Remembering Anna…

(Photo Credit : Colourbox)
(Photo Credit : Colourbox)

At first, hindi ko pinapansin ang group nila. Siyempre, pasikatan eh..kanya-kanyang ingay, kanya-kanyang patalbugan sa room. Pero di naglaon, nagkakasundo dahil  siguro sa pare-prehong maymga topak.

Di ko rin napapansin si Anna that time, siguro nakilala ko lang siya dahil ako ang taga check ng attendance namin sa isa or dalawang subject  ( Psyc and Socio yata yun). Nakasama ko rin si Anna sa cheering squad ng Department namin (Computer Studies Department). Hindi ko ganun siya nakakausap talaga dahil siguro tahimik lang siya at medyo naiilang din ako. We never talked about everything under the sun unlike sa ibang mga classmate namin. Pero nagbabatian pag nagkakasalubong sa hallway or sa room. Nakikijoin din siya sa mga topak at asaran naming mga magkaclassmate kaya lahat halos kami ay magkakasundo. At dun rin nabuo ang UNGGOY’s company. Kasalanan yun ng isang prof and adviser naming na si Sir Corrales, mahilig kasi nun tawagin kaming mga unggoy. Hehehe

  I can’t remember clearly kung magaling or matalino siya sa class, pero ang alam ko lang, lahat kami talaga nagkokopyahan during exam.  Kahit naging sila nun ni Mark na medyo ka-close ko lang that time (hehehe), hindi kami nagkaron ng chance talaga na mag-usap. Go rin si Anna kung saan kami pumunta, sa mga birthday, event sa school at sa favourite tambayan namin, sa Festival Mall.

Dumating ang graduation namin, nagbatian lang ng congratulation sa isa’t isa, then ayun, wala pa ring chance na mag usap kami talaga. Unang swimming na magkakasama kami nung right after ng graduation, of course, sa walang kamatayan at favourite naming resort, Spring Forest.

Nung binyag ng baby ni Judy (classmate and friend namin), doon kami ulit nagkita. Naging magkumare kami ni Anna at ni Kilyn (classmate and friend din namin). Kahit sa time na yun, hindi kami talaga gaanng nag-usap. Ewan ko  ba. 2010 yun. Sa pagkakaalala ko, medyo mataba at bilugan pa yung katawan ni Anna.

After one or two weeks, nagkasama ulit kami nung kasal ni William (classmate and friend namin). Actually, konti lang na mga unggoy na pumunta nun. Pero naging happy kami that time. Nagkausap kami nun ni Anna, I think may tinanong siya sakin nun, pero I can’t remember na rin. Tahimik talaga si Anna. Nakikitawa lang. Kabaliktaran ni Mark. Pero kahit ganun, nagtagal ang relationship nila.

Dumating ang January 2011, yun ang last time na nakasama ko si Anna, binyag na yun ng baby ni William, that time, pumayat siya. Talagang payat at maputi si Anna nung college, pero lalo siyang pumayat at matamlay. Hindi pa ako aware that time na may sakit na pala siya.

Lumipas ang ilang buwan, nabalitaan namin na nagkasakit na talaga siya. Wala akong idea kung ano yung sakit niya, pero I posted a message to her FB wall na magpagaling siya at namimiss na namin siya.

Dumating ang 2012 na wala akong naging balita kay Anna, at kahit kay Mark. Pag may get together, di na sila pumupunta. Nag-woworry na rin kami sa kalagayan ni Anna. Until nakita ko yung post ni Mark sa wall niya. Mga 2nd week yun ng July, nakaconfine na raw si Anna sa Paranaque  Med.

That week malakas ang ulan at nagkataon na nagkasakit din ako kaya hindi ako nakapunta. That night din na nagtext si Jing ( classmate and friend namin) regarding sa kalagayan ni Anna. Kaya nag decide kami na bisitahin na si Anna the following weekend. Ginawa naming dalawang batch ang pagpunta ( Saturday and Sunday) since may ibang unggoy na may pasok sa work during Saturday. Ako, si Kilyn at Gie  ( classmate and friend namin) pumunta last July 28. That day, nasa PGH na si Anna. Naligaw pa kami dahil ang text sa amin, room 517. Yun pala, 571. Hmmp!

Nagtutulakan kaming tatlo kung sino’ng mauunang pumasok. Nung nakita ko si Anna, she’s still beautiful, kahit ang laki ng pinayat niya.. hindi siya yung typical na patient na ngarag ang face. Siya hindi, maganda pa rin si Anna. Nung time na rin yun, dumalaw rin si Oyen (classmate at friend namin na clown). Kaya ayun, ang iingay at ang gugulo namin. Nakita namin kay Anna yung saya sa mukha nia nung nandun kami. Kahit hirap magsalita dahil hirap din sa paghinga, pero go pa rin siya sa mga kalokohan nmin. And pinagbigyan nia kami na magpicture with her.

According sa ate niya, ayaw niya magpapicture dahil nahihiya daw siya. Game siya kung wacky shot, nagwawacky rin siya. Kumain pa siya ng donut na dala ni Jing. Sobrang saya namin that day. After mga ilang oras na kulitan at asaran, nagpahinga at nakatulog si Anna. Ang sabi ng ate niya, baka kinabukasan, lalabas na sila ng PGH para magpalakas si Anna dahil after two weeks, ma-a- undergo siya ng operation.

Lunes ng umaga, bandang 5:00am nagising ako. Medyo hindi ako makatulog that night dahil sa di ko malaman na dahilan, maliban sa lakas ng tama ng hangin sa bahay naming at naputol na sanga ng puno sa likod namin, nag iisip kung ano-ano pa ang mga ways para makaraise ng fund para kay Anna. Nag-iisip pa rin ako kung sino-sino pa ang mga tao na puwede namin sabihan para magbigay ng fund para sa kanya. Nakakaidlip ako ng konti at nagising ng bandang 7:45am.

Tinext ko ang ate niya para kumustahin siya. Nagising lalo ang diwa ko sa nabasa ko na text, “wala na siya”. Parang tumigil ng 3 seconds ang utak ko at parang hindi ko maintindihan ang text. Kaya tumawag ako kay ate.

Totoo nga, wala na si Anna L, habang kinuuwento ni ate ang mga nangyari, umiiyak siya, at hindi ko napigilan ang luha ko. Iyak ako nang iyak. Nagtetext na ang ibang mga friends namin sa akin na wala na si Anna, pero ako, deadma that time, kahit alam ko na yung nangyari. Yung pakiramdam na parang sasabog na yung puso ko sa sakit.

Nung nakabalik na ako sa diwa, tinext ko ang ibang mga friends namin. Halos lahat sila nabigla. Kahit nasa office ako at nababasa ko ang mga message na condolence kay Anna, umiiyak ako. Dalawang araw rin ako na hindi makatulog at sa tuwing naalala ko siya, napapaiyak na lang ako. Sinasabi ko na lang sa kanya na “ang daya mo Anna, Hindi mo kami hinintay para may pandagdag kami para sa operation mo”.

That time, nasa stage pa ako ng DENIAL. Na hindi nangyayari to. Minsan, napatulala na lang ako. Unti-unti ko nang natatanggap ang nangyari kay Anna, iniisip ko na lang na masaya na siya ngayon dahil hindi na siya mahihirapan pa. Madaming tanong ang pumapasok sa isip ko. Kung sana maaga pa lang ay nalaman na na may tubig siya sa lung at heart, naagapan sana.

Pero, ito ang will ni God. It should be done. Although masakit, dapat naming tanggapin. Isang mabuting kaibigan ang nauna na sa amin. At alam naming ngayon, nasa piling na siya Ni God.

 Thank you Anna for the friendship. We love you and we will surely miss you.

Enhanced by Zemanta

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.