Sa Likod Ng Maskara Ni Mister

Image by Andrey Burmakin via ShutterStock

Di ko inakala na sa mura kong edad ay maaga akong makapag-aasawa. Menor de edad pa lang kami nang ikasal kami ng Mister ko, at dahil nga malapit sa kaldero ang angkan namin sa namumuno sa lungsod ay nagawaan ng paraan na maikasal kami sa simbahan.

Maaga kaming nagkaroon ng responsibilidad sa buhay, dahil nabuntis agad ako!

Kaya maaga kaming napasabak sa pagiging Nanay at Tatay.

Lalaki ang naging panganay namin at dahil wala pa kaming muwang sa tamang pagpaplano sa pamilya, ang isa ay nasundan agad ng pangalawa. At pagkalipas ng dalawang taon ay nadagdagan na naman ang anak namin at naging apat na sa edad kong 22 years old!  Nagkandarapa ako sa pang araw-araw namin na pamumuhay lalo na sa pag-aalaga ng mga anak ko.

Naging maayos naman ang aming pagsasama kahit marami kaming anak napakain naman namin ang mga ito nang maayos kahit maliit lang ang pangkabuhayan namin.  Pero pagkaraan ng apat na taon nadagdagan na naman dahil nabuntis ulit ako at nabigla ako dahil kambal pala ito!  ‘Di ko alam kung matutuwa o malulungkot ako.  Paano ko maha-handle lahat nang ito? Pero nandito na kasi kaya buong tapang kong iniluwal ang kambal;  babae at lalaki.   Kaya naka-anim na kami!

“FAMILY PLANNING NA TAYO,  PANG? DAMI NA NATING ANAK!”

Ito ang sinabi ko sa asawa ko, pumayag naman siya. Todo kayod kami sa pamumuhay namin para mabigyan namin ng magandang kinabukasan ang aming mga anak.

Pagkalipas ng maraming taon at may edad na rin kami lumaki na rin ang mga anak namin at nabigyan namin ng mabuting edukasyon. Ngunit isang katotohanan ang gumimbal sa akin nang ipinagtapat ng aking asawa ang tunay niyang pagkatao!

MANG, DI KO NA KAYANG MAGTAGO PA SA IYO.  NAHIHIRAPAN NA AKO!”

Nagtaka ako kung ano ang ibig niyang sabihin sa linyang ito, pero hinakayat ko siya na handa akong makinig sa lahat ng sasabihin niya.  Ngunit nabigla ako nang bigkasin niya ang mga salitang ito…

BADING  AKO, MANG! PERO KAILAN MAN AY ‘DI AKO NAGLOKO SA IYO! PINIGILAN KO ANG AKING SARILI DAHIL MAY ANAK TAYO AT HABANG BUHAY KO ITONG ITATAGO SA KANILA!”

Luhaan ang aking Mister sa kanyang pagtatapat sa katotohanan, ‘di ko alam kung saan ako pupunta sa sandaling ‘yun! Kaya pala iba siya sa tuwing pag-uusapan namin ang pang-kama! Pero binalewala ko ito sa matagal na panahon at ngayon ay naliwanagan na ako sa lahat ng mga katanungan ko.

Nagpaalam akong mangingibang-bansa; pumayag naman siya.  Ito’y para na rin makalayo ako nang kaunti sa kanya dahil mula nang ipinagtapat niya sa akin ang katotohanan sa likod ng kanyang maskara, ang katotohanang lingid sa kaalaman ng mga anak namin, ‘di na kami tabi matulog! Isang kunyaring pagsasamang mag-asawa sa harap ng mga anak namin at mga taong nakakikilala sa pamilya namin.

Nakarating ako sa bansang QATAR, dito ko naranasan ang buhay na malayo sa kanya at dito ko rin natagpuan ang panibagong tukso sa aking buhay! Isang lalaki ang ‘di ko inaasahan na maging karelasyon ko dito; naging mabait naman siya sa akin sa kabila ng status namin sa buhay! Alam kong mali, pero nadala ako sa tukso at ang isang katotohanan na kailangan kong itago at ingatan ay ang tunay na kasarian ng aking Mister sa harap ng aming mga anak. Isang sitwasyon na nagpabigat sa damdamin ko.

Ngayon, nagsasama pa rin kami sa iisang bubong bilang mag-asawa sa harap ng iba. At alam na rin niya na may karelasyon ako at tanggap naman niya. Mag-asawa kami sa harap ng mga taong importante sa amin pero sa likod ng tabing ng maskara, nandoon ang tunay niyang katauhan na dala-dala niya sa mahabang panahon.

#DFBI  #DFBloggersIntl  #DFBloggerJovelyn

20 Comments

  1. To All Readers,

    I think this blog will remind us how we are going to learn on every aspect on our life not to criticized the blogger nor the person who own the story. What if it is only came from his/her imagination a writer who have a brilliant Idea how get the readers attention.Read and learn from the story that they shared for us not to judged them for writing a story like this. Let us open our mind and learn from the story if the story came from real life try to give an advice so that she know what to do…After all it’s her life not our..

  2. Hmm..usually bago ako mag comment binabasa ko muna lahat na comments… hindi naman sya ung author pero sya yung nabatikos ng karamihan..anyway, your writing is effective, Jovelyn… un lang nagaway away na mgatao kc iisa lang ung nakita nila ndi na nila pinansin ung ibang factors…

      • Hello Mia..thanks oo nga grabe ang mga masasakit na comments! Di ko rin sila masisi wala kasing nakalagay na note di akin ang story na ito, ayaw din kasi ng may-ari ng story. Kung gusto ko daw isulat bibigyang buhay ko nalang, dahil nga interisado ako sa kwento niya kaya lakas loob kong sinulat alam ko na mabatikos ang pagkatao ko but pasalamat pa rin ako na nagawa ko ibahagi story niya..baka mag matutunan tayong leksyon sa side ng lalaki..salamat ulit

  3. Sa lahat na nagmura sa article na ito at tinawag akong malandi pasensya na guys di ko nalagay kung sino ang may ari ng story na ito dahil ayaw niya na siya ang mamura kaya tanggap ko nalang sa akin mabuntun ang lahat ng masaskit na salita dahil i want to write her story! Well im happliy married isa lang anak ko! This is the story of my friend her in qatar by the way…..thank you po.

  4. ano ngayon kung bakla asawa mo? kailangan bang husgahan ang pagkalalaki ng isang lalake para maging mabuting asawa sya at mabuting tatay? it seems that you are stating that its “negative” to be a gay parent.(all caps on the end of the story.)

    most people who had a kid in their teens has the tendency to fall inlove again with another person because they missed the part of falling inlove all over again without any commitment. namiss ang pagkabata ika nga. and i think expected na yan sa ganyang situation. too bad its you.

    as far as literary is concern you succeed in driving your reader an emotion though its negative, its still an emotion.

  5. I hope I do make sense with this comment:

    I do not know why we have to assume that the stories are personal story of the author. I do not see in the category nor in the tagging that this one is a personal story.

    I believe it is way better if we post our opinion regarding the situation, without assuming that its the author’s story, unless, otherwise stated 🙂

    • Hi lazarus sa lahat ng nag comment dito ikaw lang ang nakakuha na di sa akin ang story na ito your such a good and brilliant reader! Di ko sila masisi dahil di ko nalagay ang may ari ng story na ito dahil alam niya na mamura siya kaya ako ang nahuntungan ng lahat but ok lang…..hindi ako apektado di naman sa akin sana mabasa ng friend ko mga comment ninyo para matauhan din siya..thanks po

      • Si Lazarus lang ang pinuri mo bilang isang brilliant reader…galing mo rin ano, Jovelyn. Maaaring ang iyong ibang readers ay nagbigay ng kani-kanilang opinion…dapat pasalamatan mo rin sila dahil they spent time reading your blog. Huli nang lahat para aminin mo na hindi ito sarili mong experience kung hindi sa isang kaibigan? Don’t know what to believe now…doubtful na rin ako about your future blog…thanks for reading my respond!

  6. guyz…may ngreply sa akin ng ganito sa fb::::

    “Bakit mo naman pinagsabihan si Jovelyn dalawang beses pare pareho lang naman ang sinabi mo. YOU do NOT have to repeat yourself, especially when you are giving “NEGATIVE” feedback!. How dare YOU tell her she is malandi!!! Hindi niya kasalanan na sinabi sa kanya nang asawa niya yung “katutuhanan” tungkol sa sarili niya. Kung ikaw ba ang sinabihan niyon, hindi ka ba “MASASHOCK”??? I would be! She did what she thought was right “under those circumstances”. WHO cares what you think or how you feel?! I wouldn’t care if I were her! Sino ka ba? Ni hindi ka naman niya kilala, so “mind your OWN business”!!!”

    ——kaya nga may comment section db? to post our opinions and feelings… duh!!! stupid!!!

  7. Uo at itinago nya sayo nasaktan ka dahil naglihim sya sayo pero naging tapat sya sayo at di nagpadala sa tukso.Tunay syang lalake kung tutuusin,itinaguyod nya kayo,pero bakit nagawa mong makisama sa iba?

  8. Bading paba un,,, naka anim na kayo,,, and napaka walang utang na loob mu naman nay,,, ung asawa mung bading,, nagtitiis,,, samantalang ikaw,,, nagpapakasasa ka sa ibang lalake,,, mas pina iral mu kalibugan mu,,, kesa maitaguyod ng maayos ang pamilya mu,,, eh ano kung bakla xa,,,?? Tanggap na sa lipunan yan,,, ikaw lang yata ang naiwan.,

  9. a good story to remind us… that the faults of our partners do not license us to them any wrong. I am thinking if the girl (if this is a real life story) would cheat if her husband is a straight guy? but either he is or he is not, committing adultery is a mortal sin and there will be no excuse. Its a mortal sin and is definitely unlawful.

  10. Mas lalaki pa sa tunay na lalaki ang asawa mo. Matapang sa pagamin ng tunay niyang pagkatao, pagharap sa responsibilidad bilang ama at asawa at higit sa lahat ang pagpigil sa sariling kaligayahan upang hindi madungisan ang tingin ng tao sa inyong pamilya at lalo sa inyo mga anak. Ito ay isang napaka-laking sakripisyo na hindi mo nasuklian ng tama.

  11. hI Jovelyn….wala akong karapatang husgahan ka or ang iyong asawa…Diyos lamang ang may karapatan nito. Sapagkat tayo ay tao…guilty tayo sa ating isipan. In my opinion, kay Lord tayo humingi ng tawad o pag-sisisi ng buong puso. Kung inaakala mong magiging masaya at tahimik ang magiging buhay ng iyong asawa (legally), ng iyong mga anak..o lahat ng mga importante tao sa iyong buhay, let it be. Lagi tayong humingi ng tawad kay Lord, at ituwid ang ating landas. Having peace in your heart, and in mind are the best to have peace in your soul. God Bless Us All, my friend, Jovelyn!

  12. asawa mo bading at nakapagpigil xa at sinabi nya na kahit kailan d xa nagtaksil sau…peru mas malandi kpa sa bading…ikaw ang ngtaksil…sa mga anak at kapamilya mo. kahit bading xa nahihirapan, at least pinili nya at tiniis na gawin ang tama!

Leave a Reply to chai Cancel reply

Your email address will not be published.