Sana, May Visa Rin ang mga Bagyo

 Tanong ng Immigration sa mag-aabroad na kababayan:

 

Immigration: Ano’ng gagawin mo roon?

Pasahero: Visit visa po

Immigration: Sino’ng pupuntahan mo doon?

Pasahero: Kamag-anak po

Immigration: Nasaan ang dokumento mo?

 

Kulang ng dokumento si Kuya…..

Immigration: (Tatak) Denied!

……….

Immigration: What you will be doing here in the Philippines?

Tourist: I just want to visit your beautiful island, its scenery and its majestic glam.

Immigration: Documents please? booking, itinerary etc.

Tourist: Here are the documents….

After checking….

Immigration: (Tatak) Welcome to the Philippines! Enjoy!

Photo credit: clipartxtras

……..

Ito na ang kadalasang trabaho ng mga immigration officers sa Pilipinas. Either denied or approved. May pagkakataon din na bago ka makalabas ng bansa, kailangan mo ng mahaba at konkretong explanation para lamang makaalis. O meron din namang magbayad ka na lang sa mga opisyal (just what we did!). Less hassle, less tanong at dahil sa suhol sa iilan may nakaahon na namang buwaya sa ating lipunan (oopppsss… tabi tabi po…)

No choice! Greener pastures ang hanap natin, pagkain ng pamilya at seguridad ng edukasyon at kung ano mang sariling dahilan kaya umaalis tayo at nangingibang bayan. Naranasan naming minsan ang ma-deny ng immigration officer noon: tama lahat ang dokumento pero para sa mata nila kulang pa rin. Ganun pa man, sa haba-haba ng pakiusapan, nakaalis rin dahil sa hinalukipkip nag into sa kanilang kamay.

Sa arriving passengers naman at sa tourists, medaling makapasok sa Pilipinas, kung kumpleto ang dokumento mo at papeles. Mas maraming arrivals mas “It’s more fun in the Philippines”. Mas may income¸mas makikilala ang bansa. Mas may oportunidad at mas gaganda ang buhay ng mga Pilipino dahil na rin sa ibang investors na mamumuhunan sa bansa.

………

Ngunit, subalit, datapwat, kung ang pangalan ng papasok sa ating bansa ay Uring, Angela, Haiyan, Winnie, Nitang, Frank, Reming, Sendong, Bopha, Pepeng, Pedring, Ondoy, Ruping, Rosing, Kadiang, Juan at Loleng siguro naman matakot na tayo na huwag silang papasukin sa bansa. Kailangan din nilang dumaan sa immigration, DENIED ang pagpasok nila sa bansa. Matakot na ang mga immigration officers para di na nila palampasin. Dahil dalawa lang ang pwede nilang gawin: ang maminsala at mandurog ng puso ng bawat Pilipino.

Ang mga pangalang ito ay ilan lamang sa mga mapaminsalang delubyo na dumating sa ating bansa sa nakalipas na dalawang dekada. Nakita natin kung paano lamunin ng rumaragasang tubig, umiindayog na hangin at umiimbabaw na ulan sa pagpasok nila sa bansa. Kung totoong tao lamang siguro sila, na katulad din ng ibang lahi na nagdadala ng droga sa Pilipinas o kahit anong threat sa humanity at security…. Talagang Denied ang pagpasok nila sa Pilipinas.

Ang mga bagyo na siguro ang bisitang ayaw ng lahat na makita na papasok sa PHL area of responsibility!

Nakakadudurog sa puso ang makita ang mga kababayang walang kalaban-laban noong pumasok at umalis ang bagyo. Halos parang magnanakaw ng limasin nila ang lupain. Halos para silang napakaling dagat na lumalamon sa bansa.

Buti na lamang, may kagyat na aksyon ang gobyerno at mga ahensa kung paano tayo maghahanda. Masasabi ko ngayon na mas maayos na ang “PAG-ASA” sa Pilipinas – ang ahensyang nagsasaayos at nagbibigay ng datos ng panahon. Napaghandaan ng bayan ang dumating na pagsubok sa mga nagdaang buwan at araw. Ang kanilang kagitingang maghatid ng ulat panahon ay talaga namang kabilib-bilib.

Pero kahit na anong galing ng bansa sa paghahanda, kung ang Inang Kalikasan na ang nagbanta, wala na tayong magagawa kundi tanggapin ang hatol at harapin ang bagsik na dulot ng kalamidad. Kung wala ang mga mata ng weather bureau malamang lumubog na ang Pilipinas¸maging ghost country ito sa hinaharap.

Photo credit: Chapala Law

Sana ang bagyo may VISA. Na sana bago kayo pumasok ay mas maihanda kami. Para mas maprotektahan namin ang mga tao dahil threat kayo sa security.

Sana ang hiling ng lahat ay malusaw ang kalamidad bago pa ikaw tumama sa lupa.

Sana may makapigil sa banta nilang mas masahol pa sa teroristang aatake sa atin. Ang bagyo ay mamamatay-tao.

Na nanaaisin ng lahat na may regulasyon ang pagpasok nila sa bansa.

Na sana sila ay makontrol ng madla. Na sana ma-`deny lagi ang VISA nila.

Na sana hindi matatakan ng immigration officers ang pasaporte nilang magkakamal ng libu-libong buhay ng mga Pilipino.

Na sana ikulong din sila kapag nakagawa ng mali.

Na sana kung bibisita sila sa Pilipinas ay liwanag ang kanilang dala-dala.

Na sana ang bakasyon nila sa Pilipinas ay mag-iiwan ng maganda at may ngiti sa lahat.

Masarap mangarap na sana ganito kadali ang lahat. Sana si Papa God, siya ang magtatak sa pasaporte ng bagyo, kung denied o approve ang pagpasok nila sa atin. Alam ko pagsubok lahat ito, mahal ng Diyos ang tao.

Photo credit: Indonesia Expat

Sa tingin ko, may gustong ihatid na aral at turo ang mga bagyong gustong bumisita sa atin. Hiling na lamang siguro sa mga bagong papasok sa Pilipinas:

Mga Tao,

Hindi namin ginusto ang mga nangyayari ngayon sa mundo, kami ay kalikasan din lang na nasasaktan. Nasusugutan dahil sa kapabayaan ng iilan. Hindi namin ginusto na maghasik ng lagim, gusto naming ipadama sa inyo kung gaano na nahihirapan ang daigdig. Pagpasensyahan nyo na ang pwersang pumuno sa amin. Ang pwersang nararamdaman nyo ay hindi namin kasalanan. Gusto man naming lumihis pero hangin lang kaming umiikot at walang control ang aming galaw. Gusto kong ipadama na…. “Alagaan nyo din naman kami pag may time”

PS: Apektado din kami ng climate change

Sa liham na ito siguro ng bagyo ang tanging ma-isasagot ko:

Dear Bagyo,

Naiintidihan namin ang inyong sintemyento. Huwag na tayong magturuan kung sino ang may kasalanan. Pero tao lang din kami, nilalang kagaya nyo. May mga bagay siguro na hindi nyo kayang unawain. Ganoon din naming kami sa inyo. Mahal namin ang mundo at mas mahal ko ang kababayan ko. Ayaw ko na nakikita silang nahihirapan. Nakikita nyo ba ang kalamidad na naidulot nyo. Oo, responsibildad namin ang mundong ito PERO hindi namin deserve ang ganitong bagay. Ayaw namin na manikluhod lagi kami na sana ay umalis na kayo. Hindi nyo maiialis na magalit sa inyo, bagyo. Ang lakas nyo…., hindi namin kaya. Tinanggap namin kayo dito. Walang issuance ng VISA nakapasok kayo. Pero sana naman, umayos kayo… pag may time…

 

PS: Tatanggapin namin kayo, approve man o hindi ang VISA nyo….  pero bigyan nyo kami ng ngiti… Kahit konti lang.

 

Haaays… sana may VISA rin ang mga bagyo.