Sa kagustuhang makapag-aral, estudyante gumawa ng sariling upuan para may magamit sa klase

Image from GMA News via Facebook and Wikimedia Commons

Para sa maraming mag-aaral, mahalaga ang seating arrangement sa mga unang araw ng klase.

Dahil sa seating arrangement, malalaman kung sino-sinong magkakaibigan ang magkakatabi. Tiyak na mas masaya mag-aral kapag katabi mo ang matatalik mong kaibigan sa klase.

Image from Wikimedia Commons

O kaya naman ay nakaayos ito ng alphabetical order ayon sa unang letra ng apelyido upang madaling matawag ang pangalan.

Ngunit paano na lamang ang seating arrangement kung wala namang upuan sa loob ng silid-paaralan?

Isa ito sa mga kinahaharap na problema ng isang paaralan sa Camarines Sur.

Dahil sa kakulangan ng mga silya at lamesa ng paaralan ng Jose De Villa National High School sa Calabanga, napipilitan ang ilang estudyante na sumalampak na lamang sa sahig para lamang makapag-aral.

Isa si Miguel Galarde sa mga estudyante na nagtitiis umupo sa lapag ng kanilang silid-aralan.

Ayon sa ulat ng Unang Balita sa GMA, dahil sa kakulangan ng silya at lamesa, napilitan ang 15 anyos na si Miguel na gumawa ng sarili niyang mauupuan.

Image from GMA News via Facebook

Gumawa si Miguel ng sarili niyang upuan at lamesa upang mas maayos na makapag-aral.

Ginawa ko lang po ‘to dahil mahirap man po sa akin na, sa amin pong lahat, na wala pong upuan. Naisip ko po na siguro gumawa po ako ng upuan para komportable naman po ako sa pagsusulat,” ani Miguel.

Ang silya at lamesa na ito ni Miguel ay gawa sa pira-pirasong kahoy na nakuha niya sa kanilang bahay.

Tinulungan din si Miguel ng kaniyang kapatid sa paggawa ng upuan at lamesa.

Ayon sa kaniyang guro na si Margie Cabrera, natuwa siya nang nagkusa ang kaniyang estudyante na gumawa ng sarili niyang silya’t lamesa.

Ang kagustuhan ni Miguel na magkaroon ng sariling upuan at lamesa ay nangangahulugan lamang na nais niyang makapag-aral nang maayos.

Halo-halong reaksyon naman ang naramdaman ng mga netizens tungkol sa balitang ito:

Di ko alam kung magandang balita ito dahil sa pagsisikap ng mga studyante o maiinis ako sa kapabayaan ng gobyerno?

Ang batang iyon matalino kasi kaya nyang solusyunan ang problema nya. Pag walang upuan e di gumawa. Kesa mag reklamo nag sariling kilos sya. “

Noon pa yan ng panahon ni Marcos 1980 grade 1 hanggang high school nagdadala kami ng upuan sa school at pag tapos na pasukan iuwi uli sa bahay. Next school days dadalhin mo uli.

Image from Wikimedia Commons (U.S. Marine photo by Cpl. Robert Williams Jr./Released)

Matagal nang problema ng bansa ang kakulangan ng silid-paaralan, upuan, lamesa, at libro sa maraming pampublikong paaralan.

At matagal na ring tinitignan at sinusolusyonan ng Department Education ang mga kakulangan na ito.

8 Comments

  1. I like what you guys are up too. Such intelligent work and reporting! Keep up the superb works guys I¦ve incorporated you guys to my blogroll. I think it’ll improve the value of my web site 🙂

  2. Good ?V I should certainly pronounce, impressed with your site. I had no trouble navigating through all tabs as well as related information ended up being truly simple to do to access. I recently found what I hoped for before you know it at all. Quite unusual. Is likely to appreciate it for those who add forums or anything, site theme . a tones way for your customer to communicate. Excellent task..

  3. Excellent post. I was checking constantly this blog and I’m impressed! Extremely useful info specially the last part 🙂 I care for such info much. I was seeking this particular info for a very long time. Thank you and good luck.

  4. I discovered your blog site on google and check a few of your early posts. Continue to keep up the very good operate. I just additional up your RSS feed to my MSN News Reader. Seeking forward to reading more from you later on!…

Leave a Reply

Your email address will not be published.