‘Self Worth’

Realizing-Your-Self-Worth
Realize your self worth (Photo Credit: under30ceo.com)

Isipin mo na lang kung anong mangyayari sa iyo, halimbawang hindi mo pinahalagahan ang sarili mo! Ano nga kaya? Maabot mo kaya ang pangarap mo? matututo ka kayang magmahal at pahaalagahan ang iba?  kung sarili mo nga ay hindi mo kayang mahalin, at bigyan ng importansya kung sino ka at kung ani ang kakayahan mo?

Magkaroon ka kaya ng pagkakataong tingnan ang kagandahan ng mundo, at kagandahan ng katabi mo? kung may mga tao mang humihila sayo pababa mga taong gusto kang makitang lugmok at talunan, sila yung mga taong walang magaa sa buhay kaya iwasan mo sila. subalit kung hindi talaga pwedeng iwasan , ipakita mo pa rin ang walang kupas mong pagmamahal at pang-unawa. Pasasaan ba at mapapagod din yan.

Isipin mo na lang na isa yang challenge sa iyo. kung iniitsapwera ka nila kasi wala kang kakayahan, huwag kang malungkot, huwag kang magmukmok sa isang tabi, huwag kang magtago sa likod ng pinto.

‘Bakit? Sila lang ba ang tao sa mundo’? Bakit di mo subukang sumama dun sa mga taong alam mong ia-apreciate ka, dun sa mga taong nirerespeto at minamahal ka?

Sumali ka sa mga organization na magpapataas ng pagpapahalaga mo sa sarili {importance}. Pero baka naman nasa sa iyo ang problema… baka kaya hindi nila iyon nasabi ay dahil nasa iyo nga ang problema at iyon ang nakikita nila sa ‘yo…

So, magbago bago ka nga… baka kasi kailangan mo na talagang baguhin ang takbo ng buhay mo. Totoo man iyon o hindi, patunayan mo pa rin na hindi ka ganun … na mali sila ng pagkakilala sa iyo.

Kung sasabihin nilang ‘wala kang kuwenta’, ‘bobo ka’, ‘tanga ka’, eh ‘di mas magandang patunayan mo…. hindi ‘yung todo kulong ka sa kuwarto mo at halos malunod ka na ng luha mo..

Ay grabe…… eh ‘di totoo ka ngang bobo ka, kasi hindi ka nag-iisip, may utak ka naman, pero hindi mo ginagamit mag isip kaya ka nila lalong naaapakan.

Hindi ka na nga nila minamahal ni hindi ka rin nirerespeto, pati ba naman sarili mo, isasali mo pa para i-down ang sarili mo?

Oh come on. think…. think….think… paki-check nga ng utak mo, baka lumipad na eh……          Pagkatapos ng lahat, sasabhin mo pang ‘ wala naman akong kabuluhan sa mundong ito … useless talaga ako kaya mas mabuti pang mamatay na lang.

Baliw ka ba? Siguro nga. hahahaha. Kaya ka hindi bumibilib sa sarili mo  kasi wala kang ginagawa. Gumalaw galaw ka naman at baka ka ma stroke. Gumawa ka ng mga bagay para ma-appreciate ka. Gamitin mo ang talento mo, iimprove mo ang mga kakayahan mo dahil may mga kaya kang gawin na hindi nila kaya… so it’s your turn … go!

Unang0una sa lahat humingi ka ng tulong sa Diyos. Siya  lang ang maaasahan mo,, wala nang iba. Bibigyan ka Niya ng lakas na mapagtagumpayan ang lahat ng problema mo sa buhay. Minsan kailangan talagang mangyari ang mga ganyang bagay para ka maging better person. Pag napagtagumpayan mo na ‘yan, mas magiging malakas ka. Lagi mong tatandaan na kahit anung mangyari, hinding-hindi ka iiwan ng Diyos. Sa pagsilang mo pa lang ay nandiyan na siya at ginagabayan ka hanggang sa ikaw ay lumakad at magkaisip. Nalulungkot din siya kapag nalulungkot ka. Nasasaktan din siya kapag nasasaktan ka . Mahal ka ng Diyos, iwan ka man ng mundo …… Siya, hinding hinding hinding hindi ka iiwan kailan man. Mahal na mahal ka ng Diyos..

About uzziel sace

im a high school graduate. matagal na akong nangarap na amging manunulat. nagsusulat ako ng mga advices, mga kwento at mga kung ano anong maisip ko,,,