Serendipity Part 5

stock-photo-young-happy-couple-talking-together-outdoor-sitting-on-grass-111963170Let’s go out,  Drei. I want to take a walk.”

You can do this, Lianne.  Kailangan n’yong makapag-usap,” bulong ni Lianne sa kanyang sarili.

Akala ko naman kung ano.  Sige, ugali mo nga pala na maglakad-lakad after eating.”

“There’s a nice place kasi sa likod nitong mall.”

“I like what they’ve done to this place,” sabi ni Andrei habang naglalakad sila sa bagong tayong parke sa likod ng mall.

“Oo nga eh.  I often find myself hanging around here lalo na kapag walang pasok.  Nakaka-relax kasing tingnan ang mga puno’t bulaklak dito. 

“Halika, maupo tayo doon.”

“You were about to say something kanina?”  tanong niya rito pagkaraang nakaupo na sila sa isa sa mga shed doon.

Kumusta na nga pala sina tito’t tita?  Kumusta na ang mga tao sa probinsya?  Nandoon pa rin ba ang old tree house natin?”

“Hey, hey,hey,” natatawang sabi niya. “Isa-isa lang ang mga tanong.  I’m the one who used to ask a lot of questions when we were younger, hindi ba?”

“Sorry.  I can’t help it.  I mean, it’s been four years.  I never thought na magkikta tayo like this,” seryosong sabi ni Andrei.

“Andrei, don’t use that kind of tone sa akin.  Baka magkaiyakan tayo.”

“Ayos naman sina Mama, still the same.  Busy pa rin sa negosyo nila.  Like what I told you kanina, kina tita na ako naka-stay for a while.  I’m working sa HR department ng isang company malapit din doon.”

“Akala ko ba ikaw na ang magha-handle ng negosyo n’yo after graduation?”

“Shouldn’t I be the one to ask you that question?  Hindi ba kaya ka nga umalis four years ago para ikaw na ang mamahala ng negosyo ng real dad mo?”,hindi na nakapagpigil na tanong niya kay Andrei.

Tila hindi naman agad nakasagoit ito kaya naman napilitan siyang humingi ng paumanhin.  “I’m sorry.  I wasn’t supposed to ask that.”

“Alam mo na pala.  It’s ok.  I knew na kailangan din naman nating pag-usapan ito sooner or later.”

“What happened, Drei?  After your grandma’s wake, bigla ka na lang nawala. Tapos sinabi na  lang nila sa amin na hindi ka na babalik.  Tapos binenta pa lahat ng properties n’yo.  I haven’t heard a word from you ever since.  Why?  Bakit ni hindi ka man lang nagpaalam?  You could’ve atleast said goodbye.  Kahit nga sana nag-iwan ka man lang ng note.  Pero WALA.”  Hindi na niya napigilan ang kanyang sarili at inilabas na niya lahat ng mga katanungang naipon sa loob niya the past four years.

Part 1: http://definitelyfilipino.com/blog/2013/04/07/serendipity-part-1/

Part 2: http://definitelyfilipino.com/blog/2013/04/07/serendipity-part-2/

Part 3: http://definitelyfilipino.com/blog/2013/04/10/serendipity-part-3/

Part 4: http://definitelyfilipino.com/blog/2013/04/20/serendipity-part-4/

-April13 4/19/13-

About april13

Nurse na nakastuck sa Disyerto. Writer na naglalakbay sa iba't ibang mundo ( hangga't kayang marating ng utak ko).