Si Miguel

Photo by darksouls1 (Pixabay)

Maraming paniniwala tayong mga Pilipino kapag ang petsang 13 sa kalendaryo ay tumapat sa araw ng Biyernes. Kaya nga ito tinatawag na Friday the thirteenth.

Ayon sa iba ito ay ang araw ng mga evil spirit at ni Satanas. Malas daw ang araw na ito kaya hindi daw dapat lumalabas ang mga tao sa bahay sapagkat baka maaksidente sila.

Subalit iba naman ang pinaniniwalaan ng ilan. Kapag Friday the 13th daw, kung gusto mong makilala ang taong nakatakda sa iyo, all you have to do is to place a white rose under your pillow at mapapanaginipan mo raw ang prince charming mo. Iyan ang pinaniwalaan ng bidang babae sa kuwentong ihahandog ko sa inyo.

February 13, 2011 Friday

Naglipana ngayon ang mga kulay na pula. Ewan ba kung bakit tila required ang mga tao na gumamit ng kulay pula na damit o iba pang bagay sa tuwing paparating ang Valentine’s day. Uso rin ang mga red roses. Marahil hindi niya talaga maintindihan kung bakit. Sino nga ba siya para kuwestiyunin ang mga nakasanayan na ng iba, eh isa lamang siyang single kaya marahil bitter siya. Whatever.

Inilapag niya ang kanyang mga libro na dala sa study table sa loob ng kanyang kwarto. Binuklat niya ang isang libro kung saan nakaipit roon ang isang white rose na pinitas niya kanina sa hardin ng school nila. Hindi niya alam kung bakit ganun na lamang ang paniniwala niya sa sinabi sa kanya ng kanyang ate kahapon. Sabi nito na kung gusto niya raw makilala ang kanyang destiny, bumili lang basta siya ng white rose at ilagay ito sa ilalim ng kanyang unan at mapapanaginipan na niya ang kanyang prince charming. Kunwaring sinabi niya na hindi naman iyon totoo. Aba, nag-cite pa ang kanyang ate ng mga istorya na nagpapatotoo na true ang sinabi na ito.

white rose photo
Photo by Anelka (Pixabay)

Napaismid siya. Tapos kinuha niya ang puting rosas at inilagay na sa ilalim ng kanyang unan. Hindi na siya makapaghintay na dumating ang alas dose ng gabi. Iyon kasi ang sabi sa kanya ng kanyang kapatid na pagsapit ng alas dose at natutulog na siya mapapanaginipan na niya ang kanyang prince charming. Nangyayari lamang daw ang mga paniniwala na ito tuwing Friday the 13th. Wala naman sa kanyang bokabularyo na magpapaniwala sa mga ganitong bagay. Pero there was something strange na nangyari. There was a voice in her mind that keeps insisting that she needs to do that.

8:00 pm

Hinarap na ni Mine ang kanyang mga assignment. After that she went to their garden outside their house. Tinignan niyang mabuti ang rebulto ni Mama Mary at nag-usal ng dasal na sana totoo ang sinasabi sa kanya ng kanyang ate. Nag-swing pa muna siya pagkatapos at tinanaw ang mga bituin sa kalangitan. She imagined kung saan napupunta ang mga kaluluwa ng mga namatay na. Totoo kaya ang sinabi ng kanyang Mama noong bata pa siya na isa nang bituin ang kanyang Papa?

Pagkaraan ng ilan pang pagmuni-muni, pumunta siya sa kuwarto ng kanyang nanay. Wala pa ang kanyang Mama, siguro nag-overtime na naman iyon sa kanyang trabaho. Kaya she decided na matulog na lamang. Bago matulog nagdasal muna ulit siya. Iyon kasi ang turo sa kanya ng kanyang mga magulang na bago matulog dapat ay nagdarasal muna.

11:59 pm

Nagising si Mine sa isang maliwanag na sikat ng kung anong bagay. May isang lalaking nakatalikod sa kanya. Tinatawag niya ito pero hindi ito lumilingon. Tinawag niya ito sa pangalan na “Miguel”; ewan niya kung bakit ang pangalan na ito ang lumabas sa kanyang bibig. Tinawag niya muli ito… Miguel. Paulit-ulit niya itong tinatawag pero tila hindi ito naririnig ang kanyang tinig. Naiiyak na siya sapagkat habang papaalis ito ay nawawala ang liwanag. She’s afraid of the dark.

Photo by LeandroDeCarvalho (Pixabay)

Napabalikwas si Mine ng bangon sa kanyang kama. Bakit ganun ang kanyang panaginip? Nagtataka siya. Lumabas siya ng kanyang kuwarto. Walang tao. Nakapatay lahat ng ilaw maging sa sala. Tinignan niya ang kuwarto ng kanyang ate at Mama, pero wala ang mga ito roon. Pati ang mga katulong. Lumabas siya ng bahay, kakausapin niya sana ang kanilang security guard nang may biglang dumaan sa kanyang harapan. Ito ang lalaki sa kanyang panaginip. Si Miguel. Nagulat siya. Her heart was pounding unnaturally. Hindi niya alam kung takot o saya ang lumukob sa kanyang puso.

Miguel smiled at her. She knew, she has finally met her prince charming…

February 14, 2012 Saturday (Valentine’s Day)

Inilapag ni Kath ang mga white roses sa isang marmol na bagay. Her sister’s name was written on it. She smiled painfully. She hugged their mother. If she never said it to her sister it might not have happened.

Naalimpungatan siya ng gabing iyon dahil sa pangalan na binigkas ng kanyang kapatid. Agad siyang pumunta sa kuwarto nito. Ginigising niya ito ngunit ayaw magising. Umiyak na siya nang malakas. Tinawag niya ang kanilang Mommy. Agad nilang dinala si Mine sa ospital. Pero huli na ang lahat. She’s dead…

Natagpuan niya sa unan ni Mine ang isang puting rosas. Hinarap niya ang ibig sabihin ng salitang Miguel sa Google. nabasa niya na ang Miguel ay isang arkanghel. Si Miguel at si Gabriel na anghel ay iisa…

About Robinson Valenzona

I am a senior high school teacher who wants to write and to teach young ones for the betterment of their mind and of our country as well.