School of LIFE =)

Note from the author:Its one of those sleepless night again after a long day of work…So here I am in front of my lappie and typing my next inspiring blog to share with you dear readers..

Hindi ako nagtapos sa isang exclusive school noong ako ay nasa elementary at high school.. Public school ang aking napasukan noong ako ay nag- aral ng primary at semi private naman noong high school. Di rin ako nakatungtong ng college sa atin dahilan na rin sa hirap ng buhay namin noon. Minsan ko na itong naikwento sa aking mga naunang blogs, see link below..

http://definitelyfilipino.com/blog/2011/12/07/pinay-on-top/

But anyway, I still do believe na ang edukasyon ay isa sa mga “weapons” natin na hindi pwedeng maagaw sa atin ng kahit na sinong kalaban sa bawat digmaang ating haharapin…

Pero merong isang klase ng “SCHOOL” kung saan pwede rin tayong matuto… Yan ay ang School of life o simpleng eskwelahan ng buhay…

Araw-araw sa mga pangyayari sa ating mga personal na buhay, marami tayong natututuhan..Sa mga taong ating nakakasalamuha, nakakausap…Maari tayong matuto mula sa isang pulubi, sa isang bata, sa isang matanda o kahit na sinong tao na ating pagtutuunan ng pansin….Maaring sa bilis ng takbo ng ating mga buhay, marahil madalas hindi mo na ito pinapansin.

Minsan sa aking paglalakbay upang pumunta para sa isang work-related business, habang nasa eroplano ako, meron akong nakatabing isang bata, siguro mga 10 years old lang sya…Isa syang Korean national..Bagamat hindi fluent sa English, madali ko rin naman naintindihan ang kanyang mga kwento..

Nabanggit nya sa akin na ang kasama nya sa trip ay ang kanyang auntie dahilan sa ang kanyang mga magulang ay pawang busy sa kanilang mga trabaho. Pupunta sya sa kanyang lola na kasalukuyang may sakit at sa kagustuhang mabisita na rin. Naitanong ko sa kanya kung di ba sya nalulungkot dahil ang parents nya ay parehong busy ..Ganun na lamang ang pagkamangha ko sa kanyang tugon…” My parents work hard for my future and I must be thankful because I know they love me so much..” Nakakatuwang isipin na murang edad ng batang kausap ay ganoon na kalawak ang kanyang pang-unawa…

Bigla ko tuloy naalala ang mga OFW na may mga naiwang pamilya lalo na yung may mga anak sa Pilipinas. Mga magulang na namomroblema sa mga anak na nagrerebelde dahil sa kakulangan ng oras ng mga magulang..

Kasalukuyang nasa Pilipinas din ang aking anak na piniling doon muna sa kanyang mga lolo at lola habang nag-aaral ng high school. Bagamat alam kong sariling desisyon ng aking anak na doon mamalagi sa atin, batid kong may mga oras na nami-miss nya rin kami ng Papa nya…mas lalo ako…sobrang miss ko na aking “baby”..Subalit alam kong dapat lamang matuto ang aking anak na mamuhay ng wala kami sa piling nya, may mga bagay na dapat nyang matutunan na di nangangailangan pa ng alalay mula sa amin…Pasalamat pa rin ako at lumalaking matured at napaka independent ng aking anak, katulad ng koreanang bata na aking nakasabay sa eroplano..

Bilang magulang sa ating mga anak, hindi ko ini-encourage na wag bigyan o di kaya ay magkulang tayo sa paggabay  sa ating mga anak…Obligasyon natin na maging mabuting magulang sa kanila at bigyan sila ng sapat na oras at kalinga, subalit wag naman sa puntong kulang na lamang ay sakalin natin sila.

We have to give space and let them grow up…let them learn on their own…hayaan natin silang magkamali upang matutunan ang tama..

School of Life…libre…effective…reliable…hanggang sa muli, Ms. J =))

Enhanced by Zemanta