Respeto Naman

?12/?07/?2013 06:39:24 PM
http://www.wheninmanila.com/

Kailangan bang ikumpara? Teka, maaari bang rumespeto na lamang tayo sa kanila?

Ito ang problema. Hindi tayo marurunong gumalang sa paggalang sa mga taong namayapa na. Aba’y pagkumparahin ba naman ang pagkamatay ng isang aktor sa isang diplomatikong icon?

Ano ang ibig kong sabihin? Ito lang naman: ang pagkamatay ni Paul Walker, isang action star na tampok sa limang pelikula ng the Fast and the Furious, ay pinagluluksahan ng halos sinuman. Samantalang yung pagpanaw naman ni Nelson Mandela, dating presidente ng Timog Africa, ay pawang mga diplomat lang ang nakikidalamhati.

Sa tindi ng impact ng pagkamatay ni Walker, kumalat kaagad sa social media ang balita. Naging trending pa nga diumano ito ng ilang araw sa Twitter.

Samantalang ang pagpanaw naman ni Mandela, pinagluluksahan ng buong mundo, pero walang binatbat raw ang numero ng mga taong nakiramay kung ikukumpara sa mga nauna?

Ganun? Kailangan bang mangumpara?

Pero bakit nga ba humahantong sa mga ganitong klaseng kasabihan ang piling tao? Nakikita ko na kaya ang mga ganyang mga kataga sa mga post sa mga social networking sites eh.

Ito ang problema kapag hindi lahat ng tao ay mahihilig sa mga seryosong bagay tulad na lamang ng pulitika at kasaysayan. Para sa kanila,”sino ba yan?” Baka nga ang iba ay magbitaw pa ng mga hindi magagandang salita eh.

Yan din ang problema kapag mas mahihilig ang tao sa mga mababaw na bagay tulad na lamang ng showbiz. Kasi si Walker, may naiambag sa kabihasnan nila, sa pamamagitan ng pagtangkilik lamang sa mga pelikula niya. Wapakels na kung peke man ito o sa sinehan. Parte na rin kasi ng human nature natin ang mas labis na pagkahulig sa mga kagustuhan natin kesa sa mga bagay na mas kailangan natin.

Click here to read the entire article.
Author: slickmaster | (c) 2013 september twenty-eight productions

 

6 Comments

  1. Don’t compare! they both did good deeds, helped people, and are idolized by many. It is simply that people mourn in their own ways maybe a lot of people also mourn silently for Mandela. Its just that people like to mourn loudly to Paul Walker cause he’s a celebrity and was televised. Stop giving such a fuss comparing people lets just hope that a lot of people will be inspired by these people to do good. All we can do for them now is mourn and pray for their souls and may they rest in peace.

  2. This isn’t Good publicity and article. He or she is showing personal opinions and motives to let the article be read. Not Good point at all. Instead of comparing them and pointing out who should be or not be. A good writer must not set 1 opinion only, especially not to do it with personal agenda. Booooooo to the article writer

  3. the writer of this post is not getting the point. the problem is not paul walker, there was also no effort to imply that idolizing him is the problem, there is no disrespect din naman dun d ba? the problem is, that the world is too focused on other things that they fail to give attention to a more important aspect of our society. too much holliwood, too much miley cyrus, too much chris brown. pero sa mga importanteng bagay walang pakialam ang nakararami sa atin.

  4. One’s a historical figure, and the other is a pop culture icon. Plenty of kids hate studying history and would rather watch movies. Makes sense? And another thing, don’t make it a popularity contest. Both men have done a lot of good things, and they didn’t do it for popularity.

  5. I am a filipina.. Nagluksa ako sa pagkamatay ni Paul Walker dahil super fan niya ako.. I cried many times thinking that he is already dead and matagal ko pang natanggap yun..

    I didn’t know Nelson Mandela until my South African friend told me how great Mandela is.. How he suffered so much for 5 years and another 27 years in prison for his countrymen, fighting for their freedom from white people (Hollanders).. He is the man who deserve everyone’s respect and I respect him even i just knew about him..

    I salute these two great people.. They are helping people and they are history.. Mandela in his country as a hero and Paul walker in Hollywood as an actor.. They are two different people but they have the same heart that help people in need..

Leave a Reply

Your email address will not be published.