Si Author at Si Reader

Chapter 1- #243DaysOver

“Bai! Bilisan mo na. Lalapag na yung eroplano in less than 20 mins,” sabi ko sa bestfriend kong si Zoe.

“Oo na. Saglit lang. Nagsusuot pa ng sapatos eh. Bakit kasi late kana gumising tapos ngayon, ako pinagmamadali mo,” sagot nya ang kanyang boat shoes.

Malapit lang naman sa area namin yung airport. Tanchado ko na kasi ang layo.

“Nabili mo na ba yung pinapabili ko?” Tanong ko sa kanya habang papasok kami ng sasakyan nya.

“Oo boss. Salamat ha!” Sarcastic na sagot nya.

Bestfriend ko si Zoe mula nung college. Sumali kasi ako sa womens basketball team kung saan sya yung captain ball. 2 years ang gap namin. First year college ako nun sya naman nasa third year. Malamang! Dalawang taon nga ang gap hindi ba. (Hihihi)

Nasa isang department rin kami. Paramedics. Binubuo ito ng Pharmacy Students, Midwifery at syempre, ang bida kaming mga Nursing students.

Actually tatlo kami. Yung isa kasi nasa ibang lugar at sobrang busy. Si Yani naman yun. Kami lang ni Zoe ang parating nagkikita lalo na kapag nasa Davao sya.

“Ano bai, excited ka na?” Tanong nya sa akin.

“Ha? Hindi ko alam bai. Kinakabahan ako. Para akong natatae na ewan,” sagot ko.

Hindi ko talaga alam ang gagawin ko. Mixed emotions. Hindi ko alam kung natatae ako, nasusuka, o ano pang hindi mo ma-explain na feeling.

Ito kasi yung unang pagkakataon na magkikita kami ni Ginny. Ang girlfriend ko.

Yep. You got that right. Girlfriend.

Isa akong lesbian. Pero hindi ako yung typical na lesbian. Same kami ng bestfriends ko. More of reserved lesbians.

“Ayos lang yan bai. Alam ko yan rin ang nararamdaman nya,”

“Ang galing noh? Umabot kayo ng 9 months. Eh alam ko naman kasi ang ugali mo when it comes to relationship,” dugtong nya.

“What do you mean? Hindi naman ako cheater ah,” sagot ko.

“That’s not my point. What I mean is that, nakita ko kung ano ka before. Nung nasa college pa tayo and what you have become after meeting this chick,” paliwanag nya.

May point si Zoe. Hindi naman sa mayabang ako pero nung college kasi, medyo may pagka-pilyo ako. Happy go lucky kasi ako. Immature days kumbaga. I used to flirt those chick na crush ako. Lalo na kapag naglalaro ng basketball.

Sinasabi ko, hindi ako gwapo. Yung tipong pwede mo lang ako madala sa mall na hindi mo ikakahiya kasi may mukha naman.

Alam n’yo naman hindi ba, kahit na hindi magandang lalaki o babae basta ba magaling sa isang bagay, may hahanga at hahanga talaga sayo. Dun ako pasok!

Hindi naman rin ako magaling maglaro. Yung tama lang. Marunong lang humawak ng bola. Marunong ng mind games.

“Sa arrivals po kami,” narinig kong banggit ni Zoe.

Hindi ko napansin na nasa main gate na kami ng airport.

“Ayan na yata yung eroplano oh. Sakto lang bai. PAL yung sinakyan nya hindi ba?” Tanong nya.

Tumango ako. Sobrsng bilis na ng kabog ng dibdib ko. Para na akong magkaka-minor heart attack.

Nag-park muna kami. Mga ilang minuto pa naman bago makakalabas yung mga pasahero.

“Ready?” Tanong ng bestfriend ko.

Huminga ako ng malalim.

“Game!” Sagot ko.

Lumabas kami ng sasakyan. Nagtungo sa waiting area. Grabe na ang kabog sa dibdib ko. Hindi ko alam kung anong unang sasabihin ko sa kanya kapag nagkaharap na kami. Idagdag mo pa yung tingin ng mga tao sa akin dahil sa hawak-hawak kong bouquet.

Oh diba ang #MaisConKorny ko.

May naaninag na akong taong nagsilabasan. Kinakabahan na ako ng sobra. Hindi ko kaso lubos maisip na after 9months of long distance relationship, finally magkikita na kami.

Naalala ko pa nung nagkakilala kami. Past time ko kasi ang pagsusulat ng blog. Blog serye to be exact. Isa si Ginny sa mga readers ko. Naging curious sya kung sino ako kaya gumawa sya ng paraan para makilala ako. Yes! Siya ang unang gumawa ng move para magkakilala kami.

Nag-email sya sa akin. Hinihintay nya raw yung update nung blog ko kasi matagal ko raw hindi nadugtungan.

“Hi Author! My name is Ginny. Been waiting for your update. Hindi pa naman ako mahilig magbasa pero nung nabasa ko blogs mo, nakuha mo attention ko. Pls dugtungan mo na. Nakakabitin kasi. ????”

Yan yung unang beses na nag-connect kami. Mga dalawang buwan pa nga bago ako nakapag-reply kasi hindi ko masyado binubuksan yung email ko na naka-link sa blogs ko.

(Bzzzz bzzzz)

[Honey-Calling]

“Hello,” sabi ko.

“Hon. San kayo? Papalabas na kami,” sabi ni Ginny sa kabilang linya.

“Nasa may front lang hon,”

“Where exactly?” Tanong nya.

“I can see you,” sagot ko.

Lumapit kami sa kanila. Nakita na ako ng pinsan nya pero sya parang hindi pa. Malabo kasi paningin. Kaya nga ata ako sinagot kasi malabo paningin nya. Baka cute lang ako tingnan sa skype.

“Hon,” lumapit ako sa kanya.

Iniabot ko sa kanya yung bulaklak.

“Welcome to Davao. Life is here,” bati ko sa kanila.

Agad nya akong niyakap. Yung sobrang higpit. Nararamdaman kong malakas ang tibok ng puso ko.

“Hon…” Yun lang sinabi nya.

“Ate. Pwede mamaya na ang dramahan? Nakaharang kayo sa daan,” narinig naming sabi ng pinsanh nyang si Roanne.

Kumalas sya sa pagkakayakap. Kinuha ko yung mga gamit na bitbit nya. Kinuha naman ni Zoe yung dala ni Roanne.

“Si Zoe nga pala. Bestfriend ko,” pakilala ko ng pormal sa kanila.

Dumerecho kami sa parking lot. Hawak-hawak ni Ginny ang kanang kamay ko. Dala ko ang handbag nya tas hila-hila ko yung maleta nya.

Hindi ko ma-explain ang nararamdaman ko. Sobrang marami kaming napagdaanan. Tampuhan, selosan. Away-bati. But the best part is, we conquered it all. Finally, after months of fighting the timezone, makakasama ko na rin sya.

Binuksan ni Zoe ang trunk ng sasakyan nya, dun namin nilagay yung mga maleta. Si Roanne sa harap na uupo, tabi kami ni Ginny sa likuran.

“Dinner na muna tayo?” Tanong ni Zoe.

“Oh sige bai,” sagot ko.

Sobrang saya ng pakiramdam yung sa wakas, nakasama mo na yung taong mahal mo. Yung taong sa skype mo lang nakikita, sa viber at line mo nakakausap. Ngayon in flesh na. Hawak-hawak nya ang kamay ko habang nakasandal sya sa balikat ko.

“Honey,” malambing na boses ni Ginny.

“Yes hon?” Usisa ko.

“I love you,” banggit nya.

Napangiti ako nung sinabi nya yun. Tagos sa puso. Unang beses, in flesh. Sarap sa tenga. Araw-araw naman kaming nagsasabihan ng ganun pero iba pa rin pala sa personal.

About ihatelovestorys

Hindi po ako makata. Nagpapasalamat po ako sa mga bumasa ng gawa ko. Nakakataba po ng puso. Unang beses ko po gumawa ng blog serye. 🙂 wattpad: follow read my stories: