San Juan City, Nangunguna sa Kampanya Kontra Droga sa Metro Manila

Nakuha ng lungsod ng San Juan ang unang karangalan sa isinagawang City/Municipality Anti-Drug Abuse Council Functionality Audit ng Department of Interior and Local Government – National Capital Region para sa taong 2017.

Ang magandang balita ay masayang ibinahagi ni Vice Mayor Janella Ejercito Estrada sa kanyang opisyal na Facebook account noong December 5, 2018.

“So proud to have bagged FIRST PLACE in the City/Municipality Functionality Audit for 2017 awarded by the DILG-NCR. Maraming maraming salamat po sa isa na namang parangal at pagkilala para sa ating anti-drug campaign sa ating Dakilang Lungsod ng San Juan. Another award for our fight against illegal drugs!”

Si Vice Mayor Estrada ang tumatayong Chief Operating Officer ng City Anti-Drug Abuse Council sa lungsod ng San Juan simula pa noong October 2016. Kanyang sinimulan ang programang Rehab sa Barangay na siyang nagbigay-daan sa mahigit apat na raang mga San Juaneno upang makapagbago at makapagsimulang muli.

Naging bahagi rin ng programa ni Estrada ang Mandatory Drug Testing and Monitoring, Eskwela Kontra Droga, Barkada Kontra Droga, Drug Free Workplace, Drug Free Households, at Drug Clear Barangay.

Kamakailan lang ay nagsawa rin ng ikalawang Anti-Drug Summit ang San Juan City sa pangunguna ni Mayor Guia Gomez.

Ang audit na napagtagumpayan ng lungsod ng San Juan ay programa ng Department of Interior and Local Government upang masiguro na ang lahat ng local anti-drug abuse council (ADAC) sa buong bansa ay nakikipagtulungan sa kampanya kontra droga ng pamahalaang Duterte.

Kabilang sa mga batayan ng DILG ay ang mga sumusunod: pag-oorganisa ng local ADAC, pagsasagawa ng quarterly meeting, paglalaan ng pondo para sa pagpapatupad ng mga gawaing may kaugnayan sa kampanya laban sa droga, pagpapatupad ng mga plano at programa ng ADAC, pagsuporta sa ADAC, at pagkakaroon ng mga makabagong ideya para sa mga proyekto.

Bukod sa mga kinatawan ng DILG, ang audit team ay binubuo rin ng mga representate ng Philippine National Police, Philippine Drug Enforcement Agency at mga civil society organization.

About OneSanJuan

Si One San Juan ay naglalayong pagbuklurin ang lungsod ng San Juan at panatilihin ang pag-ibig at pagkakaisa ng mga mamamayan