Si Gat. Andres Bonifacio, si Praybeyt Benjamin, si Aling Maliit at si Lotus Feet

thinkingwomanbig Gabi ng awards night yun eh! Inaantok na ako, pero gusto ko talaga malaman kung nanalo o mananalo ba si Aling Maliit bilang Best Child Performer ngayong taon. Eh talagang antok na antok na ako, so naisip ko, “saan ba makakabasa ng maraming spoiler alert?” *drumrolling* TWITTER, IG. So, gora ako sa Twitter! Wala. Nga-nga pa!

Tulog din sa kangkungan lahat ng kaututang dila ko dun. Waiting din sa telecast nang isang kilalang istasiyon sa bansa. Pero siyempre, pag chismosa ka este CURIOUS ka, di ka agad susuko! Ayoko kaya mahuli sa mga chika kinabukasan. So, log in naman ako sa IG. BINGO! Spoiler everywhere. muahahahahah! Just what I like! Ayun, maaga ako ng mga 1 hour na nalaman na nakuha ni Ryzza Mae ang award for this year’s Best Child Performer. Aba! Biglang nawala ang antok ko. Na-curious naman ako na mapanuod ang speech ni Aling Maliit. Kaya ang ginawa ko, nagkape ako, tinapangan ko para mapanuod ko ang Awards Night.

 Eh di natapos na, ano? “Bonifacio: Ang Unang Pangulo” ang humakot ng maraming award. Saka ang “Kubot: The Aswang Chronicle “. Medyo from the outside din ang “English Only Please” ha! Ginulat tayo nang makuha nila ang 3 major awards, including Best Actress, Best Actor and Best Director. I thought the awards night was quiet fair. Agree naman ako mga nanalo, aside sa eh, ah, eh, magagalit kaya si Papa Derek sa akin pag sinabi kong dapat sana si Sir Robin Padilla ang Best Actor? Ah, bahala na, nasabi ko na eh! *grin* Right after the telecast, I immediately browsed IG to see some behind the scenes. Di naman ako binigo ng aking kaibigang IG! Ang dami. Of course, most were congratulatory messages para sa mga nanalo.

Pero teka! Na-realized ko, bakit yung mga tumabo sa takilya medyo nga-nga sa awards? Well, siyempre dahil nga sabi sa inyo chismosa este CURIOUS ako, goww ako dun sa account ng ilang mga “box office stars.” Yun ang pagkakamali ko! Sana pa lang hindi na lang ako nagbasa-basa dun. Kasi nalungkot, nagalit, nainis, natawa, napamura lang ako sa mga nabasa ko. May nabasa akong banter, ganito oh (non-verbatim):

“Anong nangyari sa *insert title of movies*? Kumita nga wala naman award?”

Aba siyempre! Di papatalo mga fanney ng kabilang kampo, so super sagot naman yung isa, ganito oh (non-verbatim ulit):

“Di bale nang walang awards, at least kumita! Eh yung maraming awards, nasan na? Linangaw sa takilya! Sila lang ang nasiyahan sa awards nila. Mas importante pa rin maraming kita.”

Kung tutuusin, parehas naman silang may point! Malabnaw na point nga lang. HAHAHAHAH. *cough* Pero sa pagbabasa ko ng mga banter ng mga commentator sa account na iyon, isa lang ang naramdaman ko, ano na ba ang nangyayari sa industriya ng pelikula natin? Is Quantity more important now than Quality? Pag gumawa ka ba ng may sense na obra ngayon, pero kulang ka sa platform para mag-promote ng pelikula mo, tanggapin mo na lang na kakainin ka ng buo noong mga merong kakayahan na i-market ang kanilang proyekto? At, eto ba ang klase ng mga pelikula na ipapamana ng mga “sikat” sa kasalukuyan sa mga kabataan ng bukas? Nasaan na yung “Dekada 70” at “Bata, Bata, Paano ka Ginawa” na tema? Anong nangyari doon sa “Wanted: Perfect Father” ni Mang Dolphy na nagpatawa, pero nagpaluha at tumatak sa puso ng mga kabataan na katulad ko noon? Lately kasi parang nagiging “trip trip” na lang eh. Kung sinong sikat, kahit walang wenta, pagawin na nang movie, tutal bebenta naman eh!

 Grabe pighati ko, no? HAHAHAH Nakakadismaya lang kasi! Buong akala ko kasi, tumatalino na ang mga Filipino audiences. Oooppss, I don’t have anything against those films na tumabo sa takilya. Infact, tiga-hanga ako ni Praybeyt Benjamin. Napanuod ko ang unang paglabas ni Lotus Feet, isang linggo nga akong nilagnat dahil sa walang hiyang babae na yan eh. HAHAHAH Sobrang mahal ko si Ryzza Mae. And I’m not only Sir Robin Padilla’s fan, but I’m also Gat. Andres Bonifacio’s biggest fan. Walang kaso sa akin kung mag-number 1 ang alin man sa mga pelikulang yan. To each their own, or in our own vernacular, WALANG BASAGAN NG TRIP!

But what is just so bothering for me is the mentality of the audience these days. Nakakatakot. Nakakabahala. Hindi ba’t mas maigi sana na kumita ang isang pelikula hindi lamang sa napakagandang “marketing strategy” kundi dahil sa talaga namang may kabuluhan ang pelikula? Ewan ko. Pero sana dumating ang araw na mas maging matapang ang showbiz industry; mas matapang na sumugal sa isang bagong pormula, sa mga proyektong may kabuluhan.

About Mrs. Purin

pangarap kong tumira sa bikini bottom at palitan si Patrick bilang BFF ni spongebob. mahilig ako sa kape, magulo ako kausap, minsan may sense, madalas wala. well, u can always send me a message here! kaibigan, usap tayo.