Rated PG…6,000 Riyals!

(Image Credit: 123rf)

Samo’t saring kuwento ng pakipagsapalaran; may nagtagumpay at may umuwing luhaan.

Si Carla isa sa milyong Pilipina na nangarap na mga pangarap ay matupad sa pakipagsapalaran dito sa gitnang silangan. Sa paglipad ng eroplano, dala ay katatagan at pag-asa sa isang minimithing pangarap. Sa maliit na maleta kapirasong damit ang laman at litrato ng kanyang pamilya. Sa pagpasok sa tahanan na kanyang pagserbisyuhan kaba ng dibdib ay hindi maiwaglit lalo pa sa dalawang matang nakatitig sa kanyang kaanyuan. Mata na tila hubo’t hubad siyang nakatayo para sagutin ang ilang mga katanungan ng kanyang bagong amo.

“Your name is Carla?” tanong ng kanyang Madam, sa hitsura nito na maputi at may maamong mukha halatang mabait ito.

“Yes, Madam!” hiyang sagot ni Carla na parang natutunaw na siya sa titig ng kanyang amo na lalaki.

“How old are you?” tanong ng sir niya na may pagka barako ang boses, at katawan na katamtaman puno ng balahibo ang mukha at katawan. May katandaan ang edad at sa hitsura ay malibog sa laman.

“I’m 28 sir!” pigil yuko na sagot ni Carla.

Sa unang araw maayos ang takbo ng pakikisama at trabaho niya. Andun man ang takot sa mga mata na laging nakatitig sa kanya pero, nanaig ang tiwala na hindi siya pababayaan ng dios. Kaya ang isang araw, umabot ng anim na buwan na pagtatrabaho niya dito nagsimula ang kababuyan.

Isang araw habang busy si Carla sa paglalagay ng mga damit sa washing machine, biglang pumasok ang amo niyang lalaki! Hindi siya pinagalaw at tinakot na huwag sisigaw! Tuliro, takot at nerbiyus ang naramdaman ni Carla, para siyang istatuwa nanatiling nakatayo at halos masuka siya sa kababuyan na ginawa ng kanyang amo sa pagsasarili nito sa pagka lalaki niya sa harapan ni Carla! Panay patak ang luha niya sa takot kahit hindi siya ginalaw ang makita ang ginagawang pagsasarili nito. Gusto niyang magsumbong sa babae, pero, nanaig ang takot baka hindi siya paniwalaan. Kaya, humanap siya ng tempo na mismo ang Madam niya ang makahuli sa kawalanghiyaan ng asawa niya!

Isang gabi habang naglilinis sa sala si Carla. Biglang sinapo ang puwitan niya! Napasigaw siya sa pagka bigla:

“You have a very nice ass! I want to ****!” bastos na wika ng Sir niya habang nakangisi ito.

Ngunit

Biglang natigilan dahil hindi alam ng lalaki nasa likuran nito ang misis niya! At mismo sa mga mata at tainga narinig ng Madam niya ang bastos na bunganga ng kanyang Mister. Nataranta ang lalaki at hindi na maintindihan ni Carla ang usapan ng mag-asawa kaya pumasok siya sa kanyang kuwarto at umiyak na nanginig ang kalamanan sa takot.

“Carla, open the door!” boses ng kanyang Madam.

Agad niyang binuksan at: “How long he did it to you? Why you didn’t tell me in the beggining?” sabi ng Madam niya.

“I’m scared Madam! I’m scared maybe if I will tell you you will nat believe me!” hagulhol na iyak ni Carla.

“Tomorrow, I buy for you a ticket! I want you to leave before he will ruin your life! I’m so sorry for everything!” wika ng kanyang Madam sabay yakap sa kanya.

Anim na buwan sa isang pakipagsapalaran ay ang isang masamang karanasan. At sa bawat patak ng luha ay ang isang tuluyang paglaya sa tahanang may manyak na nilalang. Ang huling hakbang sa tuluyang paglisan ay isang tawag sa likuran:

“Carla, this is for you!” wika ng kanyang Madam sabay kuha sa kanyang palad.

“6000 Riyals? Madam?” Gulat na wika ni Carla.

“Take it, my gift and sorry! It just a small amount for everything you suffer in my house. I know nothing happen, but for the pain you felt inside! I’m sorry!” huling linya at paalam ng kanyang Madam.

Sa paglipad ng eroplano, bigo man sa isang paglalakbay, pero ang makatagpo ng isang among babae na ipinaglaban ang kanyang karapatan bilang kadama, ay ang pagsisimula niya ulit ng isang bagong umaga.

Note: Hango sa tunay na kuwento sa isang kaibigan dito sa Gitnang Silangan. Sana marami pang madam na kagaya ng amo niya. Salamat at nakaligtas siya sa kamay ng isang manyak.

 #BloggerJovelyn      #BayaningTunay   #DFBloggerIntl    #DefinitelyFilipino  #DFBI 

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.