“Sabi ng Diyos…..IKAW ANG IBIGIN KO”

jesustalking
Photo Credit :bocsupportnetwork.com

SABI NILA , TULOG PA ANG DIYOS….. at kasalukuyan pa lang tumitilaok ang mga manok sa madaling-araw ay gising na si Rebecca at nakahanda nang lahat ang dadalhin niya sa opisina. Siya ang kauna-unahang empleyadang pumasok sa opisinang iyon at tuloy-tuloy na siya sa kanyang office table sa harap ng kanyang computer at medyo nilinis-linis nang bahagya at tapos nagsimula nang tumutok sa trabaho.

‘Ika niya ay para maaga siyang makatapos sa tambak na trabahong nakaatang sa kanya .

Dati kasi ay halos inaabot siya ng eight to nine ng gabi para makatapos siya .

KUNG ANO ANG SIPAG AT DEVOTED NIYA SA PAGTRATRABAHO ay kabaligtaran naman ng kanyang mga ka-office mates na bago magsimula sa trabaho ay katakot-takot na kuwentuhan at tsismisan muna ang inuuna at dito na rin nila itinutuloy ang pagme-make-up na di nila natapos sa kani-kanilang bahay.

Alam niya….kasama doon sa pinagtsitsismisan ay ang buhay niya at patay mali na lang siya at wala siyang pakialam….ang mahalaga daw ay maaga siyang makatapos at ng pagdating ng alas sinco ng hapon ay dire-diretso na siyang makauwi sa bahay .

Masasabing mapalad na siya sa kanyang tinataglay na personalidad …matalino, mataas ang pinag-aralan at may matatag na trabaho . May magandang kutis ng balat na mamula-mula at hubog ng katawan na parang coca-cola at magandang tindig at smarteng pagkilos na nakapagbibigay na karagdagang paghanga sa kanyang pagkatao . Pero sa kabila ng kagandahang ito ay pinapapangit ang kanyang personalidad ng isang kapintasang tinataglay niya na SARAT NA ILONG NA MAY DALAWANG MALALAKING BUTAS .

NA SANHI NITO ay di niya maiharap nang husto ang kanyang sarili at nahihiya sa kanyang mga kaibigan at mga kakilala dahil sa kapintasang ito . At dahil dito ay nagkakaroon siya ng inferiority complex at umiiwas siyang maiharap ang kanyang mukha at makatapos sa pagtratrabaho ay tuloy-tuloy na siya sa pag-uwi at kahit may mga okasyon na inbitado siya ay iniiwasan na niyang makihalubilo sa mga kaibigan .

MISTULANG GALIT SIYA SA MUNDO. Napipilitan lamang siyang makihalubilo kapag may mga inportanteng okasyon ang kanilang opisina at pag attend sa mga semi-seminar .

Sa lahat ng mga kababaihan sa opisinang kanyang pinagtratrabahuhan ay tanging siya na lamang ang natitirang wala pang boyfriend at walang naglalakas-loob at nagnanais na siya’y ligawan . Hindi sa nag-aalangan sa taas ng katungkulang hawak niya kundi sa taglay niyang kapintasan .

IKA PA NG MAPAGBIRONG MGA KALALAKIHAN….takpan lang daw ang ilong ay okey na sa kanila .

SA PAGLIPAS NG PANAHON ay isinantabi na niya ang ngalan ng pag-ibig at itinuon na lang niya ang buong buhay niya sa pagtratrabaho.

PERO BILANG ISANG BABAE ay di niya maiwasang tumibok ang kanyang puso at umibig ng lihim sa isang lalake at naghahangad na maging isang ina ng kanyang magiging mga anak . At ito’y sinasarili na lang niya ang labis niyang paghanga sa isang lalakeng hinahangaan niya at lihim na iniibig at itinatangi sa kanyang ka-opisinang si JAYCOB .

Hindi tuloy niya maiwasang maawa sa kanyang sarili at mainggit sa kapwa niya babae kapag nakakakita siya na maligayang-maligaya sa piling ng minamahal .

SAMANTALA si Jaycob na ka-opisina niya ay binata pa rin at marami ang kababaihang humahanga sa kanyang kaguwapuan at naghahangad na maangkin siya.

Ganonpaman sa dami ng mga babaeng labis na nahuhumaling at naghahangad sa kanya ay ni isa man dito ay wala pa siya mapiling ihahatid niya sa altar. Marami tuloy na kapwa niya kalalakihan ang nanghihinayang sa kaguwapuan nito. Kung sa kanila lang daw napunta ang kaguwapuang iyon ay marahil ay magsisipila ang mga babae sa kanila .

Ganito ang maririnig mo

“PARE NAMAN …EH SAYANG NAMAN ANG KAGUWAPUAN MO…..hindi ka ba nanghihinayang sa mga magagandang chicks na nahuhumaling sayo at ayaw mong patulan”…..ito ang laging sinasabi ng kanyang kabarkada at di naman nakakaila ke Rebecca na lagi niyang nadidinig.

Pero si Jaycob ay isang simpleng binata at ayaw niyang samantalahin ito at siya daw ay may takot sa Diyos at ayaw niyang mang-aargabiyado dahil siya man daw ay maraming pamangking babae at ayaw niyang mangyari din ito sa kanila . At siya ay hindi naghahangad na makapag-asawa ng maganda, basta’t makakasundo raw niya kahit walang hitsura ay papatusin niya.

Lihim siyang may pagtatangi ke Rebecca dangan nga lang ay di siya magkaroon ng pagkakataong sabihin niya ito dahil sa tuwing lalapitan niya ito ay iniiwasan siya . Alam niya ang kapintasang iyon ni Rebecca, pero hindi siya naghahangad sa magandang panlabas na kaanyuan ng isang babae kundi ang mahalaga daw sa kanya ay ang kabaitan nito at siya ang itinitibok ng kanyang puso .

ISANG ARAW NG LINGGO ay gulat na gulat at di makapaniwala si Rebecca na dinalaw siya sa kanilang bahay ni Jaycob .

“H A ! BA-BAKIT KA NAPASYAL DI-DITO ?”..ang kabang-kaba at kabog ng kabog na dibdib ni Rebecca.

“H A ! EH BAKIT masama bang dalawin kita….me-me nagbabawal na ba?”…ang sagot naman ni Jaycob.

“AH EH WA-WALA….ka-kaya lang eh hindi ko naman birthday ngayon at wa-wala namang okasyon para ka makaisip puntahan ako”.

“HA! eh ka-kasi me nag-utos sa akin na puntahan ka dito”.

“HA! SI..SI BOSS BA…..ba-bakit me problema ba sa opisina?” ..ang naragdagan pang kaba nito

“AH EH WALA… pero inutusan ako ng mas mataas pa sa ating boss……ang medyo pagbibiro pa nito .

“HA! ang Chairman ba ng ating kompanya?” .

HA, HA, HA….. “HINDI”…..ang tawa ni jaycob ng makita nitong parang namumutla ito at iniisip na may nagawa siyang di tama sa kanilang opisina.

Maya-maya ay biglang naging seryoso si Jaycob

“ME….me sa-sabihin sana ako sayo….. wa-wag ka sanang mabibigla”

“HA! ba..bakit ako mabibigla…MA_MASAMA BA?” ang patuloy na pagkaba ni Rebecca

“EH KA-KASI…….inuutusan at pinapunta ako ng Diyos sayo?”

“H AA! NAKAUSAP MO AT PINAPUNTA KA NG DIYOS ?”..ang halos di makapaniwalang si Rebecca

“OO at ang sabi ng Diyos….. IBIGIN DAW KITA”…..ang diretsahan na niyang sinabi ito.

“H A ! OH DIYOS KO”…..

HALOS HIMATAYIN SI REBECCA SA KANYANG NARINIG . Sa tanang buhay niya at magmula ng siya’y maging teenager ay ngayon lang may nagsabi sa kanya na iniibig siya ng isang lalake at nataon pang ito ang lalakeng lihim niyang minamahal .

Matagal silang hindi nagkibuan at pareho silang hindi makatingin at nakikiramdam sa isat isa .

Maya-maya ay si Rebecca ang unang nakapagsalita .

“HA EH BA-BAKIT A-AKO PA ANG NAISIPAN MONG BIRUIN ? ……si-siguro ay nagkatuwaan kayo ng iyong mga kabarkada at nagkapustahan kayo na madali mo akong mapapaibig…..da-dahil ba sa alam mong wa-wala pa akong boyfriend at nasasabik akong magkaroon ng boyfriend ?”.

“HA HINDI TOTOO YAN…..wa-walang kinalaman ang mga kaibigan ko dito at totoong mismong ang Diyos ang nag-utos sa aking ibigin kita” …agad-agad na sagot ni Jaycob.

“HA SINUNGALING…. HINDI AKO NANINIWALA SA SINASABI MO…PINAGPALA KA BA AT NAKAKAUSAP MO ANG DIYOS?….at saka napakaraming mga magagandang babae sa paligid-ligid diyan at ako pang may malaking kapintasan ang nagustuhan mo at isinangkalan mo pa ang Diyos upang ako ay biruin”.

“PE-PERO…totoong sinabi ng Diyos na IKAW ANG IBIGIN KO.…ma-maniwala ka sa akin” …ang muling giit ni Jaycob.

Magsasalita pa sana si Jaycob ay iniwanan na siya ni Rebecca at dali-daling pumasok sa kanyang kuwarto .

Umuwing lulugo-lugo si Jaycob

Sa pag-alis ni Jaycob ay nag-uumapaw naman ang kaligayahan ni Rebecca. Hindi niya sukat akalaing pagtuunan siya ng pansin ng lalakeng lihim niyang minamahal. Sa idad niya ngayong 27 years old na di pa nakakatikim kaylanman na magmahal at ibigin ng isang lalake ay ngayon lang naging ganap ang kanyang pagkababae ng may nagsabing iniibig siya .

Pero saglit lamang ang kanyang tuwa dahil inisip niyang nakatuwaan lamang siguro siya ng mga kabarkada nito na biruin siya at di totoong iniibig siya nito . At siya ay isang dalagang Filipina na pinalaki ng kanyang mga magulang sa makalumang kaugalian na gusto na ang lalake ay nagpapakipot pa kahit nagkataong talagang umiibig siya ng lihim kay jaycob ay di pa rin niya magagawang magpahalata

Kinalunesan ay di magkandatuto si Rebecca sa kanyang pagtratrabaho at ang nasa isip niya ay si Jaycob.

At nililingap-lingap ni Rebecca si Jaycob kung pumasok na pero ni anino nito ay di niya nakita.

Sumunod pa ang isang araw at nasundan pa ng ilang araw at halos mag-iisang linggo na ay di pa rin pumapasok si Jaycob .

Nag-aalala na tuloy si Rebecca na baka raw ano na ang nangyayari sa kanyang lihim na minamahal. Hindi naman siya makapagtanong sa kanilang HRAD kung may sakit ito at lalong hindi naman siya makakapagtanong sa kanyang mga kasamahan sa opisina at baka itanong sa kanya kung bakit niya itinatanong at hinahanap. …at ano raw ba ang isasagot niya .

HINDI NA SIYA MAPAKALI…..hinahanap-hanap na niya si Jaycob alam niya noon pa man ay may gusto na siya at lihim na may pagtatangi ke Jaycob at ngayong nagtapat naman ito ng pag-ibig sa kanya ay palalagpasin pa raw ba niya ito at talaga namang mahal na mahal niya ang lalakeng ito.

Aalisin na niya ngayon ang kanyang pagka-mahinhin at kinaugaliang gusto na ang lalake ay nagpapakipot pa at susunod na raw siya sa uso ngayon.

Hindi na siya makatitiis at pupuntahan na niya ito sa kanilang bahay at baka lang maysakit ito at dadalawin na niya ito sukdang bumaba ang pagtingin ng mga magulang nito sa kanya.

At pagdating niya sa bahay nila Jacob

“HA!” ang nabiglang nanay ni Jaycob pero hindi siya nagpakilalang kasamahan sa trabaho

“ANG ANAK KO BA ANG HINAHANAP MO?… eh nandoon siya sa burol….Naku ewan ko ba sa batang iyan magmula ng mabigo sa babaeng kanyang minamahal ay naging malungkutin na…hayun at makikita mong salita ng salita ng walang kausap at laging sinasabing…SABI NG DIYOS AY IKAW ANG IBIGIN KO…eh kinakabahan na tuloy ako sa batang iyan at baka kako hinahangin na ang tuktok niyan….eh sino naman kaya iyong babaeng nagpapagulo ng kanyang isip?”.

“HOO!” ang biglang sigla ni Rebecca at halos liparin niya ang bako-bako at matatarik na burol makarating lang siya ke Jaycob .

Halos humihingal siya at nagkasugat-sugat pa ang mga paa niya sa talim ng mga bato at matitigas na lupang dinadaanan niya.

At ng marating na niya ang burol na kinalalagyan ni Jaycob

“HA! BA-BAKIT KA NARIRITO?” ang nabiglang si Jaycob

“HA eh di ba may kawikaan na KAPAG DAW DI KA RAW MAKARATING SA BUNDOK AY DAPAT DAW ANG BUNDOK ANG MAKARATING SAYO” .

“ H A ! ” ang di makapaniwalang magsasalita si Rebecca ng ganito at laking gulat namang si Jaycob

“OO NA MAHAL NA RIN KITA…..EH KASI ANG SABI NG DIYOS AY AKO NA ANG MAGPUNTA SAYO AT SABIHING MAHAL NA RIN KITA ”…ang walang kagatol gatol na sinabi ni Rebecca.

“ H A ! ….NA-NAKAUSAP MO RIN ANG DI-DIYOS AT SI…SI…SINABI RIN NG DIYOS IYAN?”

“O OO…. NA-NAPANAGINIPAN KO”…ang wala na ring gatol na sinabi ni Rebecca

Palibhasa ay nalaman na ni Rebecca sa ina ni Jaycob na kaya naging malungkutin ito ay dahil sa pagbigo niya dito at tiwala siyang mahal nga siya ni Jaycob at ngayo’y hindi na siya nangimi.

At sila’y nagyakap ng mahigpit na mahigpit at nagkalapat ang kanilang mga labing kapwa uhaw sa pagmamahal. At ang kanilang pinagtiis at kinikimkim na mga damdamin at pagmamahal sa isat-isa ngayo’y damang-dama na nila na wari’y nakakalimot at nadadarang na sila at nadadala na sila ng silakbo ng mga damdamin at di nila namamalayang tuluyan na nga silang nakalilimot.

At ngayo’y pawang mga ungol at mga daing na lamang at halos wala na silang nararamdamang ingay at di na nila alintana na baka may ibang taong magpunta dito sa burol na ito at makita sila at ang nararamdaman na lang nila ay ang tila nakakapasong init sa kanilang uhaw na katawang lupa na wari’y napagkit na sa mahigpit na pagkakayakap..

At nang mahimas-himayan ay kapwa sila hiyang-hiya at di makatingin sa isat-isa.

At ang unang nahimas-himayasan at nakapagsalita ay si Rebecca na maligayang-maligaya

“EH BAKIT BA NAMAN di ka na nagbalik eh alam mo namang sa mga titig ko at mga kilos ko ay talaga namang minamahal kita at nagpapakipot lamang ako. At ngayon ko napagtantong di ko na matitiis na di kita makita at talagang minamahal nga kita , kaya ako na ang nagpunta sayo”…

“HAA! EH HINDI MO BA NABASA SA MEMO… na pinapupunta ako ni Boss bilang proxy niya bilang representative ng ating kompanya sa Australia….eh nun chine-check up na ako ng doctor ay laging mataas ang blood pressure ko at di raw ako matutuloy kung ganito ng ganito at pinagbakasyon muna ako ng mahigit isang linggo at me ipinaiinom sa aking gamot na pang maintenance para maging normal muli ang pagtibok ng aking puso at muli daw akong che-check-up in ng doctor”.

“ H A ! DI-DIYOS KO….KUNG GANON….. DI..DI TOTOONG MAHAL MO AKO AT DI NAGING MALUNGKUTIN KA DAHIL LANG SA BINIGO KITA” .

“OH DIYOS KO….. DI KO YATA MATATAGALAN ITO” ang hiyang-hiyang si Rebecca

At biglang tumakbo ng tumakbo kahit na magkasugat-sugat at mahulog sa matarik na burol ay di alinta, makaalis lamang sa pagkakapahiya at di na niya alintana kung may nangyari na sa kanila.

“HINTAAAYY REBECCAA….. HUWAG MO AKONG IWAANN…..TOTOONG MAHAL KITAA”

Pero di na siya naabutan ni jaycob sa bilis ng pagtakbo nito

Kinabukasan ay si Jaycob naman ang nagpunta sa kanilang bahay at kasama nito ang kanyang mga magulang.

“HA! BA-BAKIT MO KASAMA ANG TATAY AT NANAY MO?” ang gulat na gulat na si Rebecca

“EH KASI MAMAMANHIKAN NA KAMI….eh kawawa ka naman….at kasi hindi ko hawak ang buhay ko at baka bukas o sa makalawa ay bigla akong maaksidente at mamatay na lang bigla ….. eh kangina ANG SABI SA AKIN NG DIYOS di raw niya ako tatanggapin sa langit kung sakaling akoy mamatay bigla hanggat di ko pinanagutan ang nangyari na sa atin”.

“HA!”

At ng ikasal na sila ay di maatim na magsalita si Jaycob na ngingiti-ngiti

“EH HONEY hehehe eh baka manatiling mamutawi sa isip mo at masabi mo sa ibang tao na kaya kita inibig ay dahil inutusan ako ng Diyos…..eh HINDI TOTOO YAN at baka mapagkamalan tuloy akong nasisiraan ng bait… eh ANG TOTOO NIYAN AY ANG PUSO KO LAMANG ANG NAGDIDIGTA NA IBIGIN KITA”….AT SAKA IKAW MAN, DI BA GAWA-GAWA MO LAMANG NA NAKAUSAP MO ANG DIYOS….DI BA?”

“HA! EH BA-BAKIT AKO…..EH TOTOONG KINAUSAP AKO NG DIYOS NA SABIHING MAHAL NA RIN KITA”

“HA!”

ANG TOTOO NIYAN….AYON SA ISINASAAD SA BIBLE….KAPAG MALAKI ANG PANANALIG MO SA PANGINOON AY TALAGANG MAKAKAUSAP MO NG PERSONAL ANG DIYOS .

…Wakas….

Photo Credit :http://bocsupportnetwork.com/the-god-plan-leading-you-through-the-maze-of-life-romans-828-30/

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.