Kasabay ng hanging
naghahatid sa panagh0y
ng langit habang
binabal0t
ng nanunu0t na lamig
ang bawat araw
na sumasalub0ng sa dilim.
Mga sandaling
pinupuslit ang
bagot at luha
mula sa pag-iisa
habang sinisikap
limutin ang
di maiwang
ninanais itakwil ng isip.
Tuluyang hinugasan
ng patak ng ulan
ang init
ng mga alaalang
hiram bago pa man
pumas0k ang tag-araw.
Yaong
bihirang nasilayan
mula n0ong
una pa man
pagkat lantad
lamang
sa paninging
lukob
ng malamlam
na kalangitan.
- Ang Lahat ay Mayroong Balik: Minsan, Muling Eepal - September 1, 2013
- Alin and Higit na Mahalaga, Wikang Filipino o Wikang English? Isang Balagtasan ni Gng. Resy A. Felipe (New Era Elementary School) - November 12, 2011
- Kalayaan - October 21, 2011
- Sa Paglisan ng Tag-araw - August 25, 2011
- Enigma in Quite an Exclamation - August 21, 2011
- Patuloy na Magpapatuloy ang Nagpapatuloy - August 11, 2011
- Surreal - August 11, 2011