Rap Scene.

Ang pinilakang tabing na sariling atin, Natabunan na ng mga koreanovelang pinilit lang ang dubbing.

Ika nga ni parekoy na si Loonie. ‘Yung kabarkada ko na FlipTop rapper (sa panaginip) na ngayon at may libo-libong fans na kalat na sa kapatagan ng Pilipinas. Marami na nga siyang fans, pero ang alam lang na mga linya na binitawan niya ay ‘yung mga linyang, “Kaya ang balat mo, kasing dulas ng presko na hito, Kasi mas madalas kapang mag birthday kesa maligo.” Na mga salitang binitawan niya lang sa rap battle scene ng FlipTop, mga lirikong ginawa bilang pang-asar.(Ngayon, kung kapitbahay mo si Patrick the Star na bestfriend ni Spongebob Squarepants, si Loonie lang naman ang isa sa mga pinakamagaling na artist ng Rap Scene ng Pilipinas ngayon. Ang FlipTop ay ang samahan ng mga kawani ng mga taong alam lang ay mag asaran, pero dapat mag rhyme yung mga linya mo, kung hindi, hindi ka makata).  Sila ang tinaguriang Antonio Luna at Jose Rizal ng makabagong panahon.(Sino kaya ang susulat ng Florante at Laura o Noli Me Tangere ng rap?)

Sikat ngayon ang K-Pop sa Pilipinas. Yung mga taong parang isang patak lang ‘yung dugo kasi maputla tapos tumayo lang para kumanta at sumayaw sa harap ng TV. Sikat sila maging dito sa Pilipinas, kahit na hindi man lang natin maintindihan ‘yung mga salitang binabato nila. Mahilig tayong magbasa ng romanization o subtitles nila, sasabay kahit sabaw naman sa pronunciation. I don’t diss them, kahit ako nakikinig ako ng mga kanta nila. Natutuwa ako sa mga kanta and lyrics nila, pero don’t our own people deserve the same, if not more, praises from us?

Tulad na lang nung mga FlipTop battle rappers natin. They got the talent we see in almost every guy. Problema lang, pag dating sa rappers, tingin natin kagad gangsta, gulo. Totoo, pero dahil tayo na mismo ang naglagay ng pamantayan na ‘to. Marami ding nagsasabi na cheap masyado yung mga litanya, mga banat, bisaya ang  rap.(Bakit? Mas pogi ka ba sa bisaya? Laglagan kita ng buko eh). Look inside them. There are probably a dozen of people na talented enough, but too criticized to be heard. Inuuna kasi natin yung paghusga sa mga taong akala natin ay hanggang dun lang. Tulad na lang ni pareng Loonie, andyan ‘yung mga linya niyang hindi lang pang FlipTop. This man knows shit to talk about real life. Bakit hindi mo pakinggan yung mga kanta niya, bago mo siya sabihan ng “Sira-Ulo”(Totoo to kasi masakit siya bumanat), o “Baduy”(Oo nga, mas maporma yang barong saka rubber shoes mo).

Yan ang isang malaking problema sa ‘ting mga Pinoy. Wala tayong tiwala sa sarili nating breeding. Ni hindi man lang natin muna sila pakinggan bago natin sila husgahan. Kagad, kapag gawang Pinoy, local ang tawag, sirain. Pero bakit? Bakit marupok? Di kaya dahil marupok na rin ang tiwala natin sa sarili natin?

Alam niyo bang “Ako si Jose Rizal, na nag pa semi kal, pasado na sana kaso laging bagsak ang medical.”
O “That I’m more than just a prophet, I’m a testament of hope.”
O “I’m a wizard with a pen, every syllable I spit is discipline with Zen.”?

Plug ko lang sila ha, baka sakaling magbago ang utak mo at pakinggan ang tunay na talento ng Pilipinas.

Masyado na tayong naghihilaan pababa, kelan kaya tayo magtutulakan pataas? Panay ang sisi mo sa ibang tao, pero ikaw mismo hindi nagbabago.

 

 

 

 

 

 

Loonie -Sinungaling

 

Here to Own It -LDP

 

 

About Nathan

I am a Lucid Censer, I contain light, so I have to share that light to others, so that nobody would walk in darkness anymore.