” Si Inday Noon at ang Inday Ngayon”

(Photo Credit : Pamsclipart.blogspot)
(Photo Credit : Pamsclipart.blogspot)

 “Inday” kami kung tawagin. Si amo kasi may pangalan naman kami, inday nang inday pa rin. Taong bahay o katulong kamikung ituring. Requirements namin noon, undergrad ay tanggap na. Kahit no read no write ka pa! Same pa rin Noon at Ngayon ang aming background of working.

 Ang Inday noon tahimik lang, pinapagalitan na’y walang imik pa din, iiyakan na lang ang  sermon ni madam. Kakain lang kapag tapos na sina amo, papahinga lang kapag may sakit na. Matutulog lang kapag gawain ay tapos na o di kaya’y si amo tulog na.

Buhay ni Inday noon ay simple lang. Lalabas lang kapag mamamalengke o magsisimba tuwing Sunday. Taong bahay nga kung tawagin, trabaho, kain, tulog lang…ang inday na walang kaalam-alam.

Ang Inday noon, si Dodong hardinero lang ang nag-iisang lalaki sa kanyang puso. Kaibigan niya’y si kapitbahay na katulong. Wala pang masyadong gadgets noon, hindi pa uso si Facebook o si Twitter noon. Kaya buhay ng artista kay inday alam na alam. Dahil sa telenobela/teleserye lang si inday nakaabang. Wala pa si chatmate o si textmate noon.

 Pero unti-unti nang binago ng panahon ang simpleng inday noon, ito na ang inday ngayon. Matapang, palaban, matatag at mataas na ang pangarap. Edukada, praktikal,at wise pa.

Ang motto:  “Maging praktikal na!  Gamitin ang utak, huwag ang puso!

Ang inday ngayon palaban na,marunong ng mangatwiran. Si among Pinoy o imported humanda na! Sa english na ipon ni inday,baka si amo ay ma nosebleed pa. Ang inday ngayon nag-mamall na,may pa outing-outing pa kasama ang barkada.

Ang inday ngayon nakikihalubilo na,kay madam nakikipag unahan pa. Unat man ang buhok ni madam si inday ay hindi papatalo dyan. Nakapag pa rebond na! may kulay pa! Sa damit naman inday ay hindi pahuhuli dyan,di signature pa!
Ang inday noon at ang inday ngayon ay magkaiba na. Si dodong hardinero ay may kaagaw na. Mukha ni inday sa dating site nakabalandra,naghahanap ng boyfriend o mapapangasawa. May facebook account na!may twitter account pa! Ang simpleng inday noon,sosyal na ngayon.Nagdadamit nga kulang naman ang tela,naka clevage na,may pusod na palabas-labas pa.

Si inday ngayon malayo na ang lipad, pa around-around the world na! Nakapag-asawa ng imported, my green card o visa na .Kaya inday na katulong o kasambahay, kay amo,  babye na!   Si inday ay magbabagong buhay na.

Enhanced by Zemanta

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.