Serendipity (Part 1)

photo credit; ShutterStock
photo credit; ShutterStock
photo credit; ShutterStock

Life is not merely a series of meaningless accidents or coincidences, uh uh, but rather it is a tapestry of acts that culminate in an exquisite, sublime plan.” – Serendipity

Sabado.  Day off niya sa trabaho.  Maaga pa lang ay bihis na siya at nagmamadaling pumunta sa paradahan ng sasakyan.  Dumating na kasi ang pinakaaabangan niya mahigit isang buwan na ang nakararaan.

TAXI!!!!!”

Ano ba naman ito.  Kung kailan ka nagmamadala saka ka pa walang maparang taxi.  Hindi naman ako puwedenhg sumakay ng jeep.  Aabutin ako ng isang oras bago mapuno ang jeep dito.  Haaaaayyy,” naiinis na bulong niya sa kanyang sarili.

TAAAAAAAAAAAAXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXIIII!!!!!!!!!!!

At last, after almost 20 minutes na paghihintay ay may pumarang taxi sa harapan niya nang biglang,

Miss, pasensya ka na.  Nauna ako sa taxi na ito,”  sabi ng isang matangkad na lalaki sabay bukas sa pinto ng taxi.

Hoy, mama.  Anong nauna ang sinasabi mo?  Kanina pa kaya ako pumapara rito.  Kung gusto, maghanap ka ng sarili mong taxi,” iritadong sabi niya.

“Lianne?  Lianne Sarmento, ikaw nga ba?”  At tinitigan siya nitong mabuti.

Ikaw nga!  Don’t tell me hindi mo na ako nakikilala?”

Napakunot-noo naman siya at saka tinitigan din ang kausap.

O-M-G!  Is this for real?” hindi makapaniwalang sabi niya.

“Mr.  Andrei Santos, buhay ka pala?”

How long has it been?  Three?  Four years?  Sobrang tagal nating hindi nagkita,” napapatawang sabi nito.

“Four years.  Huli tayong nagkita sa lamay ng lola mo.”

At nagkatinginan na lamang sila.  Mistulang  hindi pa rin sila makapaniwala na matapos ang ilang taon ay muli silang nagkita.

“Ehem!  Excuse me po.  Sasakay ba kayong dalawa o hindi?  Kanina pa kayo nag-uusap eh.”

Patay!  Nakalimutan na nilang pareho si Manong Driver.

Sorry po, manong.  Sasakay na po.  Drei, mauna na ako sa iyo ha.”

Hep.  Hep.  Hep.  Hindi mo ako puwedeng iwan dito.  Sabi ko sa iyo kanina, nauna ako sa taxi na ito.”

“Huwag mong umpisahan ulit, please.”

“Sige, sabay na lang tayo.”  At sumakay na ito sa loob ng taxi, sabay sara ng pinto.

Napangiti na lamang si Lianne, “Some things never change.”  At sumakay na rin siya sa taxi.

(to be continued po)

-April13 4/2/13-

About april13

Nurse na nakastuck sa Disyerto. Writer na naglalakbay sa iba't ibang mundo ( hangga't kayang marating ng utak ko).