Santa’s Q and A

 

H’wag na tayong magbolahan pa, si Santa ang tunay na bida tuwing magpapasko. Pangit lang kasing pakinggan kapag sinabing “Merry Santamas” kaya hindi puwedeng gawing ganun. Pero ang totoo, si Santa Claus talaga ang pinakaaabangan ng lahat, hindi ang kaarawan ni Kristo. Sabi nga sa kin nung batang nakausap ko, “Ang galeng no sir, sakto ‘yung birthday ni Jesus sa Pasko..” Oo nga no? hindi ko rin naisip yun.

At mula sa artikulong  ito, susubukan nating sagutin ang mga misteryo sa katauhan ng nagbibida- bidahang  karakter na nakikientra sa kaarawan ni Jesus Christ.

Bakit “ho ho ho” ang tawa ni Santa?

Ang “ha ha ha” kasi ay karaniwang tawa ng mga tao so hindi na niya puwedeng gamitin ‘yun dahil parang walang originality ‘yung dating. Yung “he he he” naman para sa mga manyakis, pang parental guidance kung yun ang gagamitin niya. Ang “hi hi hi” naman ay para sa mga antagonist na mangkukulam at puwede ring gamitin ng mga babaeng nagpapacute mag-comment sa social network kaya hindi rin puwedeng gamitin ‘yun dahil parang nakababawas sa kamachohan ng isang lalakeng malaki ang tiyan. At ang “hu hu hu” naman ay hindi isang tawa. Subukan mong tumawa na gamit ‘yan, sigurado kong mako-confuse ang mga makaririnig sa ‘yo.

Bakit mataba si Santa?

Ikaw ba naman ang tumira sa north pole na may teribleng kakaibang lamig ng panahon sanhi ng mga yebe, malamang ang sarap kumain dun kada oras. At kapag malamig, gawain ng tunay na lalake ang makipag-inuman kaya sigurado kong beer belly ang bundat na tiyan ni Santa.

Bakit laging masaya si Santa tuwing lumilibot pag magpapasko?

Sino nga ba’ng hindi sasaya kung alam mo, kung kilala mo at saan nakatira ang mga naughty girls.. (Based to Santa Claus is Coming to Town lyrics)

“He’s making a list
And checking it twice
Gonna find out Who’s naughty and nice
Santa Claus is coming to town”

Noon ko lang naisip na ang sarap lumagay sa katauhan niya. Hindi mo na kailangan pang humanap ng malupet na bar kung ang totropahin mo e si Santa Claus.

Bakit red ang suot na uniporme ni Santa?

Tulad ng pagsusuot ni Andres Bonifacio ng pulang pang ibaba na maging ang mga prominenteng historyador ay hindi mabigyan ng kasagutan, isa rin ito sa hiwaga ng buhay. Maaaring kaya pula para mas madali siyang makita ng mga piloto sa eroplano kapag bumibiyahe sila sa himpapawid.

Paanong nagkakasya sa chimneya si Santa eh halos makitid ‘yung daan para sa kanya?

Kung paano nagkakasyang magtago si Sylvester sa ga’palitong lapad ng puno para mahuli si Road Runner, kung paano naibabala sa kanyon si Jerry the cat at kumokorteng bilog lang ang katawan niya pagkatapos ng pagsabog, at kung pano nagkakasya si Spongebob sa loob ng inidoro ay ganun din ang maaaring kasagutan kung paanong nagkakasya si Santa. Mala cartoons ang tema ika nga.

Bakit sa chimneya napiling dumaan ni Santa? Paano ‘yung mga bahay na walang fireplace?

Kapag sa bintana piniling dumaan ni Santa, baka mapagkamalan siyang magnanakaw o kaya’y akyat-bahay, diyahe ‘yun pag nagkataon. Kung sa pintuan naman, walang hassle. Hindi cool. Kaya kung sa mas mahirap na paraan, mas kakagatin ng masa. At kung walang fireplace ‘yung bahay n’yo, simulan n’yo nang maglagay dahil choosy si Santa sa gusto niyang pasukan.

santa-c

Bakit mahaba ‘yung balbas ni Santa?

Malamang walang pang-ahit. O puwede rin’g nagpaconvert siya sa pagiging muslim.

Bakit “Santa”? Di ba pang babae yun?

Iyan ang malaking debate ng milenyo na hindi pa matapos tapos hanggang ngayon. At tulad din ng “Aba GINOONG Maria” na ginawang lalake si Maria, palagay ko may pagka-***** din minsan ang mga nasa simbahan. Puwede ring Santa ang first name niya at Claus ang apelyido kaya ganun.

Bakit hindi na lang ipa-FedEx ni Santa ‘yung mga regalo na ipamimigay niya?

Dagdag gastos pa ‘yun. Kaya nga siya gumamit ng reindeers para tipid sa gasolina e.

Meri Krismas!

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.