Si Matthew

Naglalakad ako sa SM noong isang araw nang nakita ko ang isang kaherang binabalik ang pera ng isang maliit na bata. Hindi siguro lalampas ang edad nito ng anim o pitong taon lamang.

Sabi ng kahera: “Sori boy, kulang ang pera mo kasi eh para bilhin itong manyika…”

Tumingin itong bata sa matandang babae sa tabi nya, “Lola, sigurado bang kulang itong pera ko?”

“Matthew, alam mo naman na kulang talaga ang pera eh”, sabi ng matandang babae. Tapos sinabihan niya si Matthew na maghintay sa kahera at tipong may nakalimutan siyang payong sa loob ng department store.

Hawak pa ring mahigpit ni Matthew ang manyika sa kanyang kamay.

Sa dahilang hindi ko alam, nilapitan ko si Matthew at tinanong ko kung kanino niya ibibigay ang manyikang hawak niya.

“Eto po yung gustong gustong manyika kasi ng ate ko. Siguradong sigurado po siya na ibibigay ni Santa Claus sa kanya ito ngayong Pasko”

Sabi ko, “Baka naman talaga ibi-ibigay ni Santa sa kanya yan, kaya huwag ka nang sad, okay?”

Malungkot ni Matthew inahayag: “Hindi na po pwede kasi dalhin ni Santa ito kay ate. Kailangan po ipadala ko sa mommy ko para ibigay sa kanya.”

“Yung ate ko po kasi, kasama na ni God…. Sabi din ni daddy, malapit nang kunin ni God ang mommy ko rin po…kaya gusto ko sanang dalhin ng mommy ko ang manyika para ibigay sa kanya..”

Sa kasulukuyang ito, nadama ko na parang huminto ang puso ko sa aking narinig.

Tumingala sa akin si Matthew, “Sabi ko po sa daddy ko na sabihin sa mommy ko na huwag muna umalis. Kailangan po siya maghintay sa pagbalik namin galing sa SM”.

Pagkatapos, mayroong siyang kinuhang larawan sa kanyang bulsa ng kanyang pamilya. Napakasaya nilang tignan sa larawang iyon.

“Gusto ko, dalhin ni mommy itong picture ko po, para hindi niya ako makalimutan”

“Love ko po ang mommy ko, sana po hindi na siya umalis. Pero sabi po ng daddy ko kailangan na siyang umalis para magsama sila ng ate ko…”

Pagkatapos ay malungkot niyang tinignan muli ang manyika.

Madaliang kong dinukot ang aking wallet at sinabi ko kay Matthew: “Teka, bilangin kaya ulit natin ang pera mo. Baka mali lang ang pagkabilang”

“Sige po, sana hindi kulang”

Dinagdagan ko ang kanyang pera ng hindi niya nahalata, at sinimulan naming bilangin ulit. Ngayon, sumobra pa ang pera ni Matthew.

Tumingin siya sa akin ng nakangiti, “Humingi po ako kay God kagabi ng pera para mabili ko ang manyika. Narinig po niya ako!”

“Ngayon, meron pa pong sobra para makabili ng white na rose para sa mommy ko. Hindi ko na po hiningi ito kay God at nahihiya ako. Pero binigay pa rin po niya.”

“Favorite ni mommy ang white roses”

Lumipas ang ilang sandali at bumalik na ang kanyang lola, at umalis na rin ako bitbit ang aking mga pinamiling regalo. Tinapos ko ang aking dapat gawin sa mall.
Hindi ko maalis sa aking isipan si Matthew.

Tapos naalala ko ang isang pahayag sa Philippine Star na tungkol sa isang aksidenteng nangyari na malapit sa amin kamakailan lamang. Isang jeepney na minamaneho ng lasing ang sumalpok sa isang tricycle na may lamang isang babae at ang kanyang walong taong gulang na anak na babae. Namatay kaagad ang bata ngunit nag-aagaw buhay sa ospital ang babaeng ina.

Ito kaya ang pamilya ni Matthew?

Dalawang araw pagkatapos nang pagkakita ko kay Matthew sa SM, nalaman ko sa isa naming kapit bahay na namatay na yung babae, at siya ay naka-burol sa isang punerariya na hindi kalayuan sa aming bahay. Hindi ko mapigilan ang aking sarili at dali daliang bumili ng puting rosas at pumunta sa lamay.

Siya ay nandoon, nakahiga sa loob ng kanyang kabaong, hawak ang isang napakagandang puting rosas, at larawan ni Matthew sa kanyang dibdib. Nang lumakad ako ng mas malapit, nakita ko ang isang manyika sa kanyang tabi.

Umalis ako sa lamay na iyon na hindi mapigilan ang aking pag luha. Nadama ko na permanenteng nagbago ang aking pananaw sa buhay. Ang pagmamahal ni Matthew sa kanyang ina at kapatid, hanggang ngayon, hindi ko madangkal. At sa isang saglit, isang lasing na driver, ang kumuha ng lahat ng ito sa kanya.

Sa ating paligid napakaraming Matthew. Kung hindi ulila sa pagmamahal ng ina o kapatid, uilila sa pagmamahal ng kapwa. Ngayong pasko, ano ang iyong gagawin para sa mga Matthew ng ating lipunan?

Hango ito sa isang kwentong ingles na aking natanggap sa email kanina.

27 Comments

    • “Hango ito sa isang kwentong ingles na aking natanggap sa email kanina.” — did you bother reading it all the way ’til the end?

    • tanga.. hango nga sa kwento galing sa email nya eh! tinagalog lang.. bobo lang eh! basa basa din pag may time…

  1. sa umpisa pa lang, feeling ko na ginawang storia lang ito. Pero maganda at makabagbag damdamin. Kahit na feeling ko ay gawang kuwento lamang, napaluha pa rin ako. And I feel good na I did my part. Although I feel bad na hindi ko napagbigyan ang lahat ng humiling, nasorpresa ko naman ang marami na alam kong tulad ni Matthew, higit na salat kumpara sa iba. Hindi na nila kailangan pang humingi ng tulong, kung may maibabahagi kahit kaunti, iyon ay malaki na ring tulong. Marami ang tatawag sa iyo na kuripot ka kasi hindi mo napagbigyan, ngunit ang hindi nila alam, marami kang binigbigyan ng tulong, at kung minsan, isa sila sa nabigyan mo minsan or more than twice, ngunit nakalimutan na nga lang nila.

    • sa kasabihang mas mabuti ang magbigay kaysa tumanggap, ang masasabi ko, madalas ang mga katagang iyan ay naririnig ko sa mga taong malaki ang kakayahang magbigay ngunit hindi namamahagi, bagkus ay gustong tumanggap ng tumanggap. Ako ay mahirap lang, at sana kahit po wala tayong ganito at ganuon, buksan po natin ang ating palad sa mga mas kapus palad. Hindi maipagmamalaki kung ano ang meron ka at gaano man kataas ang iyong narating, kung hindi mo kayang mag-abot sa nakikita mong may butas butas ang sapatos, walang saplot sa paa, mga taong bakas ang matinding kahirapan, etc. Lahat tayo ay may pangangailangan, lahat tayo ay may pangarap, at dahil sa taong may tunay na diyos sa puso, naabot ni Mathew ang kanyang munting pangarap. I wish na sana, lahat tayong nakabasa nito, ay laging pagpalain na mabigyan ng kakayahang makapagbigay sa mga mumunting pangarap ng iba na tulad ni Mathew. Magandang oras po sa inyong lahat.

  2. Im not sure kung san ako malulungkot e, sa kwento ba or sa the fact na kinopya na naman natin to 🙁 Sus me Ka indo!. Wala ba tayong originality mga pinoy? 🙁

  3. kahit sa huling sandali pinadama pa rin ng bata ang pagmamahal sa kanyang magulang . naalala ko tuloy ang bunso ko namatay 2006. 8 taong gulang .

  4. na-appreciate ko ung effort nung bata na bayaran ung barbie instead na ipabili nya sa lola nya.. mas maa-apreciate ko ung story kung true to life..
    true to life nga ba to?

Leave a Reply

Your email address will not be published.