Serendipity Part 3

 

Serendipity (film)
Serendipity (film) (Photo credit: Wikipedia)

She just can’t believe this guy.  Nawalang parang bula tapos ngayon ay bigla na namang lilitaw.

Pinaglalaruan ba ako ng tadhana?”

Nagdadalawang-isip man siya na tanggapin ang paanyaya ni Andrei ay hindi naman niya magawang tanggihan ito.

Sige.  Tamang-tama, hindi ako nag-almusal kaya baka mapasubo ka sa alok mo.”

“Hindi ka naman talaga nag-aalmusal ever since, Li.  At ang kain mo naman, kaing-pusa lang naman lagi,” pang-aasar nito sa kanya.

Ha ha ha very funny.”

After all these years, he still acts like he knows her very well.  Nakakainis!  Pikon pa naman siya.

Haaaayyy.

I’ll just go over sa likod.  Kukunin ko lang ang order ko.  You can stay here sa labas.  I know you don’t like this place,” sabi niya kay Andrei.

No, it’s ok.  Mag-iikot na rin ako sa loob.”

“Are you serious?  I didn’t know na natuto ka na ring magbasa.”

“Well, if you can still remember, ako noon ang laging tagabitbit mo ng mga librong pinamimili mo.  Let’s just say, I’ve learned to be tolerant at the sight of books.  Now, go.  Baka ibigay pa nila sa iba ang order mo.  Thought it’s quite tempting to see you throwing tantrums, I don’t think it’s a nice idea.  I doubt if the other people will like it too.”

“You know what, Drei?  You’re crazy.”

Napangiti na lamang siya.  It’s as if nothing had changed between the two of them kahit alam niya na napakarami na ngang nagbago.  Napakarami nang naangyari sa loob ng apat na taon.

Marami siyang nais sabihin. Marami siyang nais itanong dito.  But gosh, hindi niya alam kung paano magre-react.  It’s a miracle na nakakaya pa niyang makipag-usap dito ng maayos, that she managed to find her voice somehow and act natural.

Siguro nga ay nakatadhanang muling magtagpo ang mga landas nilang dalawa after all these years.

 “Bahala na si Batman.”

(itutuloy pa po)

Part 1: http://definitelyfilipino.com/blog/2013/04/07/serendipity-part-1/

Part 2: http://definitelyfilipino.com/blog/2013/04/07/serendipity-part-2/

-April13 4/3/13-

Enhanced by Zemanta

About april13

Nurse na nakastuck sa Disyerto. Writer na naglalakbay sa iba't ibang mundo ( hangga't kayang marating ng utak ko).