Relationship Status: NAGMOMOVE ON PA RIN.

Nakapag move-on ka na ba talaga?

Alam mo sa sarili mo, handa ka ng harapin ang bukas pati ang Facebook account mong dinisabled two months ago.Hanging out with friends while eating kikiam ang current activity mo.Narealized mo, makulay pala talaga ang buhay.

Then all of a sudden, isang impaktong nagkatawang tao…sa katauhan ng barkada mo ang nag-tag ng mga old pictures ninyo. Ang caption: “Sorry guys, namiss ko lang kayo” Sinamahan pa ng ‘jejeje’ sa dulo.

Kung tutuusin, walang kakaiba sa larawang umani ng 252 comments mula sa mga barkada mo. Nakaharang na ngayon sa screen ng computer ang magkaakbay ninyong kuha ng ex mo.

“Hindi ako apektado…hindi akapektado..move on na ako…hindi ako apektado..move on na ako”

‘Yan ang paulit-ulit na tila orasyon mong sinasabi sa sarili. Bago ka magpalit ng mga kaibigan at magsindi ng itim na kandila, tapusin mo munang basahin ang article na toh.

“Bakit ba kasi ang sakit?” Sabi nila, isa ang pagiging heart-broken sa yugto na pagdadaanan ng tao. Kung sino nag-imbento ng term na ‘to at unang naging broken-hearted eh hindi ko alam. Sobrang sakit dahil it represents the loss, not just the relationship but also of shared dreams and commitments. Eto yong masahol pa sa ninakawan at nagka-pigsang pakiramdam.  Kung dati makulay ang buhay, ngayon, kahit sinabawang gulay wa epek. Jobs, hobbies, friends at kahit ang favorite chicken feet adobo mo hindi na makapagbigay-ngiti.

Time heals all wounds” daw, paulit ulit na sinasabi para gumaan ang pakiramdam mo, but do you really have to wait for time to heal all these wounds? Kakasabi lang ng tatay mo “time is gold”.

 

Powerful Tips (mas malakas pa sa bato ni Darna) to Lessen The Pain:

 

1) Don’t fight your feelings.

Galit ka? Gusto mong sumigaw? Magwala sa kanto? Gawing dart board ang picture ng ex mo? Lahat yan allowed. Normal reaction ayon sa mga psychologists. Sa paraang eto, sinisimulan mong tanggapin ang katotohanan. Dahil hindi mo matatanggap ang isang bagay na hindi mo pinapaniwalaang totoo. Naagawan at iniwan ka. Alanga namang magparty-party ka.

 

2) Avoid using alcohol, drugs, food or Facebook to cope.

When you’re in the middle of moving on, lahat ng temptation plano mong isagawa mawala lang yung sakit. Alcohol? Buong gabi kang lasing, limot mong nasaktan ka. Tagay lang ng tagay. Kinabukasan, sad to say, broken hearted ka na, amoy alak ka pa. Drugs? Bukod sa mahal ito ay mas bibigat lang ang problema. Imbes na broken hearted ka lang, drug addict at nasa Watch list ka pa ng PNP. Food? Walang problema kung magshashare ka pero kung hindi? Broken hearted ka na, masama pa ugali mo. Facebook? Hindi ito ang takbuhan para mawala ang sakit, dahil bukod sa status mong “in a realationship to single” na nilike ng 15 friends mo, eto rin ang magiging daan para palagi mong makita ang happenings sa buhay ng ex mo at ng current gf nya. Broken hearted ka na nga, stalker ka pa.

 

3) Embrace yourself.

Wake up and start to smell the break up. Harapin mo ang katotohanan na hindi lang ikaw ang nagiisang babaeng broken hearted. Gawin nating halimbawa si Ate KC. Hello nga pala Mama P. (jejeje). That was then and this is now. Kung dati halos buong buhay mo sakop na nya, ngayon, sarili mo naman. Go out and dine alone. Pamper yourself. Yung dating pink blouse na hindi mo mabili dahil sa pinagiipunan mong Lacoste shirt para sa kanya, go back at bilhin mo. Double check mo lang kung pasok sa budget. Hindi nga naman kaaya-aya na heart broken ka na, baon ka pa sa utang.

 

4) Remind yourself that you still have a future.

Pag nagcommit ka sa isang tao,  you create lots of hopes and dreams. Wedding, 3 kids, kulay ng bed sheet, tiles sa banyo, growing old together. At sa panahong wala na sya, it’s hard to let these dreams go. Hindi kasing simple ng pagbibitaw ng pera para sa iPhone na pinapangarap mo. Pero as you grieve the loss of the future na minsan mong pinangarap, wag mong kakalimutan na new hopes and dreams will eventually replace your old ones. Wala nga namang kasing hirap ang isipin na ang dating kwentong pinagbibidahan mo eh pinagbibidahan na ng iba but once you choose hope, anything is possible.

 

5) Spend time with your family and friends.

Bakit sila kasali? Hindi ko rin alam, pero knowing that others are aware of your feelings will make you feel less alone with your pain. Umiyak ka, magkwento ng paulit-ulit, at magpasama sa kilala ng nanay mong mangkukulam. Mas nakakagaang tawirin ang isang tulay kung alam mong may pamilya at kaibigan kang sumisigaw sa dulo. “Kaya mo yan, wag ka ngang tanga!”

 

6) Explore new interests.

Ang relationship lang ang nagwakas at hindi ang mundo. Take the opportunity to explore new interests and activities. Kung may budget ka, bakit hindi mo gayahin ang mga artista pag nakikipag hiwalay? Lilipad patungong Amerika.  Hindi ko alam kung bakit laging doon ang pagpapahilom nila ng sugatang puso, bakit hindi sa Iraq, Saudi o South Africa? Kung kapos naman ang budget, pwede mong subukan ang planking sa harap ng estatwa ni Rizal.

 

 

Moving on after a breakup. Masalimuot. Masakit. Nakakastress. Nakakainsomnia.

At walang tagal o ikli ang process para dito. Pinagdaanan at pagdadaanan ito ng lahat. Artista ka man, pulitiko, o tindero ng pirated cd. Nakaya ko. Nakaya nila. Makakaya mo.

 

 

About greneziur

Filipino. Inlove sa Kapre. Alipin ng Kapre. Mamamatay kasama ang Kapre.