Salamat sa Pinoy at Asian Shops…..

Image courtesy of http://sosyalera.net
Image courtesy of http://sosyalera.net

Kung ikaw ay isang Pinoy na mahilig kumain ng tuyo, tinapa, bagoong at chicharong baboy o nakasanayang gumamit ng papaya soap, Amira, Salonpas at liniment,alam kong makaka-relate ka sa artikulong ito.

Sa ating mga malayo sa ating bansa, lalo sa mga unang taon,isa sa mga hanap natin ang mga bagay na nakasanayan na. At ang unang sulyap sa isang tindahan na nagbebenta ng mga bagay at produktong nakasanayan na natin ay nakakapagbigay sa atin ng feeling of satisfaction baga.

Maswerte ang maraming kababayan sa Amerika at open sila sa pagdadala ng mga food items na galing sa atin papunta sa kanila,ganoon din sa pagtatatag ng mga shops na exclusively mga Pinoy items lang ang binebenta. Though marami pa ring mga bansa gaya ng England (o at least according sa isang kaibigan ko na nandun) at ilan pang bansang may mga Pinoy na kung saan wala silang pwedeng maipasok na o mabilhan ng mga produkto natin dahil sa higpit ng customs at importation regulations.

Ilang taon mang mamirmihan sa ibang bansa ang isang Pilipino, lalo na yung mga hindi nakakalimot kahit kailan sa bansang pinagmulan nila, lagi nilang hahanapin ang mga lasa, amoy, texture at iba pang mga bagay na nakamulatan nila.At maraming bagay na mabibili mo sa mga Pinoy shops will remind them so much ng mga bagay na nakasanayan na nila, kahit mas mahal pa sya kung tutuusin sa peso.

‘Yun nga lang, kelangang medyo tiisin na ang mga dried at smoked fish mo ay naka-fridge, ang saluyot, malunggay at pati saging na saba e frozen,ang gata mo e canned,at ang pandesal mo e prepacked na at di galing sa pugon.Ganun talaga e.

At salamat din sa mga Chinese na may mga shops sa ibang bansa,ang anumang di natin makita sa Pinoy shops e napupunuan nila.Minsan nga yung ilang mga produktong galing sa atin e tila mas mura pa pag sa kanila binili. Sa kanila ka rin makakabili ng ilang fresh na mga gulay at isda na medyo kilala natin gaya ng sitaw,upo, kangkong, patola, tilapia atbp.

Personally,a piece of Pinoy haven ang mga shops na ito para sa akin.Sa isang kagaya ko na nahirati nang kumain ng sardinas, tuyo, tinapa, danggit at ilan pang simpleng pagkaing Pinoy at alam kung paano gamitin ang tawas, mansanilya at mga produkto ni Belo, malaki ang pasasalamat ko na sa kinaroroonan ko e may mga lugar na pwede kong puntahan para mabili sila.Sila ang isa sa aking “home away from home”.

Kaya salamat sa kanila for bringing a piece of home sa mga gaya naming malayo sa bansang sinilangan.

About SisangGala

Isang Pinay sa Australia,may asawa na naniniwalang dapat kong ipagmalaki ang pagiging Pilipino at ina ng apat na anak.