“Pwede Bang Isanla ang Pag-ibig Ko Sa Iyo ?”

(Photo Credit: Getty Images)
(Photo Credit: Getty Images)
(Photo Credit: Getty Images)

WALANG IWANAN….HANGGANG SA MGA TUMANDA NA TAYO AT MAGKA-PAMILYA NA AY TAYO PA RIN ANG MANANATILING MAGKAKASAMA AT MAGKAKABARKADA.

ITO ANG SINUMPAAN ng anim na kabataang naging parang halos magkakapatid na ang turingan at naging magkakabarkada .

MULA PA SA KAMUSMUSAN ay magkaka-classmates na sila Manolito at Luningning at apat pa nilang kapit-bahay na halos magkakasing-idad lamang sila . Hanggang sa mga lumaki na sila at nakatapos na ng pag-aaral at mayroon ng mga trabaho ay sila pa rin ang mga magkakaibigan at magkakabarkada .

Nagsumpaan pa sila na walang iwanan at kahit na hanggang sa maging magsitanda na sila ay di magbabago ang kanilang samahan at mananatiling buo ang kanilang barkadahan .

Hanggang sa dumating ang panahon na nagkaroon na sila ng kani-kanilang mga boyfriend at girlfriend.

Pero sa kanilang magkakabarkada ay sila Manolito at Luningning na lang ang mga wala pang mga boyfriend at girlfriend .

Nakakatuwaan tuloy silang biruin

“ABA ANO BA NAMAN KAYO… eh kayo na lang sa ating magkakabarkada ang mga wala pang mga girlfriend at boyfriend ah …..aba eh magsihanap na kayo at ng lalong sumaya ang ating pagbabarkadahan at ng di kayo naaasiwa sa amin” hahaha….ika ng isang kabarkada .

“ABA OO NGA NAMAN eh hindi ba naman kayo naiinggit sa amin na lahat kami rito ay may mga nahahalikan at may nayayakap na … samantalang kayo ay mga unan at sari-sarili lamang ninyo ang niyayakap ninyo” hahaha…..ang pagbibiro naman nong isa pang kabarkadang lalake .

Medyo tinablan naman si Manolito pero di siya nagpahalata at nagbangong puri .

“ABA EH MERON NA YATA AKONG MINAMAHAL at ayaw ko pa lamang ipakilala sa inyo at baka mainggit kayo…. eh kasi parang artista sa ganda ang girlfriend ko” hahaha … upang maibsan lamang ang kanyang pagkainggit

Ganondin si Luningning

“ABA EH AKO MAN AY GANON DIN….ayaw ko pa lamang ipakilala sa inyo ang aking boyfriend na sing kisig ni COCO MARTIN at baka kapag nakita ninyo at maikumpara ninyo ang hitsura ng inyo-inyong boyfriend ay mawalan kayo ng gana sa kanila” hahaha.

Ang totoo’y sabi lang nila iyon at wala pa talaga silang maipapakilala at di pa sila nakakatagpo at nakakakita ng kanilang mamahalin .

Pero hindi sila paniwalaan ng kanilang mga kabarkada

“OW TOTOO BA YAN ….eh sa tagal ba nating magkakakilala at magkakaibigan ay amoy pa lang ng mga hininga ninyo at bakas ng talampakan ninyo ay kilala na namin kayo pati amoy ng kili-kili ninyo … at alam naming kapag maasim ay hindi kayo nagsasabi ng totoo hehehe….wag na kayong mag-iimbento ng kung ano-ano at di kami maniniwala sa inyo”.

Walang ano-ano ay may naisip ang isang kabarkada

“ABA TEKA……MAY NAISIP AKO….tutal eh wala pa talaga kayong makitang mamahalin ninyo…O KAYA NAMAN EH GANITO NA LANG…. eh kung kayo na lang kaya ang maging magboyfriend” .

“H A ! at kapwa H A !” ang kapwa naisagot at nagulat at nabiglang si Manolito at Luningning

“HA EH HINDI PUPUWEDE…..hindi katalo si Luningning”….ang agap agad ni Manolito.

“HA OO NGA hindi kami magkatalo ni Manolito”….sagot din ni Luningning

“HA PAANONG HINDI KATALO eh hindi naman kayo magkamag-anak ah …eh yun ngang malapit na magpinsan ay pinapayagan ng ikasal…..at sa ngayon nga eh yun kapwa parehong babae at kapwa parehong lalake ay pinapayagan ng ikasal….eh kayo pa kaya” hehehe.

At nagkatinginan lamang sila manolito at luningning

Pero may biglang kasiyahang nag-umapaw ngayon sa kanilang dalawa dahil matagal na silang umiibig ng lihim sa isat isa , dangan nga lang sa tagal nilang magkakaibigan ay parang magkakapatid na lamang ang turingan nila .

Si Manolito bagamat siya ang lalake at dapat siya ang magtapat ay di talaga nito magawang makapagtapat ke Luningning kahit talagang type niya ito at sila bilang magkakaibigan na kung magturingan ay parang totoong magkakapatid lamang ay ayaw rin siyang magpahalata at baka siya makasira sa kanilang magandang samahan .

Ganondin si Luningning na kahit gusto niya si Manolito ay ayaw ding magpahalata at siya ay babaeng mahinhin at kinagisnan na niya ang lumang kaugalian na gusto na ang lalake ay nagpapakipot pa rin .

NAPAKAHIRAP NG KANILANG KALAGAYAN AT NADARAMA at sinisikil na mga damdamin na gusto nila ang isat isa pero di nila masabi at ayaw nilang magpahalata dahil kinagisnan na nilang parang magkakapatid lamang ang turingan nila .

“OH DIYOS KO MAHAL NA MAHAL KO PO SI LUNINGNING at kung hindi lamang siya ang mapapangasawa ako ay magpapakatandang binata na lang ako”….ang nasambit ni Manolito.

Ganondin si Luningning

“OH DIYOS KO MAHAL NA MAHAL KO SI MANOLITO at kung hindi rin lang siya ang magiging boyfriend ko ay nanaisin ko na lang na magpakantandang dalaga” .

LUMIPAS ANG ILANG PANAHON….lahat sila ay sa Maynila nagtratrabaho liban ke Luningning na ninais na lang sa kanilang lugar magtrabaho at kahit alangan sa kursong kinuha niya at maliit lamang ang suweldo ay tinanggap na lang niya ang magtrabaho sa isang sikat na Pawnshop sa lugar nila .

Ika niya ay ganon di naman ang suma niyon na kahit malaki nga ang suweldo sa Manila ay malaki din naman daw ang gastos sa pamasahe…. eh dito sa probinsiya pabor pa ito dahil hindi na siya gigising ng maaga at maghahadali sa pagpasok at baka mahuli. Eh dito raw kahit tanghali na siyang gumising ay isang hakbang lang nakarating na siya sa trabaho at sa pag-uwian man ay maaga ring makakauwi.

Samantalang ang kanyang mga kaibigan ay nagagahol sa pagpasok at sa pag-uwi ay gabi na rin .

Sa tuwing wala silang mga pasok sa trabaho ay di pa rin nawawala ang barkadahan nila at lagi silang me pinupuntahan at pawang mga pagbibiro at panunukso lamang ang ginagawa sa kanila ng kanilang mga kabarkada kapag nakikitang wala pa silang kapartner.

AT NGAYON NGA upang di na siya mabiro ng kanyang mga kabarkada ay nagdesisyon na si Manolito na pagtatapatan na niya ang pag-ibig si Luningning eh tutal naman daw ay biniro na sila na dapat ay sila na ang magkatuluyan..

“AH DI NA YATA AKO MAKATITIIS….. magtatapat na ako ng pag-ibig ke Luningning at kung akoy bibiguin niya ay magpapakalayo na lang ako sa lugar na ito at di na ako magpapakita pa sa kanya”..ang naisaloob ni Manolito ..

Ganondin naman si Luningning

“BAKIT BA NAMAN GANITO…bakit ba naman sa kalakalan ay lalake ang nagtatapat at walang karapatan ang babaeng magtapat. Kung ang babae ang magtatapat ay masagwa at iisiping mababang uri kang babae”…..ito ang napahinagpis ni Luningning.

ISANG ARAW NGA ay hindi muna pumasok si Manolito at sa Pawnshop na pinagtratrabahuhan ni Luningning siya pupunta dahil di na niya mahintay na gumabi kung sa bahay pa niya ito pupuntahan .

“HA ANAK…… bakit di ka pumasok ..wala ba kayong pasok ngayon?” tanong ng Ina ni Manolito

“HA eh me pupuntahan lamang ako inay”.

ITO ang araw na napagdesisyunan niya na magtatapat na siya ng pag-ibig ke Luningning dangan nga lang ay hindi ito ang tamang oras na magtatapat siya at di pa oras ng gabi para siya ay umakyat ng pormal.

GULAT NA GULAT si Luningning ng makita niya sa harapan niya si Manolito na ang akala niya ay isa lamang customer na magsasanla .

“H A ! BA-BAKIT KA NARIRITO , di ba me opisina ka ngayon?”

Pero sa kabila noon ay tuwang-tuwa siya at nakita niya uli si Manolito bagamat sa isang linggo ay magkikita naman uli sila dahil iyon ang araw ng tagpuan nilang magkakabarkada .

“HA EH KA…KASI ME…ME…I..I…SASANLA SANA AKO SAYO”.

“H A ! ME ISASANLA KA….ba-bakit nagipit ka ba ?”

“H A ! O…OO….OO ka-kasi malayo pa ang suweldo namin” hehehe ang medyo nangiti siya.

“HA GANON BA….EH PERO MAGKANO BA ANG KAILANGAN MO , eh meron naman akong baon dito eh gusto mo pahihiramin na lang kita”….ang pag-aalok ni Luningning sa inaakala nitong kinapos at kailangang-kailangan ni manolito ang pera .

“H A eh eh hindi pera ang kailangan ko”

“H A ! EH BAKIT KA MAGSASANLA eh pera naman ang kapalit ng isasanla mo dito”.

“AH EH hindi alahas ang isasanla ko”…

“H A ! KUNDI ALAHAS….EH ANO YON?”

“HA….EH…PU…PWEDE BANG I-ISANLA A- ANG PU-PUSO KO?” ang halos di niya mabanggit at nagkakandautal siya .

“H A !”

Ang biglang kaba at kumabog na kumabog ang puso ni Luningning sa kasiyahan pero di siya nagpahalata .

At di na siya nasagot ni Luningning kasi biglang nagparinig ang customer na naghihintay at naiinip sa kanila .

“AH eh eh sige uuwi na ako” …ang pagpapaalam agad ni Manolito .

Natingin lamang si Luningning at nanghahaba ang leeg nito sa pagtingin nito sa malayo nang si Manolito

ILANG LINGGONG hindi umuuwi sa kanilang bahay si Manolito at ito ay sa boarding house na lamang namalagi dahil nahihiya siya ngayong magpakita ke Luningning at maging siya ay di na sumama sa barkadahan

“H A !” ika ng isang kabarkada….. “bakit kaya di umuuwi si Manolito ?”

“Masyado kaya siyang naging busy sa trabaho…kasi kinokontak ko di sumasagot ah …o baka kaya maysakit …….o kaya pasyalan na lang natin sa kanilang apartment”.…ika nito sa barkadahan.

“EH ka-kayo na lang kaya..di…di na ako makakasama” ika naman ni Luningning .

“H A ! pati ba ikaw di rin makakasama?” .

Pero di nakatiis ang isang kabarkada nitong babae at sinabi nito ang totoong dahilan kaya nahihiyang magpakita si Manolito ke Luningning

“H A ! GANON BA….ANG LINTEK NA SI MANOLITO AT PINAKABA PA TAYO”

AT NANG ILANG BUWAN PA ANG LUMIPAS at di umuuwi si Manolito ay napagdesisyunan ng mga kabarkada niya na tuluyan na nilang puntahan siya sa tinutuluyang apartment nito .

At ng magkita-kita sila.

“LANGHIYA KA PARE…..eh bakit ka di umuuwi sa atin eh matagal ka ng hinihintay ni Luningning dahil tumubo na raw ng malaki ang isinanla mo sa kanya at baka daw maremata kasi mayroon daw na pasubastahan ngayon doon at baka raw may ibang makatubos ng isinanla mo doon…..TUBUSIN MO NA RAW ANG ISINANLA MO ANG SABI NI LUNINGNING” .

“H A ! TO-TOTOO BA ANG SINASABI NINYO ?”

AT TUWANG-TUWANG UMUWI at pinuntahan ni Manolito si Luningning sa Pawnshop pero iba ang teller na naka-duty don.

“ANO PO BA ANG ISASANLA NINYO MISTER ?” tanong ng teller

“HA eh eh wa-wala ho…eh tanong ko lang po….naririyan po ba si Luningning?”

“HA KAYO HO BA SI MANOLITO na madalas ikinukuwento ni Luningning…..ah eh nasa bahay siya ngayon at ang sabi sa bahay na lang daw nila tubusin mo ang isinanla ninyo” .

“H O !”

Pagdating sa bahay ay nagkataong nag-iisa lamang si Luningning at di na nagpatumpik-tumpik pa si Manolito at bigla na lang niyakap ito.

“HA NAKU… TEKA-TEKA nasa kapit-bahay lamang ang Nanay ko baka makita tayo”.

“HUU HAMO NA at ng makasal na tayo”

At nang dumating ang araw na magkikita-kita sila ng mga magkakabarkadahan.

“O KITAM sinasabi ko na nga bang kayo rin ang magkakatuluyan eh ang tagal naming hinintay ang pagkakataong ito”.

“HUU EH ITO KASING SI MANOLITO…..dinaan pa ako sa pagsanla-sanla ng kanyang puso at di pa niya diretsahin at ako naman ay talagang nakahandang tanggapin ang kanyang puso kahit habang-buhay niyang isanla ay hindi maririmata”.

“H A ! MA-MATAGAL MO NA BA AKONG GUSTO NOON PA MAN?”.

“EH ANO PA NGA BA….. EH KASI NAMAN NAPAKAHINA MONG MAKIRAMDAM”…eh kaya nga di pa ako maka-isip na makapag-boyfriend ay ikaw ang hinihintay ko….eh MANHID KA KASI….eh BA-BAKLA-BAKLA KA KASI”.

“H A !”

Gumanti si Manolito

“HA ANONG BAKLA….EH HINDI MO BA ALAM na kaya di rin ako magkaisip magkapag-girlfriend at gusto na sana kita… …eh kaya lang sa tuwing nakikita kong lagi kang nagsusuot ng pantalon at lagi kang naka-shorpet at kung maglakad ka ay parang siga at lagi mo pa akong sinasakal-sakal noon at ang malulusog mong dibdib ay di mo man lang iniiwas at idinidildil mo pa sa akin at parang bale-wala lang sayo at hayun nawawalan tuloy ako ng ganang ligawan ka….akala tuloy tomboy ka”.

“HA EH HINDI MO BA NAHAHALATA AT DI NAPAPANSIN NA PINAG-IINIT LANG KITA..eh palibhasa nga ay BA-BAKLA-BAKLA KA kaya wala kang nararamdaman”…ang banat na muli ni luningning.

“HA GANON BA..AKALA MO LANG IYON…eh hindi mo ba napapansin noon na sa tuwing ginagawa mo sa akin iyon ay nag-iinit talaga ako at tuloy nagpupunta ako sa CR”.

“HA!”

 …….Wakas…..