Sa Paskong darating ….

(Photo Credit:  artblog.uso99.com)
(Photo Credit: artblog.uso99.com)

Ilang araw na lamang ay Pasko na! Countdown na!

Nung batang uhugin pa ako ay tuwang-tuwa ako sa tuwing sasapit ang buwan ng Setyembre dahil  maliban sa aking birthday ay palatandaan ko na ito ang hudyat ng paparating na Pasko. Ang paglalagay ng xmas tree, belen, xmas lights, parol at medyas ay mistulang naging  “bonding” namin ng aking lolo at lola. Halos lahat ng aming kapitbahay ay may palamuti sa harap ng kanilang bahay at ang iba pa nga ay tema ang dekorasyon para sa kapaskuhan. Mayroon kaming kapitbahay na pati bubungan nila ay nilagyan ng sangkaterbang xmas lights, sabagay kanya-kanyang trip lang iyan.

Ang Ayala Ave. sa Makati, Aurora Blvd. sa gawi ng Cubao at ang kahabaan ng EDSA ay kumikinang, kumikislap at kumukutitap sa gabi dahil sa kanilang mga nagbobonggahang dekorasyon. Pati mga department stores ay may kanya-kanyang gimik  at meron pang Santa Claus na pwedeng makasama sa kodakan. Ang COD  sa Cubao ay sikat sa kanyang mga makukulay na dekorasyon at manekin na gumagalaw. Kaya kahit tuwing gabi lang ito at nakakangawit panoorin ay dinadayo pa din namin dahil naging bahagi na din ito ng aming pasko.

Ika-16 ng Disyembre ay  simula ng simbang gabi, 9 na gabing pagsisimba na kapag nakumpleto ay magkakarun daw ng katuparan ang wish. Hindi naman ako nagwish kasi ang pagkain tulad ng bibingka at puto bungbong ang mas gusto ko. Nang maging teenager na ako ay mas na-enjoy ko ang simbang gabi dahil kasama ko ang aking mga kabarkada.

 

 

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.