile ako at kinikilig. Oo, madalas akong kiligin sa love story ng iba. Mas gusto ko pa ngang manood ng mga love story o magbasa ng mga nakakakilig na kuwento.

Kahit minsan never akong nainggit .. sabi ko sa sarili ko hindi naman love life ang bubuo sa pagkatao ko. Hindi porke’t single ako ay may kulang na sa buhay ko.

Puwede kang maging masaya para sa ibang taken na or married kung aalisin mo ang inggit na dumadaloy sa dugo mo.

Marami na akong kilala na taken, ang iba married na at marami nang mga anak. Pero never kong ipinasok sa kokote ko na napag-iwanan na nila ako.

Bakit?

Dahil ang buhay ay hindi naman iyan laro na kailangan mong makipag-unahan.

Kaya para sa akin, hindi mahalaga kung single ka o taken. Ang mahalaga masaya ka sa buhay mo at masaya ka para sa kapwa mo na masaya sa buhay nila.

Bawat isa sa atin ay may kanya-kanyang kuwento sa buhay. Hindi porke’t single ka ay magiging masungit ka na. Maraming dahilan para ngumiti, bakit mo hahayaan ang sarili mo na nakasimangot?

Kapag hindi mo yayakapin ang katotohanan na single ka, masasaktan ka lang. Kapag tanong ka nang tanong kung bakit ako single? Bakit wala akong love life? Bakit walang may gusto sa akin o bakit walang nanliligaw sa akin?

Magmumukha kang mumurahing kamatis na nabulok dahil nabubulok na rin ang pagkatao mo. Gumawa ka ng paraan para maging masaya. Huwag ka kasing mainggit sa iba. Huwag mo namang ipamukha sa madlang katauhan na kating-kati ka nang magka-love life. Puwede mo namang mahalin ang sarili mo, mahalin mo ang nanay mo, kapatid mo, kapit bahay mo, o ang alagang aso ng kapitbahay n’yo.

Hindi naman kasalanan ang maging single at hindi rin ito sakit na nangangailangan ng agarang lunas. Kaya relax, mga single. Huwag mag-panic, walang namatay, huwag kayong magluksa, okey!?

Yes, I’M SINGLE AND I’M HAPPY… sana maging happy ka na rin! (Hahaha!)

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.