Reality Check for Philippine Basketball

vector version of this image
vector version of this image (Photo credit: Wikipedia)
200 px
200 px (Photo credit: Wikipedia)

I know that the recent early exit of the Gilas Pilipinas national team is a desvastating like other letdowns in the history of Philippine Basketball.

Ngayon marami nang players nang national team natin ang magre-retire sa National Team. Pero wag na nating isipin yun, ano na nga ba ang next para sa Gilas Pilipinas?

May torneo na sasalihan ang Gilas ngayong Sept. 9-18 sa Iran, ito yata yung FIBA Asia Challenge. Ngayon ang malaking problema natin ay ang mga players na naman na hihiramin sa PBA para mag-training. Sa aking palagay hindi sapat na mag-pahiram lang ng players ang PBA at dapat din nila isipin yung oras at haba nang panahon na nasa ensayo ang ating mga players. Kagaya nang ibang bansa ay meron silang mga pool of players na nage-ensayo kahit malayo pa yung torneong sasalihan nila.

Sana magkaroon din tayo nito sa basketball program natin. Masyadong mahaba yung mga tatlo conference at masyadong at risk yung mga players sa pagod at injuries.

Ang sabi nila ay magkakaroon daw ulit nang cadet team ang Gilas. Magandang balita siya pero alam kong hindi sapat ang cadet team lang para lumaban sa mga international tournaments sa ibang bansa. Sabi nga ni Tim Cone, PBA players pa rin ang magandang investment sa National Team. Ang mga collegiate leagues kasi natin dito ay hindi competitive like UAAP and NCAA, most ng mga MVP sa collegiate ranks ay wala na pagdating sa PBA.

Sa aking palagay dapat ay mas mahaba ang ensayo ng national team at mas maraming exhibition matches ang kanilang sinasalihan. Sa huli ang experience sa laro at composure pa rin ng bawat player ang kailangan sa isang team.

At sana sa huli magkasundo ang SBP at PBA sa paglalatag na tamang plano sa direksyong Basketball sa Pilipinas.

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.