Relationship Without Commitment

Sad girl (Photo credit: weheartit)
Sad girl (Photo credit: weheartit)
Sad girl (Photo credit: weheartit)
Sad girl (Photo credit: weheartit)

“Wala na sigurong mas lalabo pa sa sitwasyon naming dalawa.”

Ako nga pala si Breeze. 22 years old. Graduate na ng college 2 years ago at kasalukuyang nagtatrabaho sa isang prestigious school. 5 years na akong walang kasintahan. 5 years na mula nang mamatay ang boyfriend kong si Daniel.

Mula nang mamatay sya, ni minsan hindi sumagi sa isip ko na mag-boyfriend ulit. Maraming dahilan ang pumapasok sa isip ko. Isa na dun yung takot na maiwan ako ulit o kaya masaktan lang ako. Dahil sa totoo lang, wala nang hihigit pa sa kanya. Hindi ko naman itatanggi na may mga nanliligaw din sa akin sa loob ng limang taon na yun. Pero ang makaramdam nang kakaiba sa isang lalaki ay hindi pa ulit nangyayari sa akin. Magka-crush? Normal lang naman para sa akin. Hindi na maiaalis yun dahil normal akong tao.

Pero nag-iba ang lahat nung makilala ko si Ron. Nagulat ako nung una ko siyang makita, akala ko siya si Daniel. Hindi sila magkamukha at lalong hindi sila magka-height. Pero naramdaman ko talaga na si Ron ay si Daniel. Hanggang sa personal ko siyang makilala. Nagkausap kami. Nagka-text. Nagka-chat. Hanggang sa makaramdam ako na gusto ko na siya. Noong una ay hindi ko matanggap sa sarili ko at naguguluhan ako dahil nga ilang taon din akong hindi nakaramdam ng ganito. Para kaming mag M.U. Di nagtagal umamin ako sa kanya at umamin din siya sa akin. Pero hindi pa siya ready na mag-commit sa isang relationship. Ganun din naman ako dahil nga takot pa akong pumasok sa isang relasyon. In-short, pareho kaming hindi pa handa.

Tinanggap ko ng buong-buo sa sarili ko na hanggang dito na lang muna kami. Napagkasunduan naming dalawa na ie-enjoy muna namin kung anong meron sa amin. Nagde-date kami. Nagho-holding hands. Nagsasabihan ng “I miss you”. Nag tatawagan. Nagyayakapan. Ang sarap sa pakiramdam kung tutuusin. Pero hindi ko maialis sa isip ko na hindi kami. Hindi ko magawang magselos kapag dapat akong mag selos. Hindi ko magawang mag-demand kasi ayaw niya ng ganun.

Lagi syang busy. Ako din naman pero ni “Hi” or “Hello” ngayon ay hindi niya magawa. Magdadalawang linggo na kaming walang communication at hindi siya nagpaparamdam sakin ngayon. Para akong nasa dilim na nangangapa. Paano mo iintindihin ang isang bagay na hindi naman ipinapaliwanag sayo? Paano mo tatapusin ang isang bagay na hindi naman sinimulan? Eto na nga mismo ang ikinakatakot ko. Takot akong mangyari itong bagay na to. At kung ano pa yung kinakatakutan kong mangyari, yun pa ang nangyayari ngayon. Mas malabo pa sa mata ko ang sitwasyon namin ngayon at hindi ko talaga alam kung saan ako lulugar.

Mahigit limang taon akong naging “single” sa kagustuhan kong wag masaktan. Pero dito rin pala ako mauuwi. Nakatatawa at nakalulungkot lang isipin. Kasi ang ironic masyado.