SAYANG (2nd Series)

(Photo Credit: nouveau-chariot.blogspot)
(Photo Credit:  nouveau-chariot.blogspot)
(Photo Credit: nouveau-chariot.blogspot)

Ang nakaraan:

Dahilan hindi makatulog si Aldo, bumangon siya at humitit ng sigarilyo. Sa kanyang pagdidili-dili sumariwa sa kanya ang nakaraan. Humantong ang kanyang diwa sa sinasalat ang maselang pagkababae ni Loleng. At……

Biglang may humintong taksi sa harapan ng bahay nina Loleng at sabay bumusina. Beep…Beep…b e e e e p. Umibis ang sakay ng taksi at tumawag. “Loleng . . .Loleng, bumaba ka rine at tulungan mo kami ng itay mo”. Kahit na sa gitna ng kasarapan ang dalawa kapwa sila naalimpungatan ng marinig ang boses! “Si inay!” Magkasabay na bumalikwas ang dalawa at hindi magkamayaw, nanginginig sa pagsuot ng damit.

“Lolita, ano ba, ba’t ang tagal-tagal mo bumaba?” “Nariyan na ho inay”, halata ang panginginig ng kanyang boses. Bumaba si Loleng at tinulungan ang dalawa. Napasimangot si Aling Trining ng mapagmasdan ang suot ng dalaga, subalit hindi siya kumibo. Nang pumasok sila sa loob ng bahay nadatnan nilang nakaupo si Aldo na kunwa’y nagbabasa ng pahayagan. Tumayo si Aldo at nagbigay galang.

Nanlaki ang mga mata ni Aling Trining ng makita ang ayos na suot ni Aldo. “Aldo kailan ka pa natutong magsuot ng damit pangbabae at damit pa yata ni Lolita ang suot mo!” Parang kandilang nauupos si Aldo ng mapagmasdan ang kanyang suot. Hiyang-hiya at hindi malaman ang gagawin. Sa pagmamadali, at palibhasa’s nataranta, di namalayan, nagkapalit sila ng suot!

“Hoy Lolita, parine ka nga punyita ka!” Ang nangangatal sa galit na tawag ni Aling Trining. “Sabi ko na ba’t kanina pa’y duda na ako sa suot mo. Paki-isplika nga kung anong milagro’t kabulastugan ang ginawa ninyo habang wala kami ng itay mo. Tasyo, iwanan mo muna ang mga pinamili natin at umakyat ka rine! At ikaw lalaki, hindi ka makababa ng bahay hanggang hindi tayo nagkaliwanagan!” Nanlilisik ang mga mata ni Aling Trining kay Aldo.

Si Mang Tasyo bagama’t hindi Andres (under-de-saya), ay uliran na asawan. Kung maari lang ayaw niya ng gulo. Katwiran niya ang bawat problema may kalutasan at ang gusot ay maayos sa mahinahon na paraan. “Ano na naman Trining ang pinagpuputokd ng butsi mo at nanggagalaiti ka sa pagtawag sa akin?” ang banayad na tanong ni Mang Tasyo ng nasa itaas na siya ng bahay.

”At sino naman ang matutuwa sa ayos ng dalawang ito, aber? Tingnan mo ang suot ng anak mo, damit ni Aldo, at si Aldo naman nakablusa! Ano ang ibig sabihin niyan, paki-isplika mo nga, aber? Sabihin mo may nangyaring milagro sa dalawang ito!”

Maging si Mang Tasyo nanlalaki ang mga mata ng mapagmasdan ang suot ng dalawa. Palibhasa’y may pagkakasala nakayuko ang dalawa. Halatang impit na paghikbi ng dalaga.

Sinisipat at palipat-lipat ang tingin ni Aling Trining sa dalawa. Di sinasadya nagkasalubong ang paningin ng ama’t ina ni Loleng. Kapwa natigilan at nagkaunawaan ang kanilang mga mata. Bumalik sa kanilang alaala ng matutop din sila ng ina ni Aling Trining sa isang silid na kapwang hubo’t hubad habang tinatamasa ang pulot ng pag-ibig.

Unang nakabawi si Mang Tasyo at malumanay na nagsalita. “Aldo, Loleng alam namin na may nangyaring di kanais-nais sa inyong dalawa. Bagama’t salungat sa kagandahang-asal hindi kami hahadlang kung kayo’y magpapakasal”.

Sa narinig, halos magkasabay ang pag-angat ng mukha ng dalawa. Taliwas sa kanilang inaasahan ang sinabi ni Mang Tasyo. Buong akala nila na ipagtabuyan sila ng mga magulang ni Loleng. Lingid sa kanilang kaalaman may lihim din ng nakaraan ang dalawang matanda.

“Mang Tasyo, Aling Trining, ang patiuna ni Aldo, batid po namin ni Loleng na kami’y nagkasala at humihingi po kami ng tawad sa inyo. Mahal ko po si Loleng at handa akong pakasalan siya. Patawarin po ninyo kami, inay, itay”. Lumapit si Loleng at humagulgol sa kandungan ng kanyang ina.

“O, siya, siya, tama na’ng dramang iyan, at baka pati ako mapaiyak. Dahilan na nagkaintindihan na ang lahat, idaos natin ang inyong kasal kahit civil marriage lang, para hindi magasto. Sige, at ayusin na ninyo ang inyong sarili at hindi magandang tingnan”.

Tumalima ang dalawa at pumasok sa isang silid. Nang na sa loob na ang dalawa, hindi nakapagpigil at nayakap ni Aldo si Loleng at siniil ng halik. Natangay rin sa agos ng damdamin ang dalaga, subalit biglang nakabawi sa sarili. “Oy, oy, oy, tama na nga iyan at baka hindi na naman tayo makapagpigil”, wika ni Loleng.

Samantala, sa sala naroon pa rin ang mga magulang ni Loleng. “Naala-ala ko tuloy ng makita rin tayo ng inay mo sa silid na wala rin tapalodo, ha,ha,ha”, ang natatawang wika ni Mang Tasyo, sabay kabig sa asawa. “Ikaw naman kasi noon eh, sabi mo may ibibigay ka sa akin at gusto mo sa kuarto pa. Iyon pala ang ibinigay mo sa akin ang iyong batuta”, sabay kurot sa tagiliran ni Mang Tasyo.

(End of 2nd series)

Matutuloy kaya ang kasal nina Aldo at Loleng? Wala kaya hahadlang sa kanilang pag-iibigan? Abangan………

About wilson d. dionio

About Wilson (Willie) D. Dionio – a retired OFW. Writing poems becomes an outlet to overcome homesickness. Email address: [email protected]