Singer, Kuno?

rapMay isa namang batang singer na inuulan ng batikos, si RHAP SALAZAR.

Dahil sa tweet nito tungkol sa mga nag-li-lipsync.

Bakit siya binabatikos gayong may karapatan naman itong magsabi ng ganun dahil maganda ang boses ng batang ito. Siya ay may golden voice. Tingin ko wala naman itong balak na manggulo o kung ano man. Inilahad lang niya ang saloobin niya.

Pero marami ang nagalit at nainis nag-react din yong mga nag li-lipsync na performer na ang iba ay nagkaka-album pa. Hindi ako magaling kumanta. Ang totoo sintonado nga ako pero music lover ako. Halos 24 oras akong nakikinig ng music sa radio.

Kung minsan naiinis ako at nabubuwisit sa mga piniplay sa radyo.Yong mga na halata namang hindi tunay na singer ang kumanta. Ang sakit kaya sa tenga hindi mo malamam kung anong nota ba ang nais nilang tamaan sa kanta nila.

Yong mga singer kuno,n a nagkaka-album kahit tunog palaka. Sabi ko nga basta sikat ka. ay may album ka na bukas. Kahit na hindi ka magaling kumanta at parang kailan ka lang natutong mag-Mehiya-hehe-hohohuhuho. Yong tinuturo ng voice couch sa estudyante niya na parang kailan lang nakabisado ang DO-RE-MI-FA-SO-LA-TI-DO.

Parang nakakainsulto nga naman sa totoong singer. ba na talaga ang dukatan ngayon sa paggawa ng album mukhang pasikatan na. Hindi na baling hindi ka magaling basta sikat ka ay ayos lang. Kung ako ay nasa industriya ng showbiz kung alam ko naman nà hindi ako totoong singer at pa-cute lang ang alam ko, Okey na sa akin ang mag perform ng nag li-lipsync sa isang variety show. Pero hindi ko gugustohin na magka-album pa. Ayoko kung maging singer-singeran o singer kuno!

Nakakahiya naman sa mga batikang singer gaya nila NORA AUNOR, IMELDA PAPIN, DULCE, PILITA CORRALES, LEA SALONGA, GARY V., OGIE ALCASID, VINA MORALES ATBP.

Akalaim mo ba naman yon, patugtugin ang kanta mo sa iba’t-ibang radio station, tapos yung boses mo ay boses puwede na o ‘di kaya boses na parang umiihip lang sa mikropono.

Pambihira din naman kasi ang mga producers na yan pera lang ang habol/ Negosyo ang nasa isip. Kahit na ang pinag-poproduce nila ng album ay singer kuno lang.

Dapat bigyan ng album ang totoong may boses at talento sa pagkanta. Yong mga singer kuno diyan makuntento na lang kayong kumanta sa c.r o di kaya sa sarili ninyong palabas.Susme! Nakakatuliro makinig ng kantang tunog-palaka (hahaha) Tunog lata na nga speaker ko. tunog kokak pa ang kantang pinapakinggan ko. Parang minions at chipmunks na nagsanib puwersa! LOL!

About mjsweetiecarreon

My writings are filled with angst. Deep emotions and a wild imagination are a source of creativity. It is powerful and consuming. I like to entertain people through my stories. Life is one colorful rollercoaster ride . http://www.facebook.com/maryjoy.carreon.9