Simbang Gabi Na! E Ano Ngayon?

12/13/2013 12:52:39 PM
coolpilipinas.tumblr.com

Simbang Gabi na pala. Eh Ano ngayon?

Sa malamang ay uso na naman ang mararaming bagay sa loob ng siyam na madaling araw. Oo, akala niyo ba ay hindi ako nagsisimbang gabi? Excuse me. Hindi porket hindi masyadong relihiyoso ay hindi na talaga nagsisimba.  Hindi ko masasabi na erehe ako.

Simbang Gabi na! Eh Ano ngayon? Maliban sa malamig ang simoy ng hangin ay marami rin ang mga bahay na nakabukas ang mga Christmas lights. Yun nga lang, sa neighborhood namin dito, sa mga nakalipas na taon, kaunti na lang ang ganito.
Simbang Gabi na. Kaya marami na naman ang mga early bird, o sa slang term ng isa sa mga dj na pinapakinggan ko nang madalas na si Laila Chikadora, “mga noel cabangon sa ganitong ka-aga muhlach.”
Pero kung maraming early bird, marami ding mga bampira. Or in mas pormal na termino, puyat, or (I’ll coin the term again mula kay idol Laila) “puyatanders.” Malamang, marami talaga ang magpupuyat sa panahon ng kapaskuhan dahil maraming naghahappy-happy eh. Maraming galing sa gimik at nakikiparty-party (parang yung tern a pinauso ni Vice Ganda sa Showtime dati).
Dahil simbang gabi, blockbuster na naman at SRO (Standing Room Only) ang mga simbahan. Parokya man yan, Cathedral, o Kapilya lang, di mahulugan ng karayom ang lugar. Mas malaki pa kamo kesa sa mga conert ng mga artistang gaya ni Justin Bieber o mga nanunood ng Wrestlemania. ANg mahirap lang d’yan, baka mag-agawan pa akyo sa hangin ha? Wag ganun.
Dahil nga blockbuster ang mga simbahan, mapi-feature pa ‘to ng live sa morning TV. Of course, maraming buhay ang dugo kapag December 16-24 ng madaling araw eh.
Simbang Gabi na! Eh ano ngayon? Maliban pa sa mga kanta ng Grin Department at Parokya Ni Edgar na may awit sa ganito ang pamagat, uso rin ang bibingka. Pinipilahan ng tao pagkatapos ng misa. Masarap na pangalmusal kesa sa pandesal at goto. And true enough, panalo naman eh.
Dahil maraming tao sa kada simbang gabi, marami rin ang mga magsisimbang-tabi.  Mga pumupunta lang ng simbahan dahil andun si crush o kasintahan. Kahit nasa labas, ay okay lang, basta ‘pag “Ama Namin,” ka-holding hands ko siya.
Wow ha? Kapal-muks naman ng mga ‘yan.
Author: slickmaster | © 2013 september twenty-eight productions

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.