Regret

aaaaaaaa

Natatawa siyang alalahaning minahal niya ang lalaking iyon. Oo nga naman. Nakakatawa nga naman. Hindi niya akalaing pagkalipas ng isang taon, magpapakitang muli ito sa kanya.

Ngayon, kaharap niya ito at nakatitig sa kanyang mga mata. Nakangiti ito.

‘Nakakamiss ka rin pala. May boyfriend ka na ba?’

Biglang hihinto ang oras at babalik siya sa nakaraan. Sa nakaraan kung saan tinapos ng lalaki ang lahat sa kanila. Sa nakaraang nagdulot ng sobrang sakit at pighati sa kanya.

Bumalik ang lahat ng alaala. Naroon siya mismo sa pinangyarihan ng lahat. Para niyang inaabangan ang sariling masaktan. Nakatayo lamang siya pero malinaw ang lahat. Nakita niyang hinawakang niya ang kamay ng lalaki, waring nagmamakaawa. Pero walang reaksiyon ang mukha nito. Ilang kataga lamang ang lumabas sa bibig nito.

‘May mahal na akong iba.’

Walang pagsisisi o panghihinayang man. Isang lalaking hindi nagdalawang-isip sabihin ang mga katagang iyon. Pero wala siyang nararamdaman. Hindi siya nasaktan sa mga nakita niya. Matatag na siya at hinubog na ng panahon at karanasan.

Ngayon, babalik na siya sa reyalidad. Nakatitig ang lalaki sa kanya. Nakangiti pa rin ito. Kung titingnan, aakalain mong walang nangyari at walang naidulot na sakit sa kanya. Isang kampanteng lalaki ang nasa harap niya. Titignan niya rin ito ng diretso sa mata. Hinawakan niya ang kamay nito. Matagal na niya itong hinihintay. At ngayon ay nandito nang muli ang lalaking dati niyang minahal. Lumapit siya sa lalaki at may ibinulong.

‘May mahal na rin akong iba’

At ibinigay niya ang kanyang pinakamatamis na ngiti at lumakad palayo sa lalaki. Nakita niya ang reaksiyon nito. Nagulat ang lalaki at nadismaya nang sobra. At iyon pa lang ay sapat na. Matagal na panahon na at ngayon ay iba na. Ngayon, mas mabuti na siyang tao at salamat na rin sa lalaking iyon.

‘May mahal na rin akong iba.’

 Natawa na lang siya.

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.