Sa Aking Munting Padala

Munting Padala (Photo Credit: texas-sweetie.com)
Munting Padala (Photo Credit: texas-sweetie.com)

Habang naririnig ko ang huni ng mga kuliglig sa aking paligid, kasabay ng hampas ng hangin na mula sa bintana ng aking ding-ding, heto ako ngayon nag-iisa nakatitig sa litrato ng aking asawa at aking anak ni si Angela. Hawak ang isang nabiling gitara umaawit ng mag-isa. Kapag nasa koro na ay napapaluha pa. Gusto ko nang makita ang aking asawa, gusto ko nang hagkang muli sila kasama ang aking anak na si Angela. Maliit pa lamang noon si Angela noong iwan ko sila ng nanay niya.

Hatid ko lang naman ay ginhawa at ang layaw sa mundo ay maibigay. Anong sasay ng aking paglalakbay kung hindi ko maibbigay ang mundo na inaasam ng aking asawa. Iniisp ko din ang kinabukasan ni Angela. Gusto kong makatapos siya sa kolehiyo at magtagumpay, dahil mahal ko si Angela kaya ibibigay ko ang lahat ng gusto niya.

Ilang kaarawan ang nagdaan , ilang birthday ko na ding hindi nakakasama ang aking pamilya. Pati nga mismo binyag ni Angela hindi ako nakapunta.  Ilang pasko na din na hindi ko sila nakakasama. Lahat ng mga masasayang araw na aking nakaligtaan ay akin lamang iniiyakan.  Pero ni’ minsan hindi ko kinalumitan. Dahil ramdam ko sa aking puso na sa bawat masasayang okasyon na hindi ko sila kapiling ay alam kong naroon ako at  kanilang kasama.

Sa aking munting padala, alam kong labis ang kanilang saya. Kahit wala ako sa tabi nila, parang abot ko na rin ang kanilang bawat hangarin, dahil naibibigay ko ang kanilang pangangailangan at gastusin. Sa bawat padala na aking naibibigay sa kanila, sana kahit singkong duling ay hindi maaksaya. Dahil kaya kong tiisin ang hindi kumain para ibigay sa kanila ang limos na katas ng aking paghihirap, matupad lang ang kanilang mithiin.

Huwag sana magalit ang aking asawa kung minsang kulang ang pangmatrikula ni Angela. Sana kapag kulang ang laman ng “kahon” na aking padala ay maintindiha nila. Kung minsan kasi ay kinakapos ako sa aking padala, dahil iniipit ng amo  ko ang aking pera. Hindi naibibigay sa tamang petsa, kung minsan ay kulang pa.

Malayo man ako sa kanila at nakikipagsalaran sa bayang dayuhan, alam ko na may kinabukasan sila. Kumakayod ng limos, kumita lamang para sa kanila. Kaya kong tiisin ang aking kalungkutan alang-alang sa aking asawa at para sa kinabukasan ni Angela.

Magkalayo man kami sa isat-isa, hindi man kami madalas magsama-sama, alam ko na sa aking munting padala ay parang sila’y akin na ding kapiling. Kakayanin ko para sa kanila, titiisin ko para sa baon ni Angela. Dahil “Sa aking munting padala, kayo’y para na ding aking kapiling at pangako kayo’y aking bubuhayin”

 

Author: kelvinjonas

About kelvinjonas

I’m just trying to make a story/blog to explore my imagination in different kind of story that will surely strike the readers heart, lungs, oesophagus, kidney, large intestine into small intestine, reproductive system...HUWAAAATTT, just be kidding, but sort of romance and what so ever. And not even the readers but also to hit the author’s feelings which he will include his own experience in this story. I’m just writing whatever is on my mind and whatever emotions will it take, convey, fetch, pass on, put across and get across and so whatever etcetera, etcetera, blah, blah, blah.