Sa Akin lang ang Pera ng Asawa ko…

untitledSa Kulturang Pilipino, kapag-pinakasalan mo ang isang tao, kasama sa papakasalan mo ay kung ano ang mayroon siya. Kaya nga minsan, hindi lang tayo nagpapakasal dahil sa maganda o pogi, mabait o matalino ang taong gusto nating pakasalan; mas nakakalamang pa nga kung ano ang estado nito sa kanyang buhay, kung anong ari-arian meron ito. Pero, hinay hinay lang, dahil hindi porket mayaman ang gusto mong mapangasawa, ay kaagad agad na mapapapa sa iyo ang ari-arian niyapagkapakasal niyo.

Oo nga, sa pangkalahatan, kung ano ang ari-arian nang iyong mapapangasawa, ay mapapasa-iyo, sa oras na magpakasal kayo, pero, hindi sa lahat nang pagkakataon. Sa mga sumusunod na situwasyon ay, kung ano ang mga ari-arian nangasawa mo ay kanya lamang kahit na kasal pa kayo:

1. Nagkaroon nang Pre-Nuptial Agreement – ito ay isang kasunduan nang dalawang mag-sing-irog kung saan bago sila ikasal ay napag-usapan nila na ang ari-arian nang bawat isa ay sariling pag-aari lamang nila, at maaaring magbigay lang sila nang kontribusyon sa gastusin sa tahanan, kung baga, mahal niyo ang isa’t isa na hindi niyo balak makibahaga sa kayamanan nito;

2. Ang ari-arian ay nagmula sa Mana (inheritance) – Ang ari-ariang minana / namana nang asawa ay hindi magiging pag-aari nang napangasawa, maliban na lang kung ang nagpamana mismo ang nagsabi na dapat maging kabahagi ang napangsawa sa nasabing mana; 

3. Ari-arian nang dating asawa – Kung ang pakakasalan ay dating nakapag-asawa, ngunit nabyudo lamang, ang lahat ng ari-arian na nagmula sa dating kasal o  asawa ay hindi nagiging-pag-aaari nang bagong napangasawa;

Sa makatuwid, sa mga nabanggit na pangyayari, hangga’t nagbibigay siya nang suporta para sa kapanganan nang pamilya ay kahit ano pwedeng gawin nang asawa mo sa kanyang mga ari-arian, at hindi niya kailangan nang pahintulot mo kung anong naisin niya. At, isa pa, lahat nang kita nang kanyang ari-arian ay sa kanya lamang.

Kung naman wala sa nabanggit ang iyong sitwasyon, ang nagiging automatic na property relation ng asawa ay absolute community of property, ibig sabihin ay ay kung ano ang pag-aari ng mapapangasawa mo ay siya rin ang magiging pag-aaari mo kahit na ikaw ay hindi man lang nakapagdala ng kahit na anong gamit pagkapakasal ninyo. At habang kayo ay kasal ay  kahit na hindi ka man lang nagtatatrabaho ay kahati mo sa pera ang asawa mo, at kung kumitaang property niya, ay kita mo na rin yun, 50-50 ang hatian. At may mga situwasyon din na hindi basta pwede ipagbili ang ari-arian nang asawa hangga’t hindi nagbibigay nang ”marital consent” ang kabiyak, ganun din sa pagbili nangari-arian, kaya’t mapapansin niyo sa mga deed of sale ang katagang ”maritalconsent” dahil kapag walang marital consent ay maaari ipawalang bisa ang bentahan.

Pero taandaan din natin na kahit na nagsimula sa absolute community of property ang property relation nang mag-asawa ay, maaari pa rin magkaroon nang voluntary dissolution of property relation ang mag-asawa, ibig sabihin nagkaroon nang kasunduan na paghiwalayin nila ang kanilang ari-arian. At may mga pagkakataon din na pwede magkaroon nang judicial separation of property, kung saan ang isang asawa ay maaaring mag-demanda na paghitiin nang korte ang kanilang property relation, maaring dahil sa matagal na silang hindi nagsasama sa iisang bubong, naging magastos at mali ang pamamalakad nang asawa sa mga ari-arian, lumayas o nang abandona ang asawa, nakulong ang asawa na may parusang civil interdiction, o nawalan na nang parental authority ang asawa.

Kung nais niyo nang iba pang mga Legal Tidbits, paki-bisita at paki-Like lang ang aking Facebook Page: Mga Payong Legal ni TiagoMontiero, Maraming Salamat!