Si Jazz, Si JM, at Si Alan ( Love Triangle )

Love Triangle ( Photo Credit: Facebook.com)
Love Triangle ( Photo Credit: Facebook.com)

Buong araw na nagbabad si Jazz sa net. Lagi niya kasing binabantayan ang karelasyon nitong si JM, malayo sila sa isa’t isa. LDR pero matagal na sila. 3 years nasa abroad si JM pero mayat-maya nag-update ito sa girlfriend na si Jazz. Sa pamamagitan ng FB dito sila nag-uusap. Maingat si Jazz na mag-add ng mga friend request alam niya kasi na makikita ito at magtatanong kung sino ito. Bawal din mag-post ng kahit ano sa wall ni Jazz dahil pinapa-delete ito ni JM. Lahat ng katangian ni JM na pagging strict, seloso at mahigpit ang siyang nagustuhan ni Jazz. Pakiramdam niya kasi mahal na mahal talaga siya ng ka-relasyon niya kaya kinikilig ito pag nagseselos.

Matagal nang nag friend request si Alan kay Jazz. Hindi niya ito na add pero ng araw na yon naisipan niyang add si Alan. Ang dati nitong kaklase noong high school. Sa pagkaalala niya isa itong siga,bastos at loko-loko sa campus dahil member ito ng frat at higit sa lahat minsan na siyang binastos ng pinagtripan nito. Nag-feeling boyfriend niya ang loko na si Alan. Ang lalakeng nagnakaw sa kanya ng halik noon at lagi siyang pinapaiyak dahil maloko ito. At sira ulo, palibhasa adik. Nang mga oras ding yun after 30mins na pag-add niya, bigla ito nag pm at nagsabi ng

“Hi Jazz, thanx sa add. I miss u.”

Magkasalubong ang kilay ni jazz ng mabasa nito pm ni Alan. Nag reply ito ng, “OK.”

Nagkapalitan sila ng messages at umabot sa 3 hours ang pag-uusap nila. Napunta ito sa lokohan at napag-usapan nila ang nakaraan. Parang nagbalik-tanaw ang dating magkaklase.

Kinabukasan tumawag si JM, ang boses na kumukumpleto sa araw ni Jazz dahil honest ito. Nabanggit nito ang tungkol sa kaklase. Imbes na magselos si JM, natuwa ito sa kwento ni Jazz. Alam niya kasi na hindi basta papatol si Jazz kay Alan dahil nakita nito profile picture.

“Hindi gwapo, mas may itsura ako sa kanya. Pangit ng Alan na yan pinag-aaksayahan mo ng panahon.”

Pabiro na sabi ni JM sa dalaga. Natatawa din si Jazz sa biro ni JM.

Isang araw, pinuno ni Alan ng magagandang picture ang wall ni Jazz. ng makita niya.

“Thank u sa mga na-post mo.”

Agad nag-reply si Alan. “Thank you at nagustuhan mo Jazz.”

Lingid sa kaalaman ni Jazz, buong araw pala ito nag-online at nakaabang sa kanya. Tila nagpapahiwatig na manliligaw ito sa mga PM niya. Lahat ng sweet na mensahe sinabi nito. Ang akala kasi ni Alan, si Jazz ay ang dating kaklase na tahimik,mabait at madaling mauto. Ang hindi niya alam, marami itong naging karanasan sa pagdaan ng panahon. Naging maloko ito. Hindi rin magpapatalo pagdating sa lokohan. Kaya ng minsang pinilit niya si Jazz na magkita sila, ayaw ng babae kasi magagalit si JM, pero makulit ito at nagsabi ng nagbago na ako Jazz. Hindi na ako ang dating Alan.

Dahil maloko si Jazz, nagpaalam ito kay JM na makipagkita kay Alan. Pinayagan naman siya. Nang magkita sila, madaldal si Alan. Ibang iba sa dati. Tahimik lang si Jazz at nakikisabay sa binata. Pinagmamasdan at pinag-aralan ang kilos nito. Nabasa na rin ni Jazz ang pwedeng mangyari sa pagkikita nila. Kalat na kalat noon na si Alan ay may pagka-maniakis at marami itong nabiktima na babae.

Sumakay lang si Jazz sa mga pinagsasabi nito sa FB. Mga salitang, “I love you .” at kung ano pa. Mga karaniwang banat sa FB.

Malalim na ang gabi, pauwi na sila ng biglang hinalikan ni Alan si Jazz. Walang nagawa si Jazz at sumabay sa binata. Nang mga oras na yon naisip ni Jazz na kailanman di nagbago ang lalake. Siya pa rin ang dating lalake na nakilala niya.

Pinilit ni Alan si Jazz na gawin nila lahat. Hindi pumayag ang dalaga dahil nasa isip nito si JM, ang tunay niyang mahal at kailanman hindi niya inisip na ipagpalit ito sa iba.

Bigo si Alan sa kanyang plano makipagkita sa dalaga at gawan ito ng karahasan.

Nang gabi ding yon nag-usap si Jazz at JM, napag-usapan nila ang nangyari. Nagalit si JM pero masaya ito, at ramdam niya na mahal talaga siya ni Jazz. Mas lalo siyang na-miss ni Jazz at hinahanap-hanap.

Pagkatapos nun, hindi na nagparamdam si Alan. Ang dating araw-araw na nag-pm. Nag-post ng kung ano-ano sa wall ni Jazz, ay naglaho na parang bula.

Halatang Trip lang ni Alan ang lahat, ang lokohin si Jazz. Akala niya naloko niya ang dalaga. Lingid sa kaalaman nito, set-up pala yon ni Jazz.

Si Alan ay sinusubukan lang pala ni Jazz, para makapag higante ito sa lahat ng panloloko nito sa kanya dati. Kaya sinakyan ni Jazz, ang pangliligaw kuno ito sa pm. Ang akala ni Alan, kinikilig si Jazz sa mga sinasabi nito.

Sa totoo lang, tawa ng tawa si Jazz habang binabasa ang lahat ng naisulat niya. Hindi rin alam ni Alan, kaya malakas ang loob ni Jazz na makipagkita sa kanya, ay dahil hindi na siya tulad ng dati. Ang Jazz na maganda at dati niyang pinagna-nasaan ay nagbago na pala.

Ang karelasyon nitong si JM ay si Jhoanna Marie.  Si Jazz pala ay naging tibo.

Hanggang ngayon, masayang nagsasama ang dalawa.

Nangako si Jazz kay JM,  na wala nang lalake na makakasira sa relasyon nila, sa FB man o sa tunay na buhay.

Enhanced by Zemanta

About mjsweetiecarreon

My writings are filled with angst. Deep emotions and a wild imagination are a source of creativity. It is powerful and consuming. I like to entertain people through my stories. Life is one colorful rollercoaster ride . http://www.facebook.com/maryjoy.carreon.9