Salamat, DFBI..

DFBI familySa ilang buwan na pananahimik ko, it doesn’t mean na nalimutan ko ang pagsusulat. Sa bawat lugar at taong nakikilala ko sa aking paglalakbay, sa bawat kasiyahan o kalungkutan man sa aking buhay may mga letrang tumatahak aking isipan, di ko man ito naisusulat sa isang papel gamit aking ballpen o na i-type ko sa aking laptop.. andito lamang siya sa aking utak at ang tanging nais ay maibahagi sa mga taong minsan ay sumabaybay sa aking mga blogs…. Siguro’y naging sobrang busy ako sa aking pamilya at hinayaan ko munang namnamin ang kasiyahan na kasama ko sila… At sa bawat kasiyahan na iyon sa isang banda ng aking isipan kayo’y kasama at gusto kong maramdaman n’yo ang aking kasiyahan na nadarama.

Sa mga taong naging kapatid ko at mommy ko dito sa Definitely filipino, di ko man sila nakikita pero ‘yong instinct at relasyon natin ay di ko malilimutan at ramdam ko ang pagiging tunay ‘yong kapuso man o kapamilya. Isang taon na pala ‘yon ng maging online mommy ko si Mommy Joyce, chat, text, call at nagkita na rin tayo kasama ang anak kong si Monette. Karamay ko sa lahat ng bagay lalo na sa pagiging Ina kay Jelo.. Ang mga kapatid kong si Ice, Rob, Monette, Jovy, Dhors and Racks.. Bawat isa sa inyo ay malaki ang naitulong kung ano ako sa ngayon sa aking pamilya,career, business at bilang asawa at Ina.

Grabe ang naging relasyon natin, nagsimula sa lima, ngayon ay napakarami na. Pinagmamalaki ko na ako’y bahagi ng DFBI. Di n’yo lamang alam kung gaano ako ka-proud sa bawat achievements ng bawat isa sa inyo.. Daig ko pa ang kandidato sa darating na election sa pagpromote at pagbabahagi ng inyong mga karangalan at mga librong naisusulat. Kung ‘di man ako nakadadalaw sa ating online na bahay, ‘di na kayo mabubura sa aking puso’t isipan.. nandito na kayo! ‘yon oh naka-tatoo na.. LOL! Pagnami-mimis ko ang bawat isa, mag-personal message na lang ako, kaya huwag kang magtaka kung bigla na lang akong nasulpot sa inbox mo.. namimis lang kita!

SA LAHAT NG DFBI.. HAPPY ANNIVERSARY! ISANG TAON NA TAYO… DFBI ROCKS!!!

About Angela

isang babae na may positibong pananaw sa buhay, mapagmahal sa asawa't anak, madaling umiyak at madali ring mapatawa. May misyong gumawa ng mabuti sa bawat araw sa kapwa kahit sa maliit na pamamaraan man o malaking bagay... Isang ngiti mo lang may pinasaya ka na nakapaligid syo... Masarap mabuhay ng may pagmamahal!