Samantalahin mo habang mahal kita– Lihim ng isang BESTFRIEND

Lumaki ako sa paniniwala na kung ano ang nasa isip mo, sabihin mo. Pero habang nagkakaedad ako, napagtantuan ko na may mga piling bagay na kahit pwedeng sabihin, mas makabubuting h’wag na lang. Lalo na kung hindi akma sa sitwasyon.

 

1492_328218050643459_2093857818_n

Dear Bestfriend,

Kuntento na ako sa kung anuman na pwede mong ibigay sa akin. Hindi kita pipilitin na mahalin ako tulad ng pagmamahal na ipinapadama at ibinibigay ko sayo. Hindi ka makakarinig ng kahit na anong demands mula sa akin. Kasi mahal kita.

Kahit nasasaktan mo ako ng hindi sinasadya, okay lang. Kasi hindi mo alam. Kahit parang dinudurog ang puso ko sa t’wing magkukwento ka ng tungkol sa kanya, ayos lang. Tatanggapin ko na lang. Kasi mahal kita.

Kahit na unfair nung sinabi ko sayo na importante ka sa akin at sabihin mong special ako sa’yo, okay lang. Kung yun lang naman talaga ako para sa’yo. May magagawa ba ako?

Samantalahin mo habang mahal kita. Kahit anong sakit pa ang iparanas mo sa akin kaya kong tanggapin. Kasi mahal kita. Pero sana tandaan mong tao lang din ako. May kahinaan. May pangangailangan.

Samantalahin mo habang sa’yo pa umiikot ang mundo ko. Habang ikaw lang ang laman ng puso ko. Habang nandito pa ako para sa’yo. Habang kaya ko pang tiisin lahat ng sakit na dinudulot mo.

Darating ang araw na mapapagod din ako. Magsasawa. Matatauhan. Magigising sa katotohanan. Makakahanap din ako ng taong magmamahal sa akin. Tao na ipaparamdam sa akin lahat ng bagay na hindi mo kayang gawin.

Pagdating ng araw na yon, makakalimutan ko rin na minsan minahal kita ng higit pa sa isang kaibigan. At pag nakita mo akong masaya na sa piling ng iba, sana iyong maunawaan.

Sincerely,

Your Bestfriend who loves you secretly

About bellecruz

“Be who you are and say what you feel, because those who mind don't matter, and those who matter don't mind.”