“Sana Nga! Para For Good Na Ako Sa Pinas, Mare” (Dream ng Bawat OFW at Pamilya Nito) Part 1-Usapang Negosyo.

http://en.wikipedia.org/wiki/File:Sari-sari_Store_2.JPG
http://en.wikipedia.org/wiki/File:Sari-sari_Store_2.JPG

Tulad ng aking naipangako, sa abot ng aking makakaya ako’y magbibigay ng munting kaalaman ukol sa pagne-negosyo.  Para sa pamilya ng isang OFW, at sa inyo na rin na mga OFW.  Kasama na rin iyong may mga  balak na mag-umpisa ng isang maliit na negosyo.  Ito po ay base lahat sa aking actual na karanasan. At munting kaalaman sa larangan ng negosyo.

“Ate, pag uwi ko, gusto kong magnegosyo, para naman meron akong makikita sa pinaghirapan ko.”
Iyan ang isang katanungan ng isang OFW na Seaman.
“Bakit naman gusto mong pasukin ang negosyo, eh,  nakasakay ka sa barko?” Ang tanong ko sa kanya.
“Mahirap din ate ang nasa barko, hindi mo alam kung ano ang naghihintay sa iyo.”
“Oo nga maganda ang sweldo, malaki,  pero mas gusto ko ang manatili dito sa atin.  May mga dahilan siyang sinabi sa akin, at naintindihan ko naman lahat ng ‘yon.
Sa katunayan, bilib ako sa batang iyon.  Marunong din sa buhay.  Lumaking mahirap lang ang pamilya, nagtiis at nagsumikap.  Sa tulong ng butihing kamag-anak, siya ay nakapagtapos, nakaalis, at nakapagpa-aral na din ng mga kapatid at tumulong din sa ibang pinsan para makapag-aral.  Nakapagpundar na rin ng sariling lupa at bahay sa probinsya.  Hanggan sa ngayon, ganun pa rin kahit meron na siyang dalawang anak at asawa.  Patuloy pa rin niyang nailalagay sa maayos ang kaniyang pinaghihirapan bilang isang OFW.
Pinagpipilian niya ang “Sari-Sari Store o Internet Shop
Tamang-tma at meron akong kasalukuyang maliit na sari-sari store na dalawang taon na itong nago operate.
Binigyan ko siya ng ilang simpleng tip na mga sumusunod:
Feasibility Study – Isang pag-aaral bago mo pasukin ang isang negosyo na nagugustuhan o napupusuan mo.
    1. Sari –sari Store- (Probinsya walang upa home based location lang)
-maganda dahil basic need ng tao ang ibebenta mong produkto
20-25% ang patong mo sa bawat produkto na gamit pang araw-araw
-sa mga softdrinksang kita ay nasa 35-36% at nasa 40% naman ang kita sa mga inumin (alak).  Dito kumikita ng malaki ang mga sari-sari store.
-sa bigay naman, ang tubo mo ay P2.00/kada kilo (huwag lang mangdaya na paghaluin ang   mumurahin at mahal na bigas, pero marami ang gumagawa nito, depende sa inyo.  Marahil dahil ang isang kaban ng bigas hindi naman lahat eksaktong 50kilos. Meron kasi raket yan sa mga bodega, tutusukin ng isang maliit na bakal na parang tubo, bingo nakakuha na ng isang kilo. Hindi naman natin halata iyon na mga mamimili. (Hindi naman lahat pero kadalasan)
    1. Kailangan iwasan ang magpautang, mayroon ka dapat itakdang limitasyon – minsan ay hindi maiwasan pero nasa iyo ang control. Nasa tamang pagpaliwanag lamang. Alam natin na marami din naman ang abuso.
    1. Kuha mo, kuha ng anak mo, kuha ni nanay/tatay at ni kuya lahat ng kasama mo sa bahay, ilista mo at kailangang bayaran.  Ito ang kadalasang nangyayari kaya nalulugi ang mga maliliit na negosyo. Kontrolin ulit. Isipin ninyo na kunyari ay bumibili rin kayo sa labas.  Mayroon kayong budget para diyan, galing sa padala ng iyong asawang OFW. O kahit hindi kayo belong sa OFW families.
    1. Si Mrs. ang nagbabantay, hands-on at naaasikaso pa ang mga bata, kaya walang expenses na tulad ng suweldo sa tindera o helper. Wala ka ring upa dahil sa bahay n’yo lamang ito.
    1. Tutukan ang kaha kailangan ang inventory- ito ay kapag ipinagkatiwala sa isang kamag-anak o kapatid o kahit sa isang katiwala lang.  Experienced ko ang kahit na anong bait ang pera ay tukso.  Kaya ugaliin ang inventory system (minus at plus lang ang formula)
    1. Mag save/Alkansya- Halimbawa meron kang benta na P2,000.00isang araw. Compute mo sa 25% kunyari ang patong mo base sa taas. Kumikita ka ngayon ng P500.00/day.  Less mo ang kuryente dahil gumamit ka ng 2 ref  na umaabot sa P1700.00/mo..  P56.66/day.  Helper 2500/mo.  P83.33/day.  Total expenses mo sa 1/day ay 139.99 or P140.00 mo na.
                        P 500.00 gross income
                       –  140.00  helper/kuryente
                          ———-
                        P 360.00/day net income
                           150.00 – ihulog sa alkansia/ kada mapuno deposit sa bangko
                           ———-
                       P 210.00 – pandagdag mo na pambili ng ibang produkto na ititinda mo sa iyong sari-sari store.
Dumami at namumulaklak na ang iyong tindahan sa dami ng nakasabit at naka display, mayroon ka pang naiipon na P4,500.00 isang buwan. Pag uwi ng iyong asawa 6months contract, meron ka nang ipon sa alkansia P27,000.00.  Lalo pa itong lalaki dahil, dumami na ang laman ng iyong tindahan mas dumami ang bumibili, mas madami ang benta mas malaki ang tubo.
P 108,000.00 naman kapag 2years ang contract mo. Plus magaling ang iyong asawa magbudget kaya meron pang savings na halimbawa 1k monthly galing sa iyong remittance.   Madali na kayong mag asawa makakaipon, at makapag -isip ng ibang investment, at maaring pagtuunan ninyo pariho ng atensyon at maaring hindi mo na kailangang maging OFW habambuhay o sa matagal na panahon.
At habang nasa abroad o kumikita, sikapin na maghulog sa SSS para kapag 60year old na kayo pariho, meron kayong inaasahang pension na hindi bababa sa P2500 isang buwan bawat isa.  Depende sa boluntaryo mo na declare, kung magkano ang income mo.  Meron katumbas na bracket ng premium o hulog mo monthly.  Kailangan maka 10years ka ng hulog or 120 months.
Part 2 abangan ang “Business Plan” at ibang detalye ng Feasibility study na aking isasama sa Negosyong Internet. Kung magkano ba ang kailangang initial na puhunan at kung paano maka survive sa medyo nalalagay sa alanganing pinansyal sa aspeto ng pagne-negosyo.
Related article:
http://dorcenmm.blogspot.com/2012/07/sana-nga-para-for-good-na-ako-sa-pinas.html
Enhanced by Zemanta