Realizations after Graduation

Years after graduation ay may mga narealize ako.

1. Naisip ko lang habang nagsesearch ng jobs sa internet. Skills at emotional intelligence ang hanap at hindi lang knowledge. May skills  na hindi itinuturo sa school na kailangan sa work place tulad ng driving, software applications, various equipment, DNA sampling and analysis, disaster response, first aid, etc.

2. May mga bagay na hindi sa classroom lang natututunan tulad ng paano makitungo at itsura ng workplace at paano manamit ng tama sa occasion.

 3. Sa pagsearch ko sa jobs abroad ay kahit high school graduate lang ay tanggap na basta may skills ka na hinahanap nila.. plus work experience.. uhmm placement fee, VISA at show money pa pala.

4. Hindi lang dahil sa private school or state university graduate ka ay mas mataas ang suweldo mo position mo kagad kaysa sa iba.

5. Sana ang K-12 ay mas madaming skills transfer. Sa UBD ata yung may skills transfer.

6. Hindi lang passion/interest at forte ang basehan ng pagpili ng kurso. Dapat isearch mo rin ano ang courses na in demand sa year ng graduation mo and even years after ng graduation mo. Mahirap ipursue ang passion lang kung gutom ka naman. Dapat praktikal din.

7. Sana sa mga college career orientations ay prinesent ng companies or colleges ano ang future in demand work/positions at hindi lang yung list of courses available ang presented.

8. You can also move away from the forte ng family mo. For example exposed ka sa scientific community simula bata ka pero kung passion, knowledge at skills mo ay computers, business, finances, etc at may mga trabaho dun after graduation mo ay ayun ang ipursue mo.

9. Mag apply ka na months before ng graduation mo kasi ang employers karaniwan ay days, weeks,months or even a year after ka mag apply icontact.

10. Nag eexist pa din ang job mismatch. Kahit maganda ang kurso at grades mo kung walang available na ganun na work sa market ay malamang wala ka rin mahanap na trabaho. Tendency mo ay mag iba ng direction o field.

Alin sa numbers na ito ang narealize n’yo rin?

 

headturnerbeauty.blogspot.com

IG: @headturnerbeauty

Twitter: @headturnerbeaut

10178023_10152289689677626_8778913165213360453_n

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.