Selfie Lord

social-media-selfiesMadalas natin naririnig ang salitang ‘selfie’. At kahit sino naman siguro ay alam kung ano ang ibig sabihin nito. Parati rin natin nakikita ang mga ito sa Facebook o Instagram. Ngunit ano nga ba ang dulot nito sa ating buhay? Nakakapagbigay aliw kaya? O Nagiging sagabal? Halina’t alamin.

Sinasabi ng ilan na ang selfie raw ay masamang gawi dahil ipinapakita rito ang pagiging makasarili ng isang tao. Ngunit maraming kumontra dito. Dahil ang mga Pinoy nga naman daw ay mahilig talaga kumuha ng litrato.

Sa tuwing binubuksan ko ang aking Facebook account, halos puro selfie lang nila ang nakikita ko. Yung iba, araw-araw na lang. Selfie sa banyo, selfie sa lugar na pinuntahan nila, at marami pang iba.

Kadalasan nkakakasawa na. Sila yung tinatawag na “Selfie Lord”. Maraming artista na rin ang napapabalita dahil sa hilig nilang magselfie. Sa totoo lang, wala naman talagang masama dito. Sa ganitong bagay, sumasaya sila. Ngunit nagiging masama lang ito kapag sobra na. Katulad nalang ng picture nila na halos hubad na. Hindi ba’t ang sakit sa mata makita ang ganoon? Lalo na kung menor de edad pa lamang sila. Yung iba ginagawa lamang ito upang makakuha ng maraming likes. Ngunit dahil din dito, nababastos sila.

Kung minsan naman, ‘yung iba sobrang O.A na. Selfie noong umiiyak sila. Selfie noong malungkot sila. At pagkatapos, upload agad sa Facebook o Instagram. Sila yung kadalasan binubully sa social networking sites. Oo nakakaawa pag ganoon, pero sila rin naman ang may kasalanan hindi ba? Pero kapag gwapo ka o maganda, sisikat ka. Pero dahil sa mga taong insecure, hihilahin ka nila pababa.Kung papansinin mo sila, iyon ang ikakabaksak mo.

Selfie sa umaga, selfie sa tanghali, selfie sa gabi. Wala naming masama doon. Pero sana kung sobra na, tama na. Pero nagiging libangan din naman ito kapag ikaw ay nababagot. Pwede kang nakawacky, nakapout, pademure o iba pang gusto mo. Kung feeling mo ikaw si Daniel Padilla, sige ipush mo. Wala naming pumipigil sa’yo. Kung iyan ang trip mo, wala kaming magagawa. Hindi ba’t kaniya kaniyang trip nga?

Pero nagbibigay aliw nga ba ito? O nagiging sagabal? Ang sagot, depende sa sitwasyon. Kung talagang wala kang magawa, syempre makakapagbigay-aliw sa iyo ‘to. Pero kung halimbawa’t nasa isang lugar ka na maganda, maaring maging sagabal ito. Yung iba kasi, todo selfie nalang at hindi na nadarama kung gaano kaganda ang lugar na pinuntahan nila.

Pero kahit saang anggulo tingnan, Pinoy tayo e! Ugali natalaga nating kumuha ng litrato. Kaya wala silang magagawa sa gusto natin. Ang mahalaga, kahit sa simpleng bagay na iyon, nagiging masaya tayo.

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.