Si Baliling

Ang batang si Baliling kung tawagin ng kanyang pamilya ay pangkaraniwang batang matatawag. Palangiti lang, tahimik, pero malalim mag-isip. Hindi niya alam kung paano naging ‘Baliling’ ang naging tawag lambing sa knya ng kanyang pamilya, pero nandoon ang kasiyahan na may palayaw sila sa iyo. Paran sikretong pangalan…hahah

Simple lng naman si Baliling…Batang may simpleng pag-iisip at mga pangarap.

“Sana makapagtapos ako ng pag-aaral para makakuha ako ng magandang trabaho at sana ang trabaho na iyon ay sa opisina kasi pangarap ko ang trabaho na ‘yon. Parang glamoroso kasi ang dating. Marangal man ang trabahong labandera o kasambahay, siyempre mas magaan pa rin at hindi nakakapagod nang lubha ang office work.

Gusto ko lang naman na matulungan ko ang pamilya ko at sana rin ay maiahon sa kahirapan ang aming pamilya.

Gusto ko sanang mabilihan ng malawak na bahay ang mga mahal ko sa buhay, kahit simple lang siya basta kasya at magkakasama kami, nagmamahalan at nagtutulungan.

Masuwerte ako, kami ng anim ko pang mga kapatid na napasama sa DF K-iskolars. Pagkakataon ito na hindi dumarating sa lahat kaya dapat huwag aksayahin. Limang taon na rin ang assistance na ibinibigay nila sa mga kagaya ko na mahirap lamang at hindi kayang pag-aralin ng aming mga magulang kasi ang ami dami namin. Siyam kasi kami eh.

Gagawin ko po ang lahat lahat para matupad  lahat iyon kahit na gaano kahirap abutin.

Sana maging malulusog at malalakas ang aking mga magulang lalo na ang nanay ko, mga pamangkin at mga kapatid. Sana gaya ko ay matupad nila ang mga pangarap sa kanilang paglaki.

Sana rin mga tunay na kaibigan ang makilala ko sa aking buhay, khit kaunti lang basta totoong mga kaibigan na karamay mo sa hirap at ligaya. Mahirap kasing makatagpo na mga tunay na kaibigan.

Sana rin, balang araw, sana may magmahal sa akin bilang ako, ‘yung mabuting tao na nais kong maging hanggang sa aking paglaki. Hindi naman ito nakikita sa hitsura kundi sa panloob mo. Maganda nab o pangit… maitim o maputi, ang mahalaga ay ‘yung kagandahan ng kalooban mo.

‘Di lahat ay nakukuha nang madalian. Kailangang paghirapan mo bago mapasaiyo ang mga bagay na nais mong makamtan Panigurado..mas masarap namnamin ang mga nakamit mo kung alam mong pinaghirapan mo itong marating o makamit.

Basta…ako si Baliling. May pamilyang nagmamahal, may pangalawang magulang sa katauhan ni Mommyjoyce at Mommy Gemma. Batang may pangarap at may tiwala sa ating Diyos na ang kinabukasan ko ay magiging napakaganda!

Tiwala lang!  ^_^

amabadac

About Angel Love

A young girl who dreams endlessly and works towards achieving her dreams