Siguro nga Mahal

Pikit na ang matang nilunod ng luha Namamaga ang talukap sa sakit na nakuha
Pikit na ang matang nilunod ng luha Namamaga ang talukap sa sakit na nakuha
Pikit na ang matang nilunod ng luha
Namamaga ang talukap sa sakit na nakuha

Isang umaga ako ay nagising
Sa loob ng kwartong may apat na dingding
May sinag man ang araw dulot saki’y dilim
Tila ba takot sa bagong parating

Pikit na ang matang nilunod ng luha
Namamaga ang talukap sa sakit na nakuha
Umaasang may tamis na mapapala
Sa kabila ng aking pangungulila

Oh aking mahal akin ng tatanggapin
Maglalakad paatras mula sa pangarap natin
Maglalakbay akong di ka na kapiling
Lilimot,bibitaw at yayakap sa hangin

Siguro nga mahal mapait ang tadhana
Iniwan mo ako at sa iba tumalima
Siguro nga mahal,ako lang ang kumapit
Ngayon ako ay bibitaw at di na lalapit

About emstarr14

A Nurse OFW, formally school journalist whose passion is to create piece of art through writing. "Ang paghalik ng pluma sa manipis na anyo ng kahoy ay isang pag-ibig na wagas" ang pagbabalik loob sa pagsulat
Source :

Siguro nga Mahal