Sa Likod ng Dalamhati, Pilipino’y Muling Ngingiti.

bangon-pilipinas1Ika-15 ng Oktubre. Payapa ang umaga ng lahat at nag-aagahan,

Ilang minuto, yumanig ang lupa, 7.2 magnitude na lindol, sa Bohol at Cebu ay tumama,

Mga simbahan, niyanig, nawasak, nagiba.

Makasaysayang mga lugar, kasaysayan na rin ang nag-adya.

Basilica Minore sa Cebu at halos lahat ng matatandang simbahan sa Bohol,

Mga kalsada, inprastraktura at pati na rin ang sikat na tsokolateng burol,

Hindi pinalampas ng lindol,umabot hanggang dulo sa Cagayan de Oro,

Pati Davao City, Tacurong, Butuan hanggang sa may Cotabato.

Daan-daan namatay, libu-libo nawalan ng tirahan.

Milyon-milyung tao, apektado, pakikiramay ipinaabot ng buong mundo.

Kung titingnan mo ang balita, talagang nakakadurog ng puso at kalooban.

WInasak ng panahon, ang buhay ng mga kabavayan sa Kabisayaan.

 

Ika-walo ng Nobyembre. Kasaysayan muli ang magsasabi.

Pinakamalakas na bagyo, pumasok sa PHL area of responsibility,

Buong nasyon, inalerto sa bagsik nito sa bayan ay kakandili.

Sabi nila’y pinakamalakas sa daigdig, si “Yolanda” ay direktang sa atin ay dadali.

 

Sa araw na pumasok ang bagyo, katakot-takot ang naging epekto,

Puno ng niyog, nabuwal, parang toothpick lang na nabali ito.

Bubong nang katedral, tumilapon, nabalatan, pangyayari ay tagos sa buto

Lakas ng hangin at puwersa nito, alon, baha, lagpas tao.

 

Matapos ang unos, nakakapangilabot ang makikita,

Kaliwa’t kanan, bangkay ng tao at hayop, litaw na litaw na.

Tumambad sa atin, pinsala sa ari-arian at inprastraktura.

Linya ng kuryente, naputol, komunikasyon, nawala na.

 

Nakakaawang pakinggan, istorya ng kababayan.

Pero wala kang magawa, kundi sila’y tingnan at kahabagan.

Gustuhin mo mang tulungan, wala ring magawa dahil hindi mapuntahan.

Salamat na lang, umalis na si Yolanda ang kumitil ng buhay muli sa Kabisayahan.

 

Sa loob ng dalawang buwan, Pilipinas, muli na namang sinubukan.

Milyong luha na naman, pinalasap ni Inang kalikasan.

Katatatagan ng Pilipino’y muling napatunayan

Sa likod ng trahedya, babangon muli at patuloy na lalaban.

Kahit anong pagsubok, ibigay ng Panginoon.

Ang Pilipino, likas na matatag at humihinahon.

Sa bawat dilim, umaga pa rin ay sisibol,

Pilipino kami, sakupin man ng bagyo at lindol.

 

Ang kwento ng isang kababayan, kwento ng buong lipunan.

Pagkakaisa at pagtutulungan, Pilipino maaasahan,

Sa ganitong pagkakataon, kapit-bisig nating kahaharapan.

Dahil bagong umaga, ngiti’y babati sa atin at sa santinakpan!

 

Ang lindol at bagyo, umalis na sa bansa.

Ang lindol at bagyo, iniwan na tayo’y naglukuksa.

Ang lindol at bagyo, naglaho dahil sa dasal at tatag ng madla.

Mas malakas tayo pa rin tayo, ilang bagyo man at lindol dumating… bumabangon tayo at nagsisimula.

 

Dumaan na ang pinakamalakas na bagyo sa kasaysayan.

Nalampasan na ito ng pinkamatatag  na mga nilalang.

Pilipino, nakatayo pa rin, matatag na lumalaban.

Yan kami, kasama ang milyon-milyong mga kababayan!

 

 

Bangon Pilipinas, sulong Pilipino,

Pagsubok ng Panginoon, kayang-kaya natin ito!

Mas malakas pa rin dalangin natin kesa sa dumadating na mga delubyo,

Yan tayo, taas noo, sa kabila ng unos at mga gulo

 

 

Sa likod ng dalamhati, alam ko, Pilipino’y ngingiti.

Pag gising sa umaga, panibagong sikat ng araw sa atin kakandili.

Ang pagsubok sa atin, deka-dekada nang dumadating na pauli-uli,

Pero tayo nakatayo pa rin, kapit-bisig na tulungan, nalampasan, Pilipino, ako ito, nasa harapan nyo, nakatayo muli!

 

Sa Likod ng Dalamhati, Pilipino’y Muling Ngingiti.

by: Andrew Faye Semilla (Drew Bchlr)

November 9, 2013, Doha, Qatar

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.