Sa Pagtilaok Ng Manok (A Mother’s Story)

Bago pa man sumikat ang araw at kasabay ng pagtilaok ng tandang sa aming bayan, unang bumubulagta  sa amin ang malakas na sigaw  ni Nanay!

Tilaok ng Manok (Photo Credit: Culinate)
Tilaok ng Manok (Photo Credit: Culinate)

“HOY, GISING NA! BANGON AT MAGSILIGO NA KAYO!”

Ito ang madalas na linya ng aming ina tuwing umaga, sa tinis ng boses na kay sakit sa tainga at nakaiirita sa pandinig ng karamihan, lalo na sa aming kapitbahay, dahil boses niya ang naging orasan din nila tuwing umaga. Kay sarap pa sanang itulog, pero ‘di titigil sa kadadakdak.

“TAMA NA, ‘NAY! ANG SAKIT PO SA TAINGA, DINIG PO NAMIN!”

Ito ang madalas kong Ireklamo; bakit nga ba ‘di ma-preno ang bunganga ng nanay ko? Wala akong mahanap na kasagutan sa mga tanong ko! Lagi kaming nagdedebate sa bahay; minsan ‘di kasi maiwasan ang ‘di makasagot! Hindi naman kasi sa lahat ay puro tama pero may limitasyon din ang pagsagot ko dahil andiyan si Tatay, baka masapak ako nang ‘di oras.

Sa bata kong isipan, tanging hiling na sana makawala na ako sa bahay; ‘yung magkaroon na ako ng kalayaan na gawin ang gusto ko na walang madidinig na sermon at ingay ng aking ina.

“DARATING ANG ARAW, MAIINTINDIHAN MO RIN ANG LAHAT PAG NAGING ISANG INA KA NA RIN!”

Taon ay nagdaan ako’y umibig! Nakaiinis dahil umapela na naman si Nanay; daming satsat sa buhay pag-ibig ko! “LAGI NA LANG BA NA GANITO? HAYAAN MO NAMAN AKONG MAGDESISYON SA BUHAY KO, PWEDE?”

Tumingin ang aking ina alam kong nasaktan ko siya sa sinabi ko.

AYAW KO LANG NA MARANASAN MO ANG MASAKTAN DAHIL ‘DI KO KAYANG MAKITA KANG UMIYAK NANG DAHIL SA LALAKI! AT MARANASAN MO ANG BUHAY NA PUNO NG PAGDURUSA!”

Dahil suwail nga akong anak at labas-masok lang sa kabilang tenga ang pangaral ni Ina, ‘di nga siya nagkamali; naranasan ko ang sakit na dulot ng kabiguan sa pag-ibig!

Eto na ako ngayon may pamilya na at ang mga katanungan ko dati ay nabigyan ko na ng kasagutan!  Ngayon ko lang labis na nauunawaan ang mga sakripisyo na ginawa ng aking ina, mula noon at maging ngayon: ang alalayan kami sa tamang daan sa buhay! Ang proteksyunan kami sa gustong manakit sa amin! Ang magkaroon kami ng magandang kinabukasan at higit sa lahat, ang pagmamahal na ‘di kayang tumbasan ng kahit anong kayamanan!

Ngayon lang ako natauhan; nang naging isang INA na rin ako.  At tulad ng aking ina, sa pagtilaok ng manok ay boses ko naman ang naririnig nila at tulad ng ginawa dati ni Nanay nakahanda na ang pagkain sa mesa para sa aking mag-ama!  Ito pala ang tunay na kulay ng buhay ng pagiging isang babae; ang tawagin kang NANAY!

Matanda na ang aking ina.  Wala man ako sa tabi at piling nila ng aking anak, pero andoon pa rin an suporta at pagmamahal na iniukol niya sa akin, at ngayon sa aking anak naman niya pinadarama ang isang pagmamahal na mas higit pa sa isang anak, dahil biyaya ito sa tahanan niya; ang makita ang mga apo nila at tawagin siyang LOLA.

Sana sa pag-uwi ko maibigay ko ang isang kaligayahan na nais niyang makamtan; ang buo ulit kami sa kanyang tahanan. At sa pagtilaok ng manok, binibilang ng aking ina ang bawat umaga dahil malapit na ulit niya akong makita at mayakap muli.

Salamat sa pagmamahal at isang magandang buhay na inialay mo nang mahigit 30 years sa akin. !

MAHAL NA MAHAL KO PO KAYO, NAY!

#BayaningTunay    #DFBloggersIntl  #DFBI   #BloggerJovelyn

1 Comment

  1. WOW, napaiyak ako sa itong kwinento mo tungkol sa inay mo. Kahit hindi pa namamtay ang mommy ko, parang ganun na din ang nangyari sa kanya. Mayroon kasi siya nang “Dementia”. Yoon ang umpisa nang “ALZHEIMER’S DISEASE”. Napaka sama nang sakit na ito kasi hindi na niya kami naaalala. Bumisita ako sa kanya nung nagpunta siya sa “hospital” nung December 2010. Hindi na niya ako kakilala. Sinabi pa sa kanya nung nurse mag kamukha daw kami kasi naman nung araw talagang mag kamukha kami nung bata pa ako at tsaka nung teenager pa ako.

    Yung kapatid kung lalaki ang binagyan niya nang “Power of Attorney”. Siya ang nagbabayad kung ano man utang ang iniwan nang mommy namin. Pero pag iniisip ko, “WALA NAMAM INAWAN NA UTANG ANG MOMMY KO” kasi binayaran niya na yung tatlong bahay na binili niya. Minsan minsan lang bumibili nang manga bagay para sa mommy ko yung kapatid kung HAYOP!!! Napaka salbahe at tsaka ang iniisip lang niya “IGASTOS LAHAT NANG PERA NA INIWAN NANG MOMMY NAMIN”.

    Nung namatay yung daddy ko nung April 2006, ako ang ginawa niya na Trustee No. 1 sa Living Will nilang dalawa. Napaka salbahe talaga nung kapatid ko kasi nung namatay na din yung kapatid naming babae na mas bata nang 2 years sa akin, dinala niya ang mommy namin sa attorney/lawyer para siya na ang maging Trustee No. 1. Binigyan na nga sa kanya nang mommy namin yung bahay na dapat para sa kapatid kong babae, pero nagalit ang mommy ko sa kapatid kong babae kaya binigay na lang niya yung bahay doon sa lalaki. BUNSO naman kasi yung “WAPANG SA PERA” kung kapatid na lalaki kaya siya ang “Mama’s Boy”!

    Biro mo, mayroon na nga si mommy nang “dementia”, pero naaalala pa niya yung “Baby Boy” niya. Miski sinu man hindi na niya naaalala, miski yung pamangkin kong nagalaga sa kanya nang dalawang taon bago siya nilagay sa “private convalescent home” nang kapatid ko. Maganda naman yung tinirhan niya. Siya pa nga ang nakakuha nung “Master Bedroom” kaya malaki at tsaka siya lang ang nandoon sa “side na yon”. Yung ibang patiente nandoon sa kabila (lima sila — dalawang matatanda sa isang cuarto). Ang mommy ko lang ang nagiisa. Napaka salbahe at tsaka “napaka lakas mag salita halos SUMISIGAW na siya tuwing magsasalita siya” (ang mommy ko).

    Nag-resign/quit na nga yung nurse na nagaalaga sa kanya nung umpisa siya tumira doon; kaya ngayon bago na ang nurse na nagaalaga sa kanya. Hindi na ako puwedeng bumisita sa kanya kasi may sakit na din ako kaya hindi na ako puwede mag maneho nang ganun ka layo (miski na 20 miles lang naman). Kasi baka mahilo ako o kaya mahimatay ako kaya talagang hindi na puwede mag drive nang malayo.

    Kahit napaka salbahe nang mommy ko sa daddy ko at tsaka sa kapatid kong babae, hindi ko pa rin makilimutan na siya ang “best friend ko” nung nagtatrabaho ako sa Mercury Insurance Co at tsaka nung nagtrabaho ako sa US Postal Service. Palagi ko siyang kasama sa manga “party namin sa trabaho o kaya pag mayroon kaming party sa restaurant mismo”. Tuwing Sabado, dinadala ko pa siya sa iba ibang restaurant. Hindi na niya naaalala kahit ano tungkol sa akin.

    Nung tinanong niya kung sino daw ako, sinabi ko sa kanya, ako ang anak mong panganay. Hindi na niya naaalala na anak niya din ako. Yung kapatid kong lalaki lang talaga ang naaalala niya. Napaka lungkot naming lahat (ako, yung pamangkin kong babae, at tsaka lahat nang grandchildren niya kasi naaalala pa siya nila.

    Siguro Mothers’ Day na ngayon sa Pilipinas, pero dito hindi pa. Medyo malungkot ako dahil sa mommy ko, pero kami nung anak kong babae, nagcelebrate nang kaunti kanina. Nagpunta kami sa mall para bumili nang $140.00 of See’s Candies at tsaka bumili kami nang “smoothies” na kay sarap! Bukas naman kaming dalawa babalik ulit sa mall para pumunta sa “Build A Bear” shop tapos bibili ulit kami nang Smoothies, then pupunta kaming dalawa sa “beach” para maglaro kami sa tubig at “sand”.

    HAPPY MOTHERS DAY to ALL mothers out there who read these blogs, articles or stories!!!……….

Leave a Reply

Your email address will not be published.