Sabi ng Isa, Sabi ng Kabila

1/28/2014 12:57:11 PM

 

http://amazingnews.ph/

Nakalilito na. Mabuti na lang ay hindi ako bumibiyahe sa oras na sinusualt ko ito dahil sa malamang, kulang pa ang Bonamine at kung ano pa ang mga gamut na pangontra hilo para dito.

Pero nakalilito nga ba ang mga pinagsasabi nila? Sino ba sa kanila ang nagsasabi ng totoo?

O SADYANG ‘OVERLY BLOWN OUT OF PROPORTION’ NA ANG LAHAT NG ITO? Tama, OA na kung sa OA.

Sabi ng isa, pumunta lang siya. Sabi naman ng kabila, inimbitihan.

Nasuntok ang sikat na artista. Na-ospital dahil dun. Ang buwelta naman ng kabila, nagtangka siyang manggahasa sa isang babae dun. At ‘citizen arrest’ lang ang mga nangyari.

Ito ang problema: kung nangrape si Vhong Navarro, bakit hindi nakalock ang pinto? Ano ‘to?  Na hindi siya nakapagpigil? Ganun?

Citizen arrest lang daw ang nangyari? Pero ayon kila Cedric Lee, nagtatangkang pumiglas si Vhong kaya tinalian nila ito gamit ng duct tape.

Teka, saan nga ba ginagamit ang citizen arrest? Saka kung sasaklawan ang mga ito, dinadala sa presinto ang sino mang gumagawa ng katarantaduhan. Hindi ito sinasamahan ng kung anu-anong physical struggle. Ganun? Pero napakakumplikado lang, depende siguro sa sitwasyon kung paano ieexecute talaga ang citizen arrest.

Attempted rape ba? Pero teka, bakit hindi nagpamedico-legal si Deniece Cornejo? Di ba madalas na SOP sa ganun kung masyado kang nasaktan o masyado kang naharass, ke magpapablotter ka lang, nagpamedico legal pa?

Dahil inurong ba ang reklamo? Ganun? Nagpablotter ka pa. Pero sabagay, parang ang dating niyan ay sa susunod na magaganap ulit ang pagkakataong ito, ikaw ay masasakdal sa pangalawang pagkakataon.

Ganun? Pero still ebidensya mo pa rin eh. Pruweba.

Bakit hindi rin nagpamedico-legal si Vhong? Hmm, pero teka, ‘di rin ba sapat ang itsura niya sa ospital? O baka naman may hihirit ng “baka make-up lang yan.” At ang tell all interview niya? Alam kong nagdrama siya minsan, pero I doubt it this time around. Nah.

Yung anggulong attempted rape. Yung report dun, biased nga ba? Ewan ko. Maaaring bobo din ba ang mga manonood? Mas maaari din, considering na malakas ang kapangyarihan ng media. Madaling makapagpa-impluwensya ng tao.

Eh kung sa ‘yun ang source nila eh. Ang tanong nga lang ay “pirma nga ba ni Vhong yun?” Sapat ba ang ebidensya ng mga litrato ng kanyang pagkakahuli diumano sa police station?

Kaya para sabihin na worst network ang siyete ay isang malaking kagaguhan. Ganun din sa side ng dos at singko, at kung ano pang network diyan. Network wars should be put aside, at sinumang ogag na magsasabi na “asus! Dos versus Siyete na yan!” ay obiviously, isang gago. Palibahasa, nagpapakababaw. Nagpapakasasa sa mga bagay na nakikita nila. Palibhasa na-inject sila ng virus na kung tawagin ay “mainstream.”

Nalito ka ba? Ako din eh.

 

Click here to read the entire article.

Author: slickmaster | (c) 2014 september twenty-eight productions
Enhanced by Zemanta