Saan na ang katarungan? Inilipad na ata ng maraming bagyong nagdaan.

Sa dami na nag-daan na mga bagyo siguro talagang nilipad na ng hangin at inanod na ng baha ang katarungan sa Pilipinas. Pero isang tao parin ang umaasa na makakamit nya ito. Si Lauro Vizconde ay namantayan ng mga minamahal dahil sa mga taong halang ang bituka at kaluluwa.

Kahit hindi ko nakita at nasaksihan ang nangyari, lubos ang pakikiramay ko kay mang Lauro, sapagkat di lamang isa kong hindi tatlo sa kanyang pamilya ang lumisan. Ang tanong ko ngayon, nasaan ang katarungan? Ang katarungan ba ay para sa mga makapangyarihan at malakas ang kapit sa gobyerno la mang? Pa’no na lamang kong nag-iisa ka, gaya ni Lauro Vizconde? Lalaban ka din ba upang makamit mo ang hutisya?

Salamat sa mga artista at mga pulitikong tumolong kay Hubert Webb na makamit nya ang kanyang nais na lumaya. Tuwang-tuwa sa pagkat nakamit ang katarungan na hindi kanya. Lubos ang hinagpis ni mang Lauro, nawala ang pinaka-hawak-hawakan nyang pagasa.

Siguro mapagbiro nga ang panahon, biglang nawawala o kun’di ninanakaw sa’yo ang mga bagay-bagay na minsan ay sa’yo. Sana yong mga bagyo na dumaan ay maibalik ang mga kinuhang buhay ng mga walang kasalanan at inosinteng tao. Pero totoo ba talaga na sa bawat ulan ay sisikat din ang araw at matutuwa din ang mag taong puno ang lungkot at hinagpis sa buhay?

Sana nga!

25 Comments

  1. I rather be an idiot in spelling rather than a ignoramus in facts. Please don’t comment unless you know the facts about the case. Do you honestly think that the only victim is lauro? How about Webb et al? You conceive them as perpetrators but did they really kill them? If you answer yes why didn’t you testify in court. Your asking for katarungan but did you give that word to Webb et al. Think and gather facts before you speak.

Leave a Reply

Your email address will not be published.